Just start from the beginning, dear.
Kaagapay niya palagi ang earphones at musika kapag walang ginagawa, katulad ngayon, hindi pa siya kailangan kaya heto siya, nakatayo at nakaharap sa masalaming dingding ng Glass House ng mga Montelibano. Alas-dose ito ng hatinggabi, eksaktong kakarating nila dahil ang dami pa nilang pinagdaanang mga katanungan, intriga, at pang-uusisa sa loob at labas ng presinto. Kanina pa nga niya gustong umuwi at makita na ang kapatid na si Joey, sabik na siyang mahalikan sa pisngi ang pinakamamahal na kapatid, hindi na siya makapaghintay na makapagpalit ng damit at matulog sa kama niya subalit sadyang mapait ang oras minsan, nakakapikon pa nga madalas, may mga hinihintay pa kasi siya na papeles na ibibigay ni Mayor at kailangan niya itong asikasuhin pagkauwi. Sana'y ginawa na ito agad ni Patricio kaya lang nauna pa ang panenermon nito kay Dave. Dito sa salas nilang malawak na halos babasagin lahat ng makikita maliban sa sofa, nakaupo ang binatang anak, habang ang mga magulang ay nagbibigay ng pangaral, nangunguwestioyn, at nag-iinit ang ulo; hindi nakikialam si Jacquie, mas pinili na lang nitong makinig ng musika.
Knew there was somebody, somewhere
A new love in the dark
Now I know my dream will live on
I've been waiting so long
Nothing's gonna tear us apart
Habang tumataas ang boses ni Mayor dahil sa mapilosopong mga pagsagot ni Dave ay mas nilalakasan pa ni Jacquie ang volume ng earphones nitong puti upang hindi makarinig.
And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing...
Dismayado si Patricio Montelibano sa nangyari, sobra ang galit niya kay Dave dahil sa pagiging iresponsable nitong pag-iisip, alam na nga raw kasi ng binata na ipinagbabawal ang pagpunta sa Bosque del Alma, malinaw na malinaw na nakakandado ang gubat pero pumasok pa rin sa konsiderasyon ng famous na labagin ang batas, ngayon ay bahagi siya sa mga may kasalanan kaya may nawawala ngayon.
Ang katuwiran naman ni Dave ay sobrang ikinaiinis ni Mayor, kesho hindi naman siya ang kasama ni Alex nung nawala ito, hindi rin siya ang nagbukas ng gate sa gubat, at mas lalong hindi niya kasalanan na may mga tao palang nagmamatiyag sa kagubatang yun. Pero alam naman niya sa sarili niya na hindi niya sinisisi si Steve, babahagya lang.
Iba naman ang ikinagagalit ni Katrina Montelibano, halos magulo na ang pagkakaayos ng buhok niyang nakapusod dahil sa kanina pa niya pagkamot nito gawa ng pagka-inis. Nagngangalit siya sapagkat nagkaroon ng koneksyon ang kaisa-isang anak niya sa isang Noble, hindi matanggap ng Katrina na naging kaibigan ni Dave si Steven Noble. Hindi niya mapigilan ang gigil at pagkadismaya.
Sanay na sanay na rin naman na si Dave sa mga ganito, minsan hindi na lang siya sumasagot, pero kapag alam niyang maipaglalaban niya ang isang salita ay hindi mapipigilan ang kaniyang bunganga. Nakasandal siya sa sofa ngayon, pumapasok at nilalabas lang ang mga salitang nagmumula sa mga magulang niya.
...In the end I wanna be standing
At the beginning with you
Beginning. Saad ni Jacquie sa isip. Ang dami ng nangyari sa araw niya magmula pa kaninang madaling araw at ngayon ay hatinggabi na. Wala sa sarili nitong nakita ulit sa utak ang mga kaganapan sa pagtitipon kanina, mula sa mga iyak ni Sarah Gomez hanggang sa pagtawag ni Dave at inilathala na ang nangyari sa gubat. Napapikit siya ngayon dahil sa, ginhawa ba sapagkat natapos na ang lahat? O sa pag-aalala na baka mamaya'y may mangyari nanaman. Naalala rin niya kanina na sinabi pala sakaniya ni Sarah na malamang magiging kasundo nito ang pamangkin niya, na siyang nawawala na ngayon. Ang lupit naman ng tadhana, foreshadowing ba? Hindi masyadong kilala ni Jacquie si Alexandra Argos, naririnig lang misan kay Dave, at ngayon lang din niya nalaman na pamangkin pala siya ni Sarah Gomez. Naalala rin niya kanina ang nakita nito sa banyo ng mga babae, kung paano nasaksihan ang pagiging mapusok ni Rafael Argos na may kinakalantari sa loob ng cubicle. Bakit ba parang madalas kong ma-encounter ang mga Argos ngayon?
BINABASA MO ANG
AFTERTIME
Misterio / SuspensoThese are confusing times. Sa isang bayan na hindi matatwaran ang katahimikan at ang mahalumigmig na klima ay bumabalot sa buong kapaligiran, sisibol ang isang malaking tunggalian na puro anino't mga lihim ang nilalaman. Kaakibat ng misteryo at pag...