Chapter 19: Someone's Coming

10 3 0
                                    

Napatahimik ako sa sinabi ni Calyx.

"Loko loko ka talaga eh." Sabi ko sa kanya ng mahina. Feel ko hindi niya narinig eh.

"Huy, Ali." Tawag niya sa akin. "Affected? So umasa ka?"

"Hindi no!" sagot ko kaya siya natawa.

"Paano kung sabihin kong crush din kita noon?" diretso kong tanong kaya ibang direksyon pumunta yung iniinom ko, dahilan para maubo ako.

"Lyx, a-ayos ka lang?" natatawa kong tanong.

"Oh, ano, ayos ba ng prank na pinangunahan mo?" sagot ko. Hindi naman umimik si Lyx.

Bago kami umuwi, nag-cr lang ako saglit. Nang pababa na kami, naghihintay pala si kuya sa amin sa may pintuan. Nagpasalamat ako kay Calyx sa masayang dinner naming the pinauna ako ni kuya sa sasakyan ko. Ramdam ko, mag-uusap pa yung dalawa. Ni hindi ko nga alam kung may tinatago yung dalawang yan sa akin eh.

Pagkauwi namin sa bahay, tulog na sila mama. Mga 9pm palang naman. Baka busy lang talaga sila. Dumiretso na rin ako sa kwarto ko at sinundan naman ako ni kuya.

"Ano na naman yun kuya?"

"Oh, bakit? Bawal tumambay dito sa kwarto mo?" sabi niya sa akin.

Haynako, kuya.

"Ang unusual kaya na tumatambay ka dito."

"Grabe ka naman sa akin Kaye ha. Namiss ko lang kasi na maggitara." Pagkukunwari niya.

Kung sabagay. Kaya hindi na ako umimik. May area kasi dito sa room ko na andun lahat ng musical instruments na iniipon ko. Gitara, keyboard tsaka electric guitar. May maliit na sofa sa gilid at sa may table, nakaayos yung music compressor na regalo ni kuya sa akin last year.

Mahilig din kasi kaming magjamming ni kuya. meron din siyang gitara sa kwarto niya pero nung pumunta siyang US, dinala niya dito sa room ko para hindi dapuan ng alikabok since nawala niya yung lalagyan. Alam niya kasi na maya't maya, tumutugtog ako at nagcocover ng mga kanta.

"Weird mo ngayon kuya. Ano bang pinag-usapan ninyo ni Lyx?"

"Wala naman masyado." Sabi niya sabay tugtog ng gitara.

So meron nga?

"Sus, alam ko namang nag-usap kayo kanina kuya." sabi ko sa kanya.

Binitawan niya yung gitara saka tumingin sa akin. Nakaupo lang kasi ako sa may carpet malapit sa bed ko.

"Ikaw ba, may gusto ka kay Calyx no?" sabi niya sa akin.

Natawa ako sa sinabi ni kuya. "Kuya, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala nga."

"Wala na." mahina kong sabi.

"Narinig ko yun ha." Sabi ni kuya. Hindi ko na siya inimikan.

"Sabi kasi naman Ali, in denial pa kayo. Sabi niya sa akin kanina, may gusto siya sayo. Pero hindi to the point daw na liligawan ka niya." Sabi ni kuya kaya napatingin ako sa kanya.

"Happy ka na?"

Tinitigan ko lang si kuya. "Oh, ba't ganyan ka makatingin?"

"Wala." Masigla kong sabi at tinitigan pa rin siya.

"Oo, na. Hindi ko sasabihin sa kanya." Sabi ni kuya at iniwan ang gitara sa may stand. Tumayo siya at nilapitan ako.

"Alam ko naman kasing meron ka pa ring gusto sa kanya hanggang ngayon." Bulong niya sa akin saka umalis sa kwarto ko.

Matagal ng wala. Sagot ko sa isipan ko. Kasi kahit magkagusto man siya sa akin, hindi ko pa rin siya papayagan manligaw. At kahit gusto ko man siya, hindi ako magpapaligaw. Naniniwala kasi ako na ang pagiging best friends naming, sapat na.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon