Maligayang pong pagdating!!! Sa pag punta sa pahinang ito ay dapat naihanda na po ang sarili sa pag-ikot, pagbaliktad, at pagkagulong ng inyong mga mundo at oras.
Ito ang magsisilbing gabay ng mga mambabasa upang malaman at maunawaan ang mga nilalaman ng kuwentong ito. Alam ko po na minsan ay hindi talaga tayo madalas sipagin para maglaan ng oras sa pagbabasa ng mga terms of services o kaya sa mga guidelines, alam ko po yan dahil ganiyan din ako, pero nauunawaan ko na ngayon kung bakit mahalagang basahin ang mga ganun.
Bago po sanang simulan ang pagbabasa ay ito muna ang ating talakayin:
1. Ang kuwentong inyong mababasa o matutunghayan o makikita sa imahinasyon ay kuwentong piksyon lamang po, hindi po ito sumasalamin sa totoong buhay. Ang mga pangalan ng tauhan, lugar, pangyayari, at iba pang mga masasaksihan sa akda ay pawang kathang-isip lamang at hindi tumutukoy sa katotoohanan.
2. Nais ko na rin pong iwasan ang alinmang paghahambing o pagtutulad ng aking gawa sa mga obra ng iba kaya ngayon pa lamang ay sinasabi ko na po na ang kuwentong aking nabuo ay nagmula sa aking inspirasyon na galing sa iba'ibang kuwentong aking napanood --lalo na sa NETFLIX, mga akdang nabasa rin mula sa iba pang mga mahuhusay sa manunulat, mga artikulo ng mga tanyag na personalidad, at maging ilang inspirasyon sa Bibiliya. Ang mga ideyang aking nakalap ay aking sinubukang paghambingin, unawain, at sa kinamabutihang palad ay nakabuo ng isang panibagong kuwento. Di ko man masabi na orihinal ang konsepto ngunit tiyak ko namang may bukod tanging katangian ang kuwentong inyong mababasa maya-maya.
3. Sa mga mambabasa po, mayroong mga tema at lengwahe na hindi po angkop sa mga bata-batang mambabasa. Naglalaman din po ang akda ng mga maseselan at sensitibong kaganapan, mga karahasan na maaaring hindi magiging akma sa panlasa at isipan ng isang mambabasa, kung sakali man po na ganun na nga ang sitwasyon ay baka hindi po para sa inyo ang babasahin, pero kung nais pa ring magpatuloy ay siguraduhin na may kasamang nakatatanda upang ipaintindi ang mga ganap.
4. Humihingi na rin ako ng paumanhin kung sakaling may mga salita na mali ang aking pagkabaybay o spelling, kung minsan ay talagang nagkakamali rin ako habang sumusulat gawa ng matindi ang pokus ko sa kuwento subalit tinitiyak ko rin naman na minimal lang ang mga may mali sa mga baybayin ng mga salita, at maging sa grammar. Kasisimula ko lang rin naman.
5. Ang kuwentong matutunghayan ay, marahil nakakalito siguro, baka lang naman, pero naniniwala akong matatalino ang mga mambabasa at kakayanin nila ito. Isang payo na rin mula saakin na may-akda, kung sakaling malagay nga sa ganun ay mas maganda kung mayroon tayong papel at pansulat para sa mga karakter upang maiwasan ang pagkalito sa kanila. Kaya niyo yan naniniwala ako, huwag lang magpabihag sa mga pangyayari upang makaalpas at masundan ang mga kaganapan.
6. Pakatandaan, hindi basta-basta ang mga nakasulat sa bawat kabanata, mas maigi kung magiging mapagmatiyag tayo sa mga sinasabi o deskripsyon sa bawat kapitulo ng kuwento.
7. Huli. Siguraduhing huwag maglalaktaw ng kabanata, bawat isa ay mahalaga at mabuti rin kung umabot kayo sa pinakadulo at huli ng kuwento. Sana ay inyong tangkilikin. May kahabaan din po ang bawat kabanata upang mas maging maliwanag ang lahat, at nasa sainyo na rin po ang desisyon kung paano niyo ito tatanggapin.
Kung sa palagay niyo ay handa na kayo upang basahin ito ay malugod ko po kayong tinatanggap!!!
HINDI BASTA-BASTA ANG PAGBABASA NITO...KAYA KAILANGAN ANG BUONG ATENSYON AT ISIP.
AFTERTIME
This is for my beloved 12-HAGAR.
BINABASA MO ANG
AFTERTIME
Misteri / ThrillerThese are confusing times. Sa isang bayan na hindi matatwaran ang katahimikan at ang mahalumigmig na klima ay bumabalot sa buong kapaligiran, sisibol ang isang malaking tunggalian na puro anino't mga lihim ang nilalaman. Kaakibat ng misteryo at pag...