Chapter 13: Gifts

11 4 11
                                    

Mga 10am na nung sunduin ako ni kuya. Tarantang pumasok ako sa kotse ni kuya na sobrang nababahala.

"Oh, bakit ka natataranta jan?" tanong ni kuya nang pumasok siya sa kotse.

"Kuya w-wala pa akong regalo k-kay Lyx b-bukas." Nauutal kong sagot.

Tumawa naman ng malakas si kuya saka pinaandar yung kotse.

"Kuya naman eh!" sabi ko sa kanya. Stress na nga ako umagang umaga, aasarin pa ako.

Saan nga ba ako hahanap ng ireregalo?! Nakakahiya namang wala akong regalo kay Lyx samantalang napakagalante nun magbigay ng regalo.

"Why not magpagawa ka ng personalized shirt kila tita? 'Di ba ikaw din naman yung nagsimula no'n? I bet may mga nagawa ka ng designs sa desktop mo sa bahay?" suhesyon ni kuya.

"Naalala ko lang kasi, last year mo pa sana gustong pagawa si Calyx pero hindi mo nagawa." Sagot ulit ni kuya.

Oo nga pala! Noong 17 palang ako, may nabili kasing heat press machine na nakatambay sa bahay. Nagpa-isipan kong mag-ipon para makabili ng mga gagamitin for shirt printing. Sa tulong din ni kuya at nila dad, successful ang first trial ko gamit ang vinyl. Kaya nung makahanap kami ng suppliers, sinubukan muna namin na mag bulk orders for office uniforms at school uniforms.

Naghanap kami ng magiging handler or manager nung first store naming at kay Tita Jack namin binigay. Currently, ang main office ay sa Baguio, since doon nakatira sila tita at doon din naming naipatayo ang pwesto, pero may retailers kami dito sa Manila.

After a year, nagbukas na rin kami ng clothing brand na nagcacater ng statement shirts, idol shirts, at kung ano ano pa. Nalaunch na rin ang customized shirts naming last August. Nang sabihin ni kuya 'yon, agad kong tinawagan si tita Jack.

"Hello Kaye, kamusta ka na? Kamusta na kayo?"

"Hello Tita! Ayos naman po kami dito. Saan ka ngayon tita?"

"Andito ako sa shop, 'nak. Bakit?"

Ayos! Buti nalang. "Tita pwedeng magpagawa ng personalized shirt? Panregalo."

"Naku, sure Kaye! Ikaw pa, para kanino ba? Kay Calyx ano?"

Bakit ba lahat kayo si Calyx agad iniisip?

"Yes tita. Haha." Pilit kong tawa.

"Kelan mo ba kukunin?"

"Bukas po."

Narinig kong may mga nagsasalita sa background. Nasa front desk yata si tita. Mga nag-iinquire kasi ang naririnig kong usapan ng staff eh. Hinati kasi namin sa dalawa yung shop. Yung harap, tanggapan ng cutomers at display area para sa mga printed shirts na binebenta sa shop. Yung likod, doon namin nilagay lahat ng machines para sa personalized shirt na ipapagawa ng mga cutomers as well as packaging kung pang regalo.

Isa sa pinakamalapit na branch namin dito ay yung nasa may mall malapit sa area ng school at sa bahay nila Calyx. Hindi ko rin pala nasabi kay Calyx ang tungkol dito, at nasabihan kasi ni tita ang staff sa mall na 'wag akong igreet bilang may-ari kung bibisita ako doon.

Mas gusto ko kasing kila tita magpagawa since mas maganda ang kalidad at mababantayan ni tita ang mga manggagawa. Madalang din kasi akong bumisita sa shop namin sa mall kaya hindi ako nagpapagawa doon.

"Send ko sayo yung design pagkauwi ko tita." Sabi ko sa kanya. Buti nalang may mga layout na ako last year. Ang galing talagang magpaalala 'tong kuya ko. May photographic memory yata! HAHAHA!

"Sige 'nak. Saktong pabiyaheng manila si tito mo mamayang gabi para bisitahin ang shop jan sa Manila at para kumuha ng mga gamit. Isabay ko nalang."

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon