CALYX'S POINT OF VIEW
Nagising ako sa tunog ng isang tawag.
"Hello?"
"LYX! BUMANGON KA NA JAN! SAMAHAN MO AKO SA MALL!" sigaw ni Allison sa kabilang linya.
"Ano ba! Aga aga, naninigaw ka!"
"Anong maaga ka jan. Hoy Calyx Kevin Cruz, magtatanghali na hindi ka pa rin nagigising! Dalian mo mag-ayos jan, papunta na ako jan sa bahay niyo!" sabi niya at pinatayan ako ng telepono.
Pagkababa ko, nahagilap ko ang oras. 11:30am.
Dali dali akong bumangon at naligo. Ayokong madatnan ako ni Ali dito sa kwarto at baka tapunan na naman ako niyan ng yelo para lang gising ako. Ewan ko ba jan, nagmana sa kuya niyang ang aga gumising kahit weekends yata eh!
Pagka-ayos ko, bumaba na ako.
"Calyx, mananghalian ka na, kagabi ka pa hindi kumakain." Sabi ni mama.
"Day off niyo ma?" tanong ko sa kanya. Doktor kasi niya sa isang ospital.
"Night duty." Sagot niya. "May nalutong pagkain sa kusina. Kumain ka na."
Dumiretso na ako at kumain. Gutom na rin ako eh. "Si Matt?" tanong ko kay mama.
"Sumama sa daddy mo. Pumunta sila kila lola mo para bumisita."
"'Di man lang ako ginising." Pagmamaktol ko.
"Haynako Calyx, paniguradong kung hindi ka pa tinawagan ni Ali, hindi ka pa gising at hindi ka bihis na bihis ngayon. Kanina ka pa ginigising ng kapatid mo, hindi ka naman magising." Sagot ni mama kaya napasimangot ako.
Habang kumakain ako, biglang may nadoor bell. Oh, ayan na si Ali-kong kong.
"Hello tita!" bati niya kay mama. Tinuro naman ako ni mama kaya dumiretso na siya sa kusina.
"Hoy ikaw lalaki ka, Kundi pa kita tinawagan, baka andun ka pa sa kwarto mo!" sipat niya sa ako.
"Oo na! Eton a nga oh. Tara na nga." Sagot ko sa kanya at nagtooth brush.
"Ma, samahan ko lang daw si Ali sa mall." Paalam ko kay mama.
"Ingat kayo ha!" sabi niya at niyakap ko siya.
"Bye, tita!" paalam ni Ali.
"Alagaan mo anak ko ha?" pang-aasar ni mama.
"Ma!" saway ko sa kaya. Natawa namang umupo si mama sa couch.
Papunta naming mall, nakita naman agad namin si kuya Brent na nagpaparada ng mator.
"Sir!" tawag ni Allison sa kanya. Ako na kasi ang nag-offer na idrive ang sasakyan ni Ali, Nakakahiya naman sa kanya.
"Oh, Ali, kayo pala yan. Ang ginagawa niyo dito?" tanong ni sir Brent nang lumapit siya at makita kami.
"May bibilhin lang sana sir. Ikaw ba sir?" tanong ko kay sir.
"Ah, bibili lang sana ako ng gamit."
"Oh, sabay sabay na tayo sir."
"Tara munang sine Lyyx! May inaabangan ako eh. Sir, este kuya, tara muna." Pilit ni Allison sa amin.
"Sabay ka na sa amin sir. Tara nood ng sine." Aya ko kay sir since wala naman akong choice at baka batukan pa ako nitong babaeng 'to. G naman si sir na sumama.
Pagdating namin sa mall, puro mga romance movies ang available. Wala na kaming choice kundi manood nalang nung available. Napansin ko na tingin ng tingin si sir kay Ali. Nilapitan ko si sir na nakatayong mag-isa na naghihintay habang bumibili kami ng ticket.
"Sir." tawag ko kay sir Brent. Lumningon siya sa akin at tinabihan ko siya.
"Sabi ko naman sa inyo, 'wag sir tawag niyo sa akin kapag sa labas. Ok naman na ako sa kuya eh." Sagot ni Kuya Brent sa akin.
Minsan kasi, natatawag namin si Kuya Brent na sir sa labas ng school, tumitingin ang mga tao kaso magkakapareho naman kami ng uniform.
"Gusto mo si Allison 'no?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Hindi no."
Natawa ako kaya tinignan ulit ako ni Sir ng masama. "Talaga?" Asar ko kay sir.
Sasagot na sana siya nang biglang dumating si Allison. "Bakit? Parang may pinag-uusapan kayo kanina?" hindi kami umimik ni sir. "Oh, ba't kayo natahimik? Ano ba kasi 'yun?" tanong ulit ni Ali.
"Wala." Sabay naming sabi ni sir. "Talaga? Okaay." Natatawag sabi ni Ali.
"Tara na bumili ng popcorn. Ayaw niyo ba?" aya ni Ali. Sumunod naman na kami ni sir. Pagkatapos naming bumili ng popcorn, dumiretso na kami sa sinehan. Sakto naman pagpasok namin, konti pa ang tao kaya nakaupo kami sa medyo harap.
Habang nanonood kami, nakikita ko na pasulyap sulyap si kuya Brent kay Ali. Sa tuwing aasarin ko naman siya, mas lalo siyang tumatahimik. Nang matapos ang panood, medyo maaga pa kaya dumiretso kaming shakey's para mag pizza. Nagdesisyon na kami na bumili ng mga gamit for the school year pero hindi na daw bibili si Ali. Bumili daw kasi si Kuya niya bago umuwi ng Pilipinas. Nang makarating kaming NBS, sinabihan ko na si Ali sa samahan si Kuya Brent na bumili. Nararamdaman ko kasi na gusto ni Kuya Brent si Ali.
"Sure ka?" tanong ni Ali. Tumango ako at pumuta sa may shelves ng libro. Mahilig din kasi ko sa mga libro kaya una kong nilapitan. Naisip ko rin na idagdag yung libro na gustong bilhin ni Allison sa regalo ko. Matagal na kasing gustong bilhin ni Allison yung unang apat na libro ng Mortal Instruments since nakuha na niya yung iba. Kahit kasi nabasa na niya, hilig niyang mangolekta ng libro lalo na ang series sabi ni Kuya Paul.
"Miss, meron po ba kayong stock ng first four books ng Mortal Instrument?" tanong ko sa sales lady na nasa may counter.
"Sir, saglit lang po, icheck ko lang po." Sabi niya. Habang hinihintay ko, namili na rin ako ng mga gamit ko sa school. Since dalawa ang majors naming at may apat na minors, kumuha nalang ako ng binder notebook. Kumuha na rin ako ng dalawang extra for my majors kasi paniguradong pagsasabihan ako nila Kayla at Ali.
"Sir, andito na po yung pinapakuha niyong libro. Sakto po, last copy na po 'yan." Nakangiting sabi ng sales lady sa akin.
"Thank you po!" sabi ko sa kanya at dumiretso na rin sa cashier. Binayaran ko na yung mga gamit at libro at hinanap sila Ali.
Pagpunta ko doon sa may corner ng ballpens, andun silang dalawa. Mukhang nagkukulitan sila kasi kanina pa sila nagtatawanan nang sinulyapan ko bago magbayad.
"Kinikilig?" sabat ko kay Ali. Bigla naman siyang nagulat kaya napalakas ang boses niya.
"Lyx! Bwisit ka talaga. Tapos ka na?" sagot ni Ali sa akin. Tumingin ako kay sir at natahimik din siya. Tumango ako.
"Ano Kuya, ok na ba lahat?" tanong ni Ali kay Kuya Brent.
"Teka..." sabi ni kuya at tumingin sa cart niya. "Notes, papers, ballpen... Ok naman na siguro 'to. Tara na." sabi ni kuya at nagbayad na rin sila.
Paglabas namin ng NBS, dumaan si Ali sa may bilihan ng gadgets. Sabi kasi niya sa akin noon, gusto talaga niyang kumuha ng action camera para magamit niya sa mga adventures. Pinag-ipunan din ni Ali yun mula sa allowances niya last year at sa tulong din ni Kuya Paul.
Hinatid na rin kami ni Allison pagkatapos naming bumili ng cam niya.
Papasok na sana ako ng bahay nang biglang tumunog ang phone ko. Magkahalong gulat, galit at inis ang naramdaman ko nang makita ko kung kaninong numero ang nasa screen ng telepono ko.
Incoming Call, Emil Gio Castro.
BINABASA MO ANG
Boy meets Girl
Romance"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be one of your bad memories? Have you ever thought of living a good college when there are people that will do everything to bring you down? All...