CHAPTER 9: DAVE

2 0 0
                                    

"Hey, Orb?! Come on, wake up!" marahan na niyang sinisipa-sipa si Steve para magkamalay tayo na siya. Naunang nakabangon si Dave mula sa pagkakawala ng malay kani-kanina, nagising siya na hindi masyadong naaalala ang mga naganap, basta ang alam lang niya ay nandirito na siya sa Bosque del Alma.

Agad ding nagising si Steve, salamat sa mga mahinang pagsipa ni Dave. Tinulungan siya ng kaibigan na makatayo at ngayon kapwa silang medyo nablangko ang utak sa mga nangyari kanina. Halos wala pa sa katinuang ulirat, medyo malakas din ang pagkakahampas sakanila.

"Hey, welcome back," panimula ni Dave na itago man niya ang totoo pero nag-aalala na siya.

"Anong nangyari?" nanghihinang tanong ni Steve.

"Umm, ahh, I don't get it, it's umm I was there and you were here without a life until I woke up and...you know I don't really know what just happened..." kahit siya ay hindi alam ang ipapaliwanag sa bilis ng mga pangyayari.

Nang mapagmasdan ni Steve ang kapaligiran ay napagtanto rin niya sa wakas na nasa gubat pa rin sila na madilim, naalala rin niya na nakabisikleta pa siya papunta rito at napasemplang pa. Bumalik din sa isipan niya na kausap niya si Alex mula sa trangkahan hanggang sa papasok, at medyo nagkasagutan sila at kasabay ng mga pangyayari ang pagkakaayos at pagyakap nila. Napaguhit nga lang sa utak niya ngayon na nasilayan sila ni Dave at biglang...biglang...tama! May mga tao rito kanina na naging dahilan ng pagkakawala nila ng malay pansamantala.

"Dave, may...may mga iba pang nandito kanina," siguradong bulalas ni Steve, "may pumukpok sa'yo kanina, sa likod mo...sakin din..."

Naalarma ang reaksyon ni Dave, naniniwala siya kay Steve kahit pa di na niya nasilayan ang mga tinutukoy na iba pang nandito kani-kanina. "What do they look like?"

"Naka...parang mga pari, nakasuot ng pang-pari pero yung ulo, parang ulo ng hayop, parang kalabaw na di ko maintindihan," natatarantang sagot ni Steve na pilit na inaalala ang mga nakita.

Hindi tiyak si Dave kung maniniwala ba siya sa sinabi ng kaibigan, "Steve, I think you're still in the state of shock, what does that suppose to mean? Supernaturals?"

"Hindi, hindi. Mga tao yun, mga tao sila...nakita ko yung kamay nung pumukpok sa'yo, sigurado ako sinuot lang nila yung mga nasa ulo nila."

"You might wanna remember that once the cartographic sketching happens, but we have...bigger...problem than this...what the fuck!" Hindi mapakali si Dave, ni hindi niya madiretso ang gusto niyang sabihin, palakad-lakad siya at hindi man lang pumirmi sa isang tabi.

"Dave, Dave bakit? Ano? bakit? Nasaan si..." biglang bumakas sa sa ala-ala niya ang sinapit ni Alex, ang pagbalot ng tela sa kaniyang mukha, at hanggang doon na lamang dahil nahampas na nga sa batok. "Alex?"

"That's it, Orb. Alex's missing, she's gone," tugon ni Dave na hindi makapaniwala at mapakali. "It's just the two of us, she's nowhere to be found."

Nanakit ang ulo ni Steve dahil sa katotohanang hindi nila kasama ang pinakamamahal na dalaga. "Di pwede, Dave di pwede! Kailangan nating hanapin si Alex, halughugin natin 'tong gubat hanapin natin si Alex!"

"Yeah, yes, we will, but first tell me what happened after I fell? Paano nangyari lahat?" kalmado siya ngayon, kailanman ay hindi inilagay ni Dave sa unahan ang pagiging tuliro kaya dinadaan niya sa payapang kondisyon ang lahat.

Muling inalala ni Steve ang mga imahe ng kanina. "Sobrang bilis ng lahat di na malinaw pero ang natatandaan ko tinakpan siya ng tela ng isa sa kanina..."

"And?"

"Yun na lang natandaan ko tapos wala na..."

That's bullshit, bulong ni Dave sa sarili, "That's it? Oh fuck me, okay anything else? Orb? What else do you remember?!"

AFTERTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon