Walang nagkakataon sa mundo. Kasiyahan at kalungkutan, lahat yan may mga dahilan.
Sumilang ang liwanag na ang hatid ay lamig at mahahamog na pagtanggap. Ito ang umagang nakagisnan ni Steve, at ang uri rin ng umagang hindi na niya gusto pang balikan, ngunit kailangan. Isa itong pagsisimula ng araw na inaasahan niyang babago sa kaniyang buhay, o kapag mamalasin naman ay ang pagpapatuloy ng kalbaryo sa kaniyang pagkatao.
Walang ibang tinitignan ang kaniyang mga mata kungdi ang tanawin na halos lahat ay kulay luntian, matataas, at malalalim na pagkakalagak kung ibababa ang tingin, ang mga bundok at bagin ay hinahalikan ng mga hamog, at kung ano-ano pa ang makikita sa labas ay hindi na ganun kadaling ilarawan gawa ng malamig na itsura ng klima. Nasa biyahe siya ngayon, nakasakay sa isang bus na galing Maynila, at kinauupuan ang puwestong sa may bandang bintana, tahimik, nakatanaw sa paligid, at kalmadong nakikinig ng musika sa kaniyang earphones.
Ala-sais pa lamang ng umaga subalit ang aga naman niyang nagbyabyahe, saan naman kaya ito papunta? Paakyat ang tinatahak ng bus na kaniyang sinasakyan, isang mabundok na byahe ang nagaganap, ang daan ay hindi diretso kungdi paliko-liko kaya maingat ang drayber sa pagkurba, may mga nakakasalubong din na mga sasakyan ngunit hindi ganoon karami gawa ng maaga pa nga. Hindi rin naman ganun karami ang mga kapwa niya pasahero, wala ring imik dahil karamihan ay mahimbing pa ang pagtulog lalo na't mahaba-haba rin ang byahe mula Maynila patungo sa tutunguhin nila. Paakyat pa ng paakyat, at paliko pa ng paliko, ang mahalaga alam nilang makakarating din sila sa destinasyon.
Mga labing limang minuto ang lumipas ng madaanan na nila ang isang arko na yari sa ladrilyo o brick na kulay kape, bagong pintura at nagkikintaban, nakaukit sa gitna ang pangalan ng bayan, ang lugar na tinutungo ni Steve, ang kaniyang bayan, ang kaniyang pagdurusa. MABUHAY, MUNTING BAYAN NG LA NUEVA DEL NORTE.
Kung pwede lang sanang huminto o kaya naman ibalik ang direksyon ng bus papuntang Maynila ay ginawa na niya ito, didiretsahin kita, ayaw rito ni Steve, wala siyang balak na puntahan ito, ngunit anong magagawa niya? Iyan ang kaniyang bayan, diyan ang kaniyang tirahan, at isa lamang siyang naging bakasiyonista sa Maynila, sana kung Baguio na lang ang pupuntahan niya ngayon subalit ang mga paa niya ay para lamang sa La Nueva del Norte, ang bayang para sakaniya ay matagal na siyang napatay. Pero sadyang mas pinipili nating balikan ang mga bagay na pumapatay sa atin. Iyan ang kalikasan ng tao, ang kalikasan niya.
Sino nga ba si Steven?
Kung meron mang isang salita na maglalarawan sakaniya, "tahimik." Kahit maraming tao sa paligid niya mas pipiliin niya ang manahimik kesa ang dumaldal at makihalubilo, para kasi sakaniya ang katahimikan ang pinakamabisang aksyon sa isang bagay.
Nasa edad siya na 17, sakto mga ilang buwan pa lamang ang nakakalipas mula ng siya'y nagdiwang ng kaarawan pero di ko alam kung nagdiwang ba talaga siya. Matangkad ng konte, maputi ang balat, mabalahibo ng hindi naman masyado. Ang kaniyang buhok ay may kahabaan na rin pero katanggap-tanggap pa naman para sa isang binatang kagaya niya. Mga mata'y kulay asul, matangos ang ilong, ang labi ay kulay rosas na hindi ganun kapula, at ang hugis ng mukha ay habilog. Sa madaling salita may itsura si Steve.
Kung wais ba kapag inilarawan din ang kaniyang pangangatawan ay madali na lang sabihin na maganda ang hulma nito, makisig ang tindig, at ang braso't katawan nito'y mukha namang maipagtatanggol ka kapag naabutan ka niyang nanganganib ang buhay. Sana ganun nga ang totoo sa kaniya pero ang katotohanan ay nagsasabi na wala siyang pakielam sa ibang tao, pero hindi naman siya masamang nilalang, sadyang mas sentro niya ang kaniyang sarili --sa panahong ito.
Kung sa datingan ng kaniyang itsura ay wala namang magiging reklamo subalit ang kaniyang damdamin, iyun ang nakakabahala. Hindi siya marunong ngumiti, at ito pa ang nakakapagbagabag, isa itong babala para sa sinumang magtatangkang tumingin sa mata niya, kung maaari ay huwag na huwag niyong tititigan mabuti ang kaniyang mga mata kung ayaw niyong madala sa emosyon dahil kahit ang pinakamalayong tao pa na nakatayo ay mapagtatanto na hindi sinisinagan ng kasiyahan ang kaniyang mga paningin, mga mata niya ang magsasabi ng kaniyang malungkot na pamumuhay.
BINABASA MO ANG
AFTERTIME
Mystery / ThrillerThese are confusing times. Sa isang bayan na hindi matatwaran ang katahimikan at ang mahalumigmig na klima ay bumabalot sa buong kapaligiran, sisibol ang isang malaking tunggalian na puro anino't mga lihim ang nilalaman. Kaakibat ng misteryo at pag...