Dahan dahan naidilat ni Karalina ang mga mata nang maalimpungatan siya. Nang mailibot niya ang mga mata ay napansin niyang nasa kwarto niya siya. Marahan siyang umupo sa kanyang kama at di niya naiwasang sapuin ang kanyang ulunan nang makaramdam siya ng pananakit ng ulo dala nang hangover kagabi.
Sobrang sakit nang ulo niya at parang anumang oras ay mabibiyak yata iyon. Kaya naman pinilit niyang makatayo, at bumaba ng hagdan upang makarating ng kitchen na kung saan naabutan niya si Manang Ces na naghahain ng pagkain.
"Goodmorning Anak, masakit ba ang ulo mo?" nagaalalang sambit nang manang rito.
Bahagyang tumango naman si Karalina dito at naupo siya sa may high stool chair. Kinuha naman ni Manang ces ang tinimpla niyang kape at iniabot niya ito sa dalaga.
"Inumin mo 'yan nang gumaan ang pakiramdam mo kahit papano, mukhang naparami ang inom mo kahapon huh?" iniabot din sa kanya nito ang isang gamot.
Natigilan si Kara sa pagsimsim ng kape at napatingin sa ginang "P-paano niyo po nalaman na uminom ako kagabi?"
Ngumiti ito "Kay Ellison, nabanggit niyang lasing kang umuwi kagabi"
Ang huli niyang naaalala ay kasama niya si Marky sa isang private bar, after she tell the stories wala na siyang naalala pa sa nangyari.
"Bukod 'don manang Ces may nabanggit pa ba sya?"
umiling ito "Wala na nak, bakit may inaasahan ka bang sasabihin niya?" balik nitong tanong sa kanya na siyang ikinailing niya rin.
Tahimik siyang kumakain at iniwan na rin siya nang ginang sa hapag. Habang busy si Karalina sa pagkain ay bigla na lang nagring ang kanyang phone, nang makita nya sa screen ang taong tumatawag ay mabilis niyang nasagot ito.
"Yes, chairman?" she said on the line
"Kara iha, ngayon darating ang pinsan mong si Hailem. Can you welcome her at the airport and ikaw na 'rin munang bahala sa pinsan mo dahil may inaasikaso pa ako."
"Yes i will chairman. I'll take care of her"
"Thank you iha" after their goodbye's she hang up her phone and sigh. Sakto namang bumalik si Manang ces sa hapag upang magligpit ng pinagkainan nito nang mapahinto ito dahil sa naging itsura nang dalaga matapos ang pakikipagusap nito mula sa telepono.
"May problema ba Kara?"
"Manang darating na si Hailem" sumeryoso ang mukha ng ginang sa sinabi nito.
Maliban kay Karalina, alam niya din ang totoong ugali ng nagiisang apo nang Chairman. Mga bata pa lamang ang mga ito ay nasaksihan na ng ginang kung paano api-apihin nito si Karalina.
"At ako ang susundo sa kanya ngayon sa airport?" dugtong pa ni Karalina, nang tignan niya ang ginang nakita niya ang pagaaalala sa mukha nito. Batid niyang nababahala si Manang Ces.
"Gusto mo ba ng kasama? Willing naman akong samahan k--
She cut her off "Manang hindi na po, i will handle her. salamat na lang po" and then she smile. Pagkatapos ay tumayo na 'rin siya at pumunta ulit siya nang kanyang kwarto upang maghanda sa pagsundo sa pinsan niya.
Halos tatlong oras ang lumipas bago sya nakarating sa airport dahil sa traffic. Nang makapasok sya sa loob ay umupo muna siya sa waiting area. Nagtext ang chairman sa kanya kanina lamang na nandito na 'raw ang kanyang pinsan. Nakatingin siya sa kanyang wrist watch nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.
"Hi dear cousin! It's nice to see you again" nang lingunin niya ito, ay nakita niya si Hailem. Nakangisi ito sa kanya habang dala ang ilang bagahe nito.
BINABASA MO ANG
Doctor Series 1: The Neurosurgeon Little Secret
RomantizmDra Karalina Carillo is a famous neurosurgeon because she was a monster when she's in her operation. Wala yata itong hindi napagaling na pasyente at mga successfull operation na nagawa nito. Ngunit sa likod nang kanyang laboratory gown, she was expe...