KABANATA 16: ANDREA

5 0 0
                                    

Takipsilim nanaman, nagpapaalam na si Haring Araw, maghahari nanaman ang dilim. Kapag sasapit ang gabi sa La Nueva del Norte ay napakalungkot, hindi maintindihan ng lahat subalit ang lungkot talaga, siguro gawa ng nasanay ang karamihan sa curfew na dinulot ng Martial Law sa mga nagdaang mga taon, masunurin ang lahat nung kasagsagan ng Batas Militar, kapag bawal lumabas, bawal talaga lumabas, ni isang tao kabataan man o may edad nasa loob ng mga tahanan tuwing ganitong oras. Kaya naman ngayong taon ay nagsisimula na muling mabuhay ang gabi sa bayan, may mga nagsisipaggala na ulit, ang mga kabataan agresibo na ulit sa gimikan 'pagkat wala ng curfew. Tulad ni Andrea Montelibano.

"Kuya Nonong naman pakibilisan ang drive noh! May prosisyon ba?" maarteng utos ng dalagang si Andrea na pinagmamaneho ng kanilang drayber, naroon siya nakasakay sa likod.

"Ay pasensya na po, Ma'am Andrea mahigpit na utos po sakin ni Ma'am, este Mayora na pala, na dahan-dahanin ko ang pagmamaneho mahirap na mabangin po ang daan at kapag nagkamali ako ng pagpapatakbo ay baka maaksidente tayo..." mahaba talaga magpaliwanag si Nonong Drayber kaya napapainit niya ang ulo ng dalagang pasaway.

"Hayyy shhht shhhht, oo na sige na, My god nag explain nanaman siya, fine fine fine," gaya nga ng inaasahang rekasyon ni Andrea.

Kapag pumapasok ang usapin patungkol sa mga pasaway, kapusukan, wild, at mga ibang klaseng modernong babae ng panahon, hindi pwedeng mawala sa paksa si Andrea Montelibano. Kalikasan na rin kasi niya ang pagiging kalog at maarte, minsan ay walang pasintabi ang bunganga pero may yamang maipagmamalaki lalo na't pinuno na ang kaniyang ina. Siya ang depenisyon ng kolehiyalang in, mga patok na patok sa masa ng unibersidad gawa ng galawgaw ang pag-uugali. Lumaki siyang nakukuha ang gusto, laki sa layaw, spoiled brat sabi nga ng marami at wala siyang pakialam dito, mas ikinatutuwa pa niya, pag nasosobrahan nga lang ang bansag sakaniya ay 'pakawalang bata.'

May kagandahang taglay din siya na maipagmamalaki. Perpekto ang bilugang mata niya na kapag tititigan mo mabuti ay tiyak hulog ka sa bitag ng kamandag ng kaniyang paningin. Sa ilong ay tamang tangos lang. Hindi rin pwedeng hindi mapula ang labi, isang rosas ito na sariwa, kakampi niya lagi si lipstick na laging nakatira sa bag niya. Nagmumura rin ang pinsgi niyang tamang lagay ng kolorete, mas nagpapakinang sa tunay niyang kayumihan at labis na kaakit-akit na katauhan. Sa pangkalahatang anggulo ng mukha niya, para sa mga lalaking sira-ulo yung mga tipong gusto lang siyang paibigin upang maikama, sila ang nagsasabi na mala diyosa siya ng kagandahan; pero para sa mga matitinong tao, babae man o lalaki, cute naman daw ang wangis ni Andrea.

Nakabihis siya sa oras na ito, panglakad, pormahan kung pormahan ng isang kababaihan. Handang-handa ang highlights ng kaniyang buhok na bold curls, may kahabaan na lampas balikat. Maging ang bagong sweater niya na kulay dilaw, mahaba ang manggas, at crop top na bagay na bagay din sakaniya sapagkat mahilig talaga sa mga damitang lantaran ang pusod. Maikli lang ang denim na shorts na suot at may panloob na net high waist leggings. Agaw eksena rin ang kaniyang mahabang medyas o high knee socks na kulay itim at rubber shoes na kaparehang kulay. Nakadekuwatro pa ang upo niya sa sasakyan at ginagalaw-galaw ang kaniyang buhok.

"Kuya Nong? Oonga pala, bakit ikaw ang nagmamaneho para sakin ngayon?" Oonga, napansin din ni Andrea na ang beteranong drayber ang ipinadala sakaniya.

"Hindi na po ako magmamaneho para sa mama niyo, may bagong padala sakaniya ang lola mo," walang kalatoy-latoy na sagot ni Nonong na may edad na kaya ang bagal magmaneho.

Nirorolyo-rolyo niya ang hibla ng kaniyang buhok gamit ang daliri, isang mannerism kapag naiinis o kaya nawawalan ng gana. "Ang ibig kong sabihin bakit hindi si Kiko eh di hamak naman na...na mas bata at guwapo siya kesa sa'yo," walang prenong saad.

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon