Chapter 3: Remember

42 12 28
                                    

CALYX'S POINT OF VIEW

Papalabas ako ng school nang biglang tumunog yung phone ko. Nagtataka talaga ako, first day of classes wala pang paramdam si Allison samantalang nung last week lagi yan sa bahay nangungulit na natatakot daw siyang pumasok sa school. Hindi ko naman siya masisisi, pero alam kong malakas yan. Sadyang sobra lang siyang nasaktan since kaibigan ang turing niya sa kanila.

Bagong number. Sino kaya to? Inangat ko ang tawag. "Hello?"

"Calyx! How are you?" sabi ng boses sa kabilang linya. Teka, bakit parang pamilyar ang boses na 'to? "Kuya Paul?" tanong ko.

"Yes! It's me. Pasensya na, hindi ko pala nasend sayo 'tong new number ko. Tapos na ba klase mo?" pagpapaliwanag ni kuya Paul, kapatid ni Ali.

Buti pa 'tong kuya niya, tinatawagan ako. Ni mismong best friend ko 'di man lang ako kinakausap, magtatapos na ang araw. "Yes, kuya. Andito ka bang Pilipinas kuya? Your number doesn't seem overseas." Sabi ko kay kuya. Sa pagkakaalam ko kasi, sabi ni Ali next week pa balik ni kuya Paul.

"Yes, actually kakabalik ko lang. Meet us at Ali's favorite café. I'm sure 'di ka pa nun kinakausap. Okay? I'm on my way to your school right now. Susunduin ko si Ali." Bago ako makasagot, binaba na ni kuya yung telepono.

Nag-abang na ako ng taxi at pumunta na sa café na laging pinupuntahan ni Ali, Coffee Corner. Pagkarating ko, andun na sila Ali. Nakinig ako sa usapan nila saka ako pumasok nang itanong ni Ali kung bakit alam ni kuya na hindi pa kami nag-uusap.

Teka, di ko rin naman sinabi kay kuyang 'di pa kami nag-usap ah. "Tinawagan ako ni kuya." Sagot ko sa tanong ni Ali.

"Anong ginagawa mo dito?" Sagot sa akin ni Ali.

Aba! Ibang klase talaga 'tong best friend ko magtanong. Samantalang wala kang paramdam sa akin ha! Nagkibit-balikan ako tinignan ng masama si Ali. Umupo ako at umorder ng iced coffee mocha.

"Ikaw ba Ali, bakit hindi mo ako naisipang i-update o ikontak man lang? Hindi ba't sabi mo no'n after ng klase mo sa first day of classes tatawagan mo ako?" diretso kong tanong sa kanya.

"Kausapin mo yang best friend mo Calyx ha. Alam mo na kung anong bumabagabag na naman jan." Sabi ni kuya.

Haynako, napaparanoid na naman 'to sa kaiisip kung anong mangyayari sa school year na'to. Haaays.

"Lilipat na naman ba bumabagabag sayo Allison?" Umiling ako sa kanya. "Iiiwan mo na ako?" Pagtatampo ko sa kanya. Isa kasi yung sa mga nagustuhan kong ugali ni Ali. Siya yung tipo ng babaeng hindi basta basta matatakot sa kahit anong gawin mo sa kanya, as long as wala siyang natatapakan o nagawang masama.

"Ano ba Calyx! Tigilan mo ako!" sagot agad ni Ali. 'To naman napaka oh. "Hindi na akong lilipat, masaya na kayo?" sagot niya sabay tingin niya sa amin ni kuya Paul. Bahagya namang natawa si kuya Paul.

"Nakakalimutan niyo yatang may kasama kayo dito." Pang-aasar ni kuya.

Ayan na naman si kuya Paul sa pang-aasar sa amin. Mula nang nalaman niyang best friends' kami ni Ali, hindi na natigil ang tanong niya sa aming dalawa kung never daw ba kaming nagkagusto sa isa't isa. Una sa lahat, hindi kami pwedeng magkagusto since kasama ko si Ali sa ROTC last year. At pangalawa, never ko magugustuhan si Ali, pareho kaming hindi magkakagusto sa isa't isa kahit kelan kasi ang turingan namin, magkapatid.

Nagpaalam si kuya na kailangan nilang umuwi. Oo nga pala, tuwing umuuwi si kuya, may pinupuntahan silang family. Nagpasabi si kuya na ihahatid daw nila ako, kaso tumanggi ako. Kailangan ko kasing dumaan sa mall para ipareserve ang favorite at dream jacket ni Ali.

Tumawag sa akin si dad at sinabing susunduin daw ako sa mall since malapit lang daw siya sa mall. Hinintay ko si dad sa entrance at nang anjan na siya, umuwi na kami. Habang pauwi, naalala ko ulit kung paano kami naging mag best friend ni Allison.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon