CHAPTER 2: ALEXANDRA

14 2 0
                                    

"Alex! Anong oras na?! Hurry up!" malakas pero malambing na pagtawag ni Sarah.

Walang tugon na narinig.

"Tagal talaga kumilos o," sabi naman nito sa sarili. "Marco?! Isa ka pa, you'll be late!" sa punto namang ito ay medyo nag-aalala na siya ng kaunti.

"I'm coming!" tugon naman ng boses lalaki na galing sa isang dako.

Hawak ni Sarah ang isang diyaryo, nagtungo sa bandang terasa ng kanilang tahanan, at inilapag ang pahayagan sa mesa na may mga lutong almusal, kape at isang basong gatas, tubig, prutas, pinggan at kubyertos, at mga sawsawan gawa ng ketchup, mayonnaise, mustard, at iba pa. Ang kanilang terasa ang isa sa mga nagsisilbing hapag-kainan dahil napagkaganda nga naman kumain sa lugar na kitang-kita ang buong tanawin, mga mabubundok na anyo kung saan nakatayo rin ang ibang mga bahay na engrade sa disenyo't arkitektura, mga puno, ulap, at iba pang gusali.

Muling bumalik si Sarah sa may bandang salas nila at muling tinawag ang nasa itaas, "Alexandra Ann Argos! Last call!"

Naririnig na ang mga hakbang pababa, nakasuot ng rubber shoes, naka jeans, jacket, gloves ang dalawang kamay at naka earphones ang tenga. Ayan na ang pokus ng ating kabanata, si Alex na nasa edad 17.

"Tita, diba sabi ko kahit huwag na akong tawagin or hintayin kasi nga diet ako right?" makulit nitong sagot pero hindi naman bastos.

"Diet, diet, excuse me gusto mong dinemanda ako ng Mama mo pag inakala niya na ginugutom kita, hell no, punta ngayon sa dining table, go na," mahinahon namang tugon ni Tita Sarah.

Kasalukuyan naman palapit na rin si Marco, nakalong-sleeves, pantalon, at black shoes. Pagkalapit kay Sarah ay binigyan niya ito ng isang matamis na halik sa labing medyo mamula-mula ng kakaunti, salamat sa lipstick. Sila ang mag-asawang Gomez, sina Marco at Sarah Gomez.

"Marco, nandiyan ang pamangkin mo and..." paalala ni Sarah na may pag-aalala o kahihiyan?

"Why? I want to kiss my wife, and no one can stop me from doing that..." tumatawa nitong tugon at muli nitong inilapit ang labi sa asawa at sumabay na rin si Sarah sa mood ng kaniyang asawa.

Napapangiti na rin si Sarah, at saka iniyakap sa batok ni Marco ang kaniyang mga kamay.

"Ehem! Breakfast is ready," sutil naman na biglang sabat ni Alex habang tinititigan ang dalawa na walang humpay ang pagkatamis ng umaga.

Ikinagulat naman ni Sarah, kaya pinigilan na si Marco na kaniya rin namang tinanggap, at tsaka nagsipagtungo sa terrace na para bang walang nangyari. Ngiti naman ang bumulantang sa labi ni Alex dahil sa nakita at medyo may tuwa itong sumunod sa hapag-kainan.

Ganito ang kadalasang pagsisimula ng umaga ni Alexandra Argos...bale sa araw na ito ay ganiyan, mabuti na lang.

Naupo na ang mag-asawa habang siya naman ay tumayo pa sa balkonahe at dinama ang hangin ng umaga.

"Alex, upo na," pagtawag ni Sarah na nilalagyan ng asukal ang kaniyang kape. "Just for you to know I'm not having fun with this set-up huh, sobrang late breakfast na 'to, 9 AM? Goodness bukas back to 7 AM tayo," seryoso nitong sinambit para kay Marco at Alex.

"Tita Sar, 2019 na and ganito na talaga ang changes ngayon," nakangiting sagot ni Alex na papaupo na sa kaniyang upuan. Para sakaniya ang gatas na nakahanda at maingat itong uminom para hindi na masyado malagyan ang kaniyang labi.

Nagbabasa si Marco ng balita sa pahayagan, gawain naman na niya yan sa tuwing sasapit ang umaga at sila'y mag-aalmusal, habang si Sarah naman ang naglalagay ng pagkain sa pinggan ng asawa.

"Oo pala, mamayang gabi na pala yung pa-party ng magaling nating mayor ah," sambit ni Marco na saktong kabababa lang ng diyaryo. "Ano pupunta ba tayo?"

"Fundraising hindi naman sinabing party," sagot naman ni Sarah. "Um, oo attend tayo eh tayo lang naman ang inaasahan ni papa na magrepresent sa kaniya sa mga ganiyang gathering eh."

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon