CHAPTER 4: DAVE

2 0 0
                                    

He's not good. He's not bad. He's just a man. With a great number of fans.

"Oh great! Let the crowd be crowded like crows as they fly." Mayroong boses na sabihin na nating arogante, o kaya naman maporma.

"You have to hurry up, they can't wait," nagmumula ang pagtugon sa kaniyang bluetooth headset, lalaki ang kausap at tunog na tuliro.

"I'm driving in the University Road, chances are guidance or worse, goodbye Clarkengrave if I make the Lord Dave's move," mahinahon niyang sagot sa kausap sa linya. "What if just tell them that I took the first flight out of the mountains?"

"Walang maniniwala, Dave," tugon ng kausap.

"Oh, like Tony Stark said to J.A.R.V.I.S in Avengers 1 'grow a spine' and you should also, Dacre." May pagkamayabang nga siya, o baka naman ganiyan lang talaga siya magsalita.

Malapit na niyang marating ang Office of Admissions ng Clarkengrave Max. University, ang totoo nito ay mabilis magmaneho si Dave, kamalas-malasan lang at nagmamaneho siya sa loob ng malaking unibersidad, panigurado sa guidance o sa direktor ito magpapaliwanag kapag ginawa niya ang pagmamadali.

Kahit na mabagal ay maporma pa rin siya sa pagpapaandar, ito siguro ang kaniyang pinakaipinagmamalaki sa buhay, ang pagpapatakbo ng sasakyan at iparada sa lahat ang kaniyang Sports Car na Mazda na nagmula sa sarili niyang ipon mismo.

Samantala, sa may bandang Admissions ang haba na ng pila, dagsa ang mga kabataan, ngunit ano ba talaga ang dinadagsa nila? Oo kalahati ay para sa pagpapasa ng mga dokumento at ang karamihan naman ay...walang iba kungdi masilayan, makapagpakuha ng litrato, at makausap ang paparating na binatang walang kasing sikat sa buong La Nueva del Norte. Sa entrada ng gusali ay nakatayo ang apat na binatilyo, may mga itsura rin namang maibubuga, ang isa sakanila ay si Dacre na kausap pa rin ang inaabangan.

Nasa likod naman ng apat na 'to ang mga hindi makapag-antay, karamihan ay mga dalaginding na iba-iba ang mga itsura, may mga mapuputi, kayumanggi, dark complexion, mayorya nito'y nagsisipaggandahan; may mga binata rin na nag-aabang, sila ang mga umiidolo sa itinuturing na "famous" ng unibersidad. Maiingay ang mga ito, sari't-sari ang mga opinyon at dada.

"Men? Nasaan na ba kasi si Dave? Ang kulit ng mga taong ito tanong ng tanong." Si Ezra ang nagtanong, isa sa apat, singkit at maputi, matipuno ang pangangatawan subalit mainitin ang ulo.

"Sanayan lang yan, Men, ayaw mo yun pwede kang maka-isa sa mga chick na yan mamaya." Galing naman ang mapusok na sagot kay Yuwen, kayumanggi ang kulay, malaki ang katawan, mahaba ng kaunti ang itim na buhok. Sa apat na kalalakihan siya ang parang mabagsik pagdating sa pagpili ng babae --sa isang gabi.

"Sabagay, parang may target na nga rin ako eh," pabulong ni Ezra na minamatyagan ang isang makinis na babaeng nakasuot ng crop top sa tabi ni Dacre na malugod ding nag-aabang. "Annilov? Huy Annilov?"

Si Annilov naman ang pinakatahimik sa kanilang apat, lalaking mahinhin pero hindi naman binabae, marami rin nagtataka kung paano siya napabilang sa tanyag na grupo ni Dave, dahil sa isang barkada nangangailangan ng mautak at matalino, siya yun, ang tanging pag-asa nila sa larangan ng akademiko. Nakasalamin at simple lang kung manamit, pero mapera rin dahil espesyalista sa utak ang ama.

"Bakit?" lutang na tanong ni Annilov nang marinig si Ezra. "Nandiyan na ba?"

"Wala pa, pati ikaw nawawala rin, sa sarili, wala pang exams huwag kang matameme diyan," nang-aasar na bulalas ni Ezra, napatawa naman ang ilang mga kabataan sa likod.

Ang pinaka-pinagkakatiwalaan naman ng "famous" ay si Dacre, kaya nga siya ang kausap ngayon. Sa kanilang apat na, sabihin na nating mga alagad, siya ang may pinakabusilak ang puso, may pagpapahalaga sa pagkakaibigan, at hindi mabilis ang mata sa babae sapagkat mayroong nobya.

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon