CHAPTER 10: STEVEN

3 0 0
                                    

Walang makakapigil sa pag-iyak ni Manang Violy dahil sa labis labis na pag-aalala, at ngayon ay mas lalong hindi mapapatahan ang pagtangis niya dahil sa pagkagaan ng kalooban. Salamat at nakauwi na rin ngayon si Steve, kasama ang kaniyang mga magulang. Abot langit ang pasasalamat ng matandang katiwala. "Pinag-alala mo ko, pinag-alala mo ko," umiiyak nitong sinasabi habang yakap-yakap si Steve. "Bakit ka naman tumakas, mabaliw-baliw ako rito kakahanap sa'yo sa buong bahay ang buong akala ko napano ka na!"

Puno ng kaantukan ang diwa ni Olivia Noble, napapahikab ito nang makapasok sa kanilang tahanang kahoy na kahoy ang estruktura, medyo natagalan kasi ang pag-kukuwestiyon ng hepe sa anak nila. Walang imik naman si Joaquin Noble, kanina pa siya hindi nagsasalita, para bang ang lalim ng iniisip at hindi niya ito maabot, ang alam lang niya ay nag-aalala siya para kay Steve at hindi birong may nawawala sa La Nueva del Norte ngayon.

Tila hindi nakakarinig ang binata, tanging mga bulalas lang ng hepe ang nadidinig ng tainga niya, mga tanong nila at kaniyang mga isinagot. Ang paningin niya sa salas nila ngayon ay ang maliit na silid kung saan naganap ang interrogation. Mga mag-aalas-onse na ngayon ng gabi.

"Masaya ako anak na walang nangyari sa'yo at kasama ka pa rin naming nakauwi pero pwede pakipaliwanag naman saakin...kailan pa? Kailan mo pa naging girlfriend yung anak ng Rafael Argos na yon?" Sa boses ni Olivia ay hindi niya matanggap ang katotohanan kaya napatanong siya. Napaupo rin siya sa sofa.

Naghihintay ng sagot si Joaquin.

Hindi nakasagot ang anak nila, nakatayo lang ito na parang walang naririnig, nakatulala lamang siya at wala man lang reaksyon. Ngayon naman ay ang mukha ni Alex ang nakikita ng mga mata niya kahit alam ng utak nito na wala rito ang dalaga, nawawala nga.

"Steven?!!!" pasigaw na tawag ni Olivia.

Nabuhay din siya sa wakas, nagulat ang pagkatao niya dahil sa pagtawag, napalingon ng dahan-dahan sa ina niya. "Ma?" mahina niyang wika.

"Kailan mo pa girlfriend yung nawawalang anak ni Rafael?!" pag-ulit ni Olivia na hindi makapaghintay ng sagot.

"Ma...matagal na, last year," walang gana nitong tugon. Inabutan siya ng isang basong tubig ni Manang Violy at pinaupo ang alaga.

Nakiupo rin ang Manang upang makinig at makialam sa mga nangyayari ngayon. Si Lolo Jaime naman ay payapang nakaupo pa rin sa kaniyang tumba-tumba, walang naririnig pero gising.

"Last year?!" pasigaw ni Olivia. "At hindi ka man nagbalak na sabihin sakin!"

"Kapag sinabi ko ba sainyo dati, magkakainteres ba kayo, Ma? May pakialam ka ba?" sagot ni Steve na mas lalong nakakainsulto dahil istatik lang ang tono.

"Oo! Oo may pakialam ako dahil di ko hahayaan na yang anak pa mismo ni Rafael ang kababaliwan mo, Steven naiintindihan mo ba ko?!" Walang pakialam si Olivia, gabi na at tahimik, siya lang ang malakas ang boses at hindi iniisip na maaaring magulat si Lolo Jaime.

Parang nasampal sa mukha ang binata, napakunot ang noo niya. "Ma? Nawawala yung tao, yan talaga ang iniisip mo? Ano bang nangyayari sa'yo, Ma? Ano bang meron sainyo ng mga Argos?"

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Nakita mo naman kung ano ang ginawa nila kanina diba? Kung gaano sila kagalit sa'yo dahil sa relasyon mo sa babaeng iyon! At ikaw din ang sinisisi nila!" sagot ni Olivia na napatayo pa sa lakas ng boses.

"Olivia!" pagbabawal ni Joaquin na nagsisimula ng mainis.

"Yun nga lang ba, Ma? Yun lang ba? Nakita mo ba kanina kung paano sila makatingin saatin?! Kung paano rin nila ininsulto si Pa?! Ma, oo galit sila sakin kasi ako ang huling kasama ni Alex kanina bago siya nawala, pero yun nga lang ba yun?! Sabihin niyo nga saakin, bakit ganun na lang ang galit satin ng pamilya ni Alex?!"

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon