Chapter 1: Fresh Start

93 18 32
                                    

A/N: Hello reader! Thank you for reading my story! Sana abangan ninyo at subaybayan ang kwentong ito. God Bless! 

PS: Allison's is in the picture above. Enjoy reading!

- - - - - - - - - - - - - -

New school year, new perspective. Sana, maging maayos at tahimik na itong school year na 'to. All my life, gusto ko ng isang masaya, tahimik at memorable na college life. Sa nakaraang taon, hindi ko inexpect na magiging tragic ang experience ko sa paaralang ito.

Ilang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos nang nangyaring 'yon. Buti nga napatunayan ko sa SCC na wala akong nagawa sa kahit anong bintang nila sa akin, thanks to my friends, lalo na kay Jacob. Regarding Mia, nagbitiw siya bilang officer ng SCC.

"Dad, gusto ko na talagang lumipat ng school." Pagpupumilit ko kay dad kahit unang araw na ng pasukan.

"No. Jan ka gragraduate." Sabi ni dad. "Pero dad— "

"Nak, alam ko nahihirapan ka dahil sa nangyari sayo last school year. But can you stay a little longer? I promise you, papayagan kitang mag- transfer if this school year won't work." Payo ni dad sakin.

"Tama ang daddy mo, Ali. Just give it another try. Sayang naman ang privileges mo sa school." Pagsasang-ayon ni Mama.

Wala naman na akong ibang choice kundi pagbiygan sila, after all, sa school din nagtatrabaho si Mama bilang professor. At tama din naman sila, sayang din ang privileges ko. Okay, I'll just give it one more try.

"Sabi mo yan dad ah." Tumango si Dad. Hays, buti nalang napaka maunawain ng mga magulang ko kahit napaka tigas ng ulo ko.

"Tara na, ihahatid ko na kayo at malalate na kayo." Sabi ni dad sabay tapik ni mama sa akin, para sabayan ko siya palabas ng bahay.

Manila International University. Isang paaralang gustong pasukan ng lahat, isang paaralang gusto kong takasan. Mula no'ng binackstab ako ng mga inakala kong kaibigan ko last year, mas lalo akong naging maingat sa mga kinakaibigan ko. Ngayon ko lang talaga mas naintindihan ni kuya sa akin bago ako mag-start ng college. Binalaan ako ni kuya noon, pero dahil sa katigasan ng ulo ko, nangyari ang ayaw niyang mangyari sa akin. Sa ngayon, dito na muna ako. Ayaw ko rin naman na ma-dissappoint sila daddy eh.

"Hoy, Ali! Ano na naman iniisip mo jan, ha? Iniisip mo pa rin bang lumipat?" Tawag sakin ni Alex habang naghihintay kami ng teacher namin.

"Nakuu, Ali, tigilan mo na nga yan. Think positive lang. Kahit ganon nangyari noon, siguro naman mas magiging matapang ka at magiging handa ka sa mga pwedeng mangyari." Tama si Jacob, dapat think positive lang. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Mukhang Calyx ang katapat netong kaibigan natin, friend." Bulong ni Alex kay Jacob.

Hindi ako umimik kahit nagrinig ko 'yung sinabi ni Alex. Kinakabahan ako na baka may susunod pang ippopost sila Mia after last year. Pasalamat nalang ako, nanalo pa akong officer ng SCC after ng nangyari. Well, ginapang ko rin naman last year para linisan ang pangalan ko eh.

Pagkatapos ng klase ko, kinailangan kong dumaan sa SCC Office for Filipino Students since may naiwan akong papeles na kailangang ilakad. Haaays, kung hindi lang talaga sa pakikiusap sakin ng mga higher officers ko, matagal na akong nagquit dahil sa mga hindi magandang pakikisama ng ibang kasamahan ko.

Magkahiwalay kasi ang SCC for International Student at Filipino student. Pero kapag may meeting from the main SCC, as one ang meeting. Yun nga lang, kailangan English and mode of communication since hindi lahat ng officers nakakaintindi ng tagalog. Sa mga nagsimula dito mag-aral from other contries, naiintindihan naman nila pero para sa mga bagong officers na hindi pa bihasa sa tagalog, English ang mode of communication.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon