Hinatid na ako ni kuya sa school pero hanggang ngayon binabagabag pa rin ako sa message na natanggap ko kagabi. Bakit sa dinami dami ng taong magsesend sa akin siya pa. Tulala, inaantok at gulong gulo akong pumasok sa klase. Pasalamat nalang ako at isa lang klase ko ngayon araw. Pagkatapos ng klase po tinawagan ko si Kaitlyn. Sakto naman, katatapos ng klase nila. Sinabi ko na rin na 'wag muna niyang sabihin kay Calyx na magkikita kami. Kailangan kong mag-ingat, pati na sa best friend ko.
Pinuntahan ako niya sa may benches malapit sa school oval. "Ali, bakit? May nangyari bang masama?" tanong ni ate sa akin na halatang nag-aalala. Pinakita ko sa kanya yung text message na nataggap ko kagabi.
"Kait, may alam ba kayo na pinuntahan nila Calyx at Jester kagabi? May nasabi ba siya sayo?" tanong ko sa kanya.
Umuling siya. "Ang alam ko lang, ginawa nila yung report nila tapos sabi niya nung nakita ko siyang paalis ng school na pupunta siya sa park kasi sasama daw siya sa inyo na kumain ng dinner. Pagkatapos noon, hindi ko na siya nakita." Sabi ni ate Kaitlyn. Sino kayang nagsend neto? Panigurado naman ako, hindi si Lyx 'to. Hindi siya ganito mag-message sa akin.
"Pero bakit ayaw mong ipaalam kay Kevin 'to? Hindi ba't mas magandang siya ang tanungin mo diretso?" sabi ni ate sa akin. May point siya, pero hindi pwedeng magpadalos dalos. Isang mali ko lang, baka may magawa na namang issue tungkol sa akin.
"Hindi muna. Kailangan ko munang makasiguro bago ko sabihin sa kanya."
Nakita kami ni Jester na nag-uusap kaya lumapit siya. "Ali, Joi, anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa akin. Hindi ako umimik at nag-aalanganin akong magtanong nang magsalita si Kaitlyn.
"Jester may pinuntahan ba kayo ni Calyx kagabi?" tumango si Jester. Kinabahan ako sa sagot ni Jester.
"Pero bakit mo natanong?" umiling si Kaitlyn at natahimik.
"Oo nga pala Ali, hindi ba naitext ni Calyx sayo?" Umiling ako.
"Nung umuwi na kayo nagtext si Emil sa amin, tinatawag niya kami sa apartment niya." Pagpapaliwanag ni Jester. Ibig sabihin, hindi talaga si Lyx ang nagsend ng message.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Calyx. "Hello Lyx, punta ka nga dito sa bench. Kasama ko sila Kait at Jester. May itatanong lang sana ako."
Pumayag si Calyx at sinabing papunta na daw siya. Nang dumating si Calyx, takang-taka siya kung bakit tahamik kaming lahat. Naikwento na rin namin kay Jester yung tungkol sa message since kanina pa siyang nangungulit kung anong problema.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ni Calyx. Sandaling natahimik ang lahat. Tumingin siya sa akin saka tumaas noo niya.
"Kev, nung pumunta tayo kila Emil, hiniram ba niya yung phone mo kahit isang beses lang?" tanong ni Jester.
Tumango si Calyx. "Oo, hiniram ni Emil noong bago ako mag-cr, bago tayo natulog. Bakit?"
Pinakita ko sa kanya yung text message na natanggap ko. Napamura nalang si Calyx nung makita niya yung message. Sakto naman, padaan si Emil malapit sa kinaroroonan namin. Sa galit ni Calyx, bigla niya akong binitawan at akmang susugurin si Emil. Pinipigilan siya ni Jester kaso ayaw niya talaga magpaawat.
"Ano bang problema mo?!" sunggab na tanong ni Calyx kay Emil.
"Oh, Calyx, bakit? Anong ginawa ko?" pang-aasar na tono ni Emil.
"Emil, 'wag mo akong masubukan. Baka masuntok kita dito." Sabi ni Calyx na natawa naman si Emil.
Magsasalita n asana si Emil nang biglang hilain ni Calyx ang necktie ni Emil. "Sa susunod bro, 'wag mo akong idadamay sa mga kagaguhan mo. Baka makalimutan kong kaibigan kita." Pagbabanta nito at binitawan si Emil na halatang natatakot na.
BINABASA MO ANG
Boy meets Girl
Romansa"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be one of your bad memories? Have you ever thought of living a good college when there are people that will do everything to bring you down? All...