CHAPTER 5: ALEXANDRA

2 0 0
                                    

I know walang perfect na relationship, lalo na sa panahon ngayon.

Pero, ready naman tayo sa consequences diba?

Basta walang bibitiw, walang susuko, tears and joys, victories and sorrows, until the end of time.

Ano pa bang saysay, bakit pa ba niya naalala ang mga pahayag at kataga na yan? Hindi na dapat pang binabalikan ang mga bagay na hindi na mahalagang balikan, kaya nga nauso ang salitang pagbabaon at pagbangon. Matapang na babae si Alex, ni hindi nga siya kaya ni Dave, pero ibahin niyo ang oras at araw na ito, intindihin natin siya gawa ng muli niyang nakita si Steve.

Naroon siya ngayon sa may bandang kanto, naglalakad, pauwi na sa kaniyang tinutuluyan sa pamamahay ng kaniyang tita Sarah at tito Marco. Bale sumakay naman siya ng E-trik pauwi pero nagpababa na lamang siya sa may bandang trangkahan ng subdibisyon o village, mas ikinagagaan ng pakiramdam niya ngayon ang paglalakad dahil tiyak na makakapag-isip siya ng maayos.

Nang iwan niya sina Dave kanina ay sinundan naman siya ni Dacre para pakiusapan na hintayin ang kaniyang manliligaw upang makapag-usap sila o kaya naman ay siya na ang maghahatid pauwi subalit ayaw talaga niya, matigas na babae, may paninindigan. Ang kaso ngayon ay mahigpit ang bilin ni Dave na di dapat makalabas ng Unibersidad si Alex hanggat di siya nakakarating doon kaya talagang harang na harang ni Dacre, yun lang ay kailanman hindi mo nanaisin na pagtripan ang isang babaeng malalim ang iniisip at mukhang problemado, hindi makadaan si Alex kaya sa huli namilipit sa sakit si Dacre, sa unang sipa ay maayos pa pero sa pangalawa ay napuruhan na ang kaniyang pagkalalaki, buti at hindi yun nakakabaog, pero masakit talaga yun para sa isang lalaki na sa dami pa ng tatamaan ay doon pa sa hindi dapat pinupuruhan.

Mga mag-aalas kuwatro na ngayon at ang kalangitan ay para bang nasa alas-sais na, hindi dapat ganito kaaga uuwi si Alex, hindi ganito ang kaniyang pinakamaaga, ngunit alam naman natin kung ano ang kinahinatnan ng araw niya, wala siyang ibang mapupuntahan. Hindi naman pwede sa kaniyang ina dahil inaasikaso niya ang iba pa niyang mga anak, ito ang mga kaso ng kaniyang mga kliyente; hindi rin pwede sa ama, sa malamang ay nambabae sa nayon; lalo naman sa Lolo niya sa Manor nila, baka masigawan lamang siya; hindi rin siya makapunta sa mga malls, salon, spa, at kung ano-ano pa dahil wala rin siya sa mood, bahay na lang talaga. Sabagay, tama rin na umuwi na siya ng ganitong oras baka sakaling maabutan niya sila Tita Sarah at mapagaan ang kaniyang kalooban kapag nakapagkuwentuhan sila.

Habang naglalakad ay naiisip pa rin niya ang nakaraan at kasalukuyan. May sarili nga siyang pagdedesisyon pero hindi niya maisip ngayon kung ano ba dapat. Intindihin natin.

Ito ang kasaysayan ng problema niya ngayon:

Hindi na lingid ngayon sa ating kaalaman na may relasyon pala noon sila ni Steven Noble, oo, totoo yan, ang kanilang naging pagsasama noon ay hindi niya rin aasahan. Naging magkamag-aral sila sa unibersidad mula pa elementarya, ika-limang baitang para maging tiyak, pero hindi sila magkasundo, may ugali itong si Alex at payapang tao si Steve at kapag hindi uunawain ang pagkatao ng binata ay talagang aakalain na siya'y mayabang at tanging ang pakialam lamang ay ang sarili; inis at pagkamuhi ang paningin dito ni Alex.

Nang tumungtong naman sa Mataas na Paaralan o Buhay High School ay hindi pa rin sila mapaghiwalay ng pangkat, laging nasa unahan dahil mayroon ding maibubuga pero hindi pa rin talaga sila magkasundo, sobrang yabang na yabang pa rin si Alex kay Steve at itong binata naman na ito ay wala pa ring pakialam. (Hindi naman sa sinasabi na mas mayabang si Steve kay Dave, alam natin ang totoo, pero sa paningin talaga noon ni Alex ay mas arogante si Steve, dahil may dahilan din kasi). Kaya lang naman pala ganoon ang tingin ni babae ay dahil na rin sa pakikitungo ni Steve, tahimik at hindi mahilig mamansin, ang tanging gusto lang naman pala ni Alex ay mapansin siya o kaya naman ay maging magkaibigan sila.

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon