STEVEN'S GAME

1 0 0
                                    

Kinaya niya!

Kinaya niya ang makaalis sa Oval ng Unibersidad. Hindi niya kilala ang mga nakasalamuha, wala siyang kaalam-alam sa pinagdadaanan ng panahong ito, hindi nabibilang sa daliri ang pwedeng pagkatiwalaan, wala talaga ni isa, pero kinaya niyang makaalpas, nagawa niyang makalabas.

Kinaya niyang maglakbay palayo, nahanap niya ang daan palampas sa buong Clarkengrave Maximillano University. Kahit naman na panahon pa ito ng mga magulang niya ay di naman nagbago ang mga daan palabas sa paaralang ito, siguro may mga nadagdag lang na gusali sa oras niyang 2019, subalit di naman yun nagpalito sa landasin.

Kinaya niyang maglakad pa sa University Road, mahamog, malamig, salamat at may mga posteng de-ilaw kaya nakakaaninag pa siya. Sinuwerte rin naman siya nang may dumaang tricycle at nag-alok ng sakay, sa simula parang di pa napalagay si Steve dahil mas nasanay siya sa anyo ng mga E-tric, subalit naisip din naman agad kung may E-tric na ba sa taong 1986, wala, kaya bumigay rin sa alok ang binata at sumakay na sa loob at nagpadala papunta sa trangkahan ng Bosque del Alma. Sa simula'y nagdalawang isip ang drayber, inakala niyang adik ang binata sapagkat sira-ulo lang ang pupunta sa gubat na para sakanila'y isinumpa, pero sa bandang huli ay pumayag din naman ito nang iabot ni Steve ang 100 Piso sakaniya, at di na rin umalma ng sukli, malaking halaga na ito sa drayber kaya kahit nangingilabot siyang maghatid patungo sa gubat na kinatatakutan, dinala niya ang pasahero sa Bosque.

Kinaya niyang alalahanin ang direksyon ng puting buhangin. Nawala na sa isip niya na nabitawan pala niya ang mapa kaninang makaengkuwentro niya ang pasaway na dalaga. Mabuti na lang at nakabukas ang trangkahan at ang puting buhangin ay hindi pa rin nababali, ang direksyon nito ay tuwid pa rin. Kahit na walang kasiguraduhan, kahit mapanganib, kahit walang pangako ng kaligtasan, sinuong niya muli ang gubat kahit may kadiliman na. Malas lang sapagkat lowbat na ang kaniyang telepono, problema ngayon ang magbibigay ng tanglaw. Naglalakbay siya ng dahan-dahan hanggang sa may maapakan siya kaya nasadsad nanaman sa lupa, ano naman kaya ang naapakan? Pagkakita niya ay isang flashlight, nang kaniyang kinuha at sinindi, maliwanag na maliwanag ang ilaw, makakatulong ito sakaniya. Kung sinuman ang nag-iwan o naglagay nito sa lupa ay paniguradong planado ang gagawin ng binata. Hindi na siya mahihirapan sa lakad niya.

Kinaya niyang suungin ang gubat hanggang sa makarating sa lawa. Naroroon pa rin ang bangka at sagwan sa lugar na kaniyang pinag-iwanan, may natitira pa siyang lakas upang managwan pabalik sa burol paakyat sa mansyon. Sinigurado niyang maingat na siya ngayon, di na madadapa, di na madudulas, paakyat siya sa burol gaya ng pagkakaalala niya sa tinahak kaninang umaga.

Kinaya niyang marating ang plantasyong pantay at hile-hilera ang mga puno, na may daang diretso sa gitna. Di nag-alinlangan na balikan ito at makabalik sa mansyon upang makahanap ng kasagutan sa nangyayari sakaniya. Umaasa siya na makita ulit si Don Juan, o kaya naman yung matandang babae. Inabot din ng ilang oras bago siya makarating sa mansyon. Nang natanaw na niya ang hagdahan paakyat ng etrada, nakaramdam nanaman siya ng takot at kaba, kaninang umaga lang nang matagpuan niya ang sarili niya sa loob na kahina-hinala ang itsura, ngayon ay babalik nanaman siya upang matuklasan ang tunay na kuwento sa likod ng kaniyang kasalukuyan.

Pagkapasok sa mansyon...

Nagpapakurot sa tainga ni Steve ang tunog ng binuksang pinto, hindi talaga kanais-nais sakaniya ang ganitong tunog, nakakapanghilakbot. Sumalubong sa kaniya ang hagdanang nasa gitna ng maluwang na salas, walang mga upuan, ni mesa, plorera, at anumang muwebles, payak na payak ang unang bahagi ng mansyon na tanging mga kandila lamang ang nagpapa-ilaw, nangangahulugang may tao sa bahay na ito sapagkat may nakapagsindi ng mga kandila.

Nasaan ka? Sigaw ni Steve sa sarili. Kanina kasing umaga, sa sobrang pagmamadali niya kaya hindi na niya nagawang pagmasdan ang salas, diretso labas na siya kaagad, ngayon na niya nasilayan ng maayos at tuwid ang itsura ng mansyon. Masapot din sa ilang bahagi, maalikabok, at amoy luma. Sinong nagsindi ng mga kandila? Tinignan niya ang dako pataas, ang hagdanang yari sa kahoy na matibay at balkon na perpekto ang pagkaka-ukit, napansin niya ngayon na may pailaw din sa mga kandila ng ikalawang palapag kung saan siya nanggaling kaninang umaga. Nagbabakasakali siya na maaaring naroon ang taong responsable sa kaniyang pagiging miserable. Pero hindi pa man nakakaakyat ay namataan na niya ang aninong naglalakad sa itaas, papunta sa hagdan. Sinundan niya ito ng tingin, maging ang mga yapak ay pinakinggan mabuti, hanggang sa dumating na rin sa wakas ang tao. Nakatayo siya sa tuktok ng hagdanan sa itaas, nakangiti, nakatingin siya ng diretso sa binatang nasa baba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon