A DAY IN THE LIFE

4 0 0
                                    

Pumapasok ang sinag ng bagong gising na araw sa loob. Nakabukas ang bintanang klasiko ang disenyo't uri. Yari naman sa mga lumang bato ang buong paligid ng kuwartong ito, maluwang, walang kalaman-laman ang looban maliban sa engrandeng kama sa gitna na gawa sa kahoy na pininturahan ng itim, may kurtinang puti na nakasabit dito. Katabi naman ng higaan ang isang munting mesa na kinapapatungan ng isang kandelabrang may bitbit na tatlong tunaw na mga kandila.

Dahil sa kuwarto ito sapagkat may kama, natural, mayroong nahihimbing dito.

Nakadapa ang paraan ng pagtulog ng binatang ito, kulay puti rin ang kobre-kama at may dalawang unang kaparehas ang kulay. Ang paraan ng pagkakadapa niya ay palihis kaya ang dalawang paa niya ay lagpas na sa kutson. Nakapikit pa ang mga mata niya, hindi siya naghihilik, mukhang matamis pa rin ang labi at matipuno pa rin ang itsura. Ito ang kinahinatnan ngayon ni Steven Noble. Hindi tamang istorbohin siya sa pagtulog sapagkat sobrang himbing nito. Humihinga pa ang binata at malinis ang buong katawan. Tila ba'y hindi niya alam na siya'y walang suot na saplot, kumpleto ang pagkahubo mula taas hanggang baba, at walang kumot na nagtatakip sa kaniyang buong likuran na maputi. Matipuno ang hugis ng katawan niya, para talaga sa isang binatang makisig; mapapansin ang nunal niya sa kanang bahagi ng likod nito papunta sa balikat, at isa pa sa may kaliwang baywang; perpekto ang pagkakatambok ng kaniyang puwitan na siyang pantay sa kulay ng kaniyang buong likuran; mabalbon ng babahagya ang binti, nagtamo nga lang siya ng isang maliit sa sugat papunta sa paa dahil sa pinagdaanan kagabi; at kung susuriin pa ang buong likuran niya, malinis ito na para bang pinaliguan.

Dahil sa tuluyan na ngang nasa tuktok ang haring araw kaya ang sinag niya ay ginigising na ang binata. Naramdaman ng katauhan niya ang kauting init na sumasandal sa likod at mukha niya, marahan niyang idinilat ang mga matang may kakarampot na muta. Wala pa siya sa katinuan kahit namulat na nga, ang buong akala niya ay nasa kama siya ng kaniyang tinuluyan sa Maynila noong isang araw lang. Wala lang, dilat pa lang siya at di pa kumilos. What  just happened? Bulalas ng utak niya. Humihinga siya at pilit na ginigising ang diwa. Nang kaniyang masilayan ang pader sa loob ay nagsimulang gumuhit sa utak niya ang hindi pagkakapamilyar sa silid. Napakunot ang noo niya at mukhang naibabalik na siya; bigla niya naalala ang pagbabalik niya kahapon sa La Nueva del Norte at mukha ni Alex. Napapaisip na siya. Sunod ang mga magulang niya, si Dave, at pagkatapos ay ang pagkadukot sa dalagang minamahal, si Lolo Jaime, at ang Bosque del Alma, at ang estranghero --lahat sila bumabalik na sa ala-ala niya. Bigla rin niyang narinig ang pagsigaw niya kagabi nang mapalibutan siya ng mga lalaking kakaiba ang suot sa mukha. Naaalala na niya ang lahat. Agad siyang napabangon.

Unang ginawa niya ay pagmasdan ang kuwarto. Hindi makapaniwala at makapag-isip ang mga mata niya, labis ang pagtataka sa nakikita. Nasaan siya? Hindi niya ito silid. Hinihingal na siya at nalalaki ang mga paningin, umikot pa ang pagtanaw sa kapaligiran niya, totoo nga, wala siya sa bahay. Sunod niyang napansin ang kaniyang sarili, hubo't hubad siya ngayon, walang suot ni isa, tinignan niya ang katawan niya, mula sa dibdib na mamula-mula ng konte hanggang sa dalawang utong na bahagyang kulay rosas; mula sa baywang na may hulma hanggang sa ari niyang simbolo ng tunay na pagkalalaki; mula sa binti't tuhod hanggang sa mga daliri sa paa. Malinis ang kaniyang katawan, may mga natamong sugat lang na hindi naman malala, maputi't makinis ang kabuuan. Sinubukan niyang alalahanin, kung may maaalala ba siya, kung paano nakarating dito at bakit wala siyang suot. Hinubaran ba siya? Marahil. May ginawa ba sakaniya o ginalaw ba? Wala siyang nararamdamang sakit sa mga bahaging posible sa ganuong karahasan, tanging sakit lang ng katawan dahil sa pagkadapa, dulas, at takbo na ginawa kagabi sa gubat. Bakit malinis na ang buong anyo niya? Hindi na niya maalala pa.

Nang kaniyang makita ang bintanang nakabukas ay agad niya itong nilapitan at pinagmasdan ang labas, mapuno, at nalaman niyang nandito siya sa mataas na palapag ng isang matayog na estruktura. Rinig na rinig din ang huni ng mga ibon sa umaga, palipad-lipad, pahinto-hinto sa mga sanga. Nasaan ba talaga siya? Hindi na mapakali ang sarili niya, hindi siya makasigaw ng saklolo, sa itsura ba naman niya ngayon ay magdadalawang isip siguro ang tutulong sakaniya. Bumalik ang paningin niya sa loob, nakita niya ang pintuan, lumapit siya at nang buksan ay bumukas ito, hindi nakakandado, salamat naman.

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon