Ito lang ba ang ipinunta nya rito? Para itanong ang bagay na iyon?
Hindi maiwasang itanong ni Elli sa kanyang sarili matapos marinig ang sinabi nito sa kanya. Halos nakayakap na 'rin sa kanya ito at ramdam niya ang bigat nang dalaga dahil sa katawan nitong nakasandal sa kanya.
"Karalina umuwi kana" Aniya 'rito. Nagtataka siya kung bakit nakarating dito ang dalaga ng ligtas pagkatapos nitong magdrive, gayong lasing ito.
Hindi ito sumagot bagkos ay naramdaman niya ang mas lalong pagbigat ng katawan nitong nakasandal sa kanya. Batid niyang nakatulog na ito. Kaya naman walang pagaalinlangan itong binuhat ni Ellison sa kanyang bisig. Habang buhat ang dalaga na pangkasal ay nakarating siya sa kanyang maliit na apartment. Agad namang nagtungo si Ellison sa maliit nyang kwarto, inilapag niya sa kanyang kama ang dalaga na hindi man lang nagising.
Naiiling niya ang sarili habang nakatingin sa dalaga na mahimbing na natutulog. Mukhang mag-aalaga pa yata siya ng lasing ngayong gabi.
Sinimulan niyang tanggalin ang heels nito at sinunod niya ang leather jacket nito, pagakatapos ay itinaas niya ang kumot sa katawan nito. He have no choice kundi ang matulog sa sahig dahil maliit lang ang kanyang kama, at hindi sila magkakasya nito doon. Ayaw niya din naman madaganan ng isang lasing.
Nakapagbihis na si Ellison at inayos na niya ang hihigaan sa may sahig. Akmang mahihiga na sana siya nang madinig niya ang dalaga na nagsalita.
"H'wag! Wag please" mahina nitong ungol, kaya hindi niya naiwasang tignan ito. Nakita niyang nakapikit pa rin ang mga mata nito habang nagsasalita.
Nilapitan niya ito at hindi niya naiwasang haplusin ang malambot nitong buhok. Huminto naman ito sa pagsasalita, ngunit nakikita ni Ellison ang takot sa mukha nito na hindi niya mapagtanto kung ano bang napapanaginipan ng dalaga ngayon. Sa ilang minuto niyang pagtitig dito ay bumalik na 'rin siya sa kanyang kama upang matulog, dahil pasado alas diyes na rin ng gabi at maaga pa siya bukas.
Pabaling baling ang ulo ni Karalina mula sa kinahihigaan, habang paulit ulit na rumirehistro sa kanyang isipang ang isang masalimuot na nangyari sa kanya.
Kasalukuyan siyang nasa salas ngayon ng kanilang maliit na bahay. Tahimik na naglilinis ng bawat sulok nang kanilang bahay si Karalina. She was 13 years old back then, sya ang kumikilos sa kanilang bahay sa twing wala ang kanyang nanay at naglalako ito ng isdang kanilang itinitinda.
Ngunit ganon na lang ang gulat niya nang may humawak at humablot sa bisig niya.
"T-tito" aniya, at kinakabahan niyang tinignan ito. Halatang lasing ito base sa itsurang nakikita ngayon ni Karalina.
"I-ikaw bata ka! W-ala ka talagang silbi, halika nga dito" sabi nito sa kanya at sapilitan siyang hinila.
Kaagad syang nagpumiglas 'rito "Tito nasasaktan ako, a-ano pong gagawin niyo!?" Habang dinadala siya nito papunta sa kwarto nito nang kanyang ina.
Ang lakas ng tibok nang puso niya dahil sa matinding kaba na nararamdaman niya, wala yatang pagkatataon na kinakabahan siya kapag nalalasing ang asawa nang kanyang ina, hindi niya ito tunay na ama.
BINABASA MO ANG
Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little Secret
RomanceDra Karalina Carillo is a famous neurosurgeon because she was a monster when she's in her operation. Wala yata itong hindi napagaling na pasyente at mga successfull operation na nagawa nito. Ngunit sa likod nang kanyang laboratory gown, she was expe...