Chapter 7: Other Side of the Coin

29 8 20
                                    

CALYX'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng dinner namin sa Jollibee, sabay na kaming naglakad papunta sa may hintayan ng taxi ni Jester nang biglang nagmessage si Gio.

"Bro, sino yan?" tanong ni Jester.

"Gio."

"Ha, bakit daw?"

"Tara daw sa apartment niya."

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jester.

Nagkibit-balikat naman ako. "Subukan kaya nating puntahan Kev? Baka may mahanap tayong chance para tanungin ang mga plano nila."

Tumango ako sa sinabi ni Jes. Pero knowing Emil, napakahirap hanapan 'yan ng butas sa mga ganitong pagkakataon. Bahala na, basta, maghahanap ako ng pagkakataon.

Nang makarating kami sa apartment niya, agad naman niya kaming sinalubong.

"Mga Bro!" kaswal niyang bati.

"Anong ganap bro? ba't bigla kang nagtawag?" tanong ni Jester.

"Wala lang bro, masama ba?"

Hindi kami umimik at pumasok. Hindi kasama ni Emil ang parents at kapatid niya sa bahay since malayo ang bahay nila. Kaya siya binilhan ng tatay niya ng apartment. Oh, diba, yayamanin.

Nagpadeliver si Emil ng pizza para sa snack, kaya dun na rin naming napagpasyahan na gawin ang assignment namin ni Jester. Pagkatapos no'n, naglaro lang kami at nagkwentuhan. Hindi pa rin ako mapalagay sa mga kinikilos ni Emil at pati si Jester, nagtataka na rin.

Parang may mali, pero hindi pa namin alam. Nang nagpahinga kami, doon ko na naisipang maglibot sa apartment niya. May kalakihan rin kasi at halatang pang mayaman. Pumunta ako sa may terrace nang may nakita akong isang pintuan sa may gilid.

Papasok na sana ako nang biglang dumating si Emil. Bawat galaw namin, hatalang binabantayan niya kaya nagpasya kaming huwag nang ituloy ang plano namin ni Jester.

"Bro, saglit lang, CR lang ako ah." Paalam ko kay Emil.

"Ay bro, pwedeng pahiram ng phone mo?" sabi ni Emil. Para hindi siya magtaka, binigay ko sa kanya yung phone ko at dumiretso sa banyo.

Nang bumalik ako, binalik na rin niya ang telepono ko at nagpaalam na kami ni Jester at umuwi.

Kinabukasan, tinawagan ako ni Allison na pumunta sa may benches pagkatapos ng klase namin. Pinuntahan ko siya dahil sabi niya importante daw. Nang maipakita niya ang message na sinned ko, diretso kong naalala yung pangyayaring hiniram ni Emil ang phone ko.

Sakto naman, nakita ko siyang kasami niya si Mia na naglalakad malapit sa kinauupuan namin. Sa galit ko, hindi na ako napigilan ng mga kasama ko at tinuluyan ko na siyang prangkahin.

"Ano bang problema mo?!" sunggab ko kay Emil.

"Oh, Calyx, bakit? Anong ginawa ko?" pang-aasar na tono ni Emil.

"Emil, 'wag mo akong masubukan. Baka masuntok kita dito." Sabi ko.

At natawa pa ang loko. Hindi ko na napigilan at hinila ko na ang necktie niya, dahilan para magulat at matakot siya.

"Sa susunod bro, 'wag mo akong idadamay sa mga kagaguhan mo. Baka makalimutan kong kaibigan kita." Pagbabanta ko at binitawan si Emil.

"Teka, dahil saan ba'to?" sabi ni Mia. Napatingin siya sa direksyon nila Kaitlyn.

"Ahhhh. All for that stupid girl, huh, Calyx?" sabi ni Mia at natawa. "Ganyan ka na ba kabulag Kev?"

"'Wag na 'wag mong susubukang mandamay ng kahit na sino Mia. Subukan niyo pang gawin 'to, kahit babae ka, hinding hindi ako magsisising saktan ka." Sabi ko sabay turo sa kanya.

Sasagot pa sana ako nang pigilan ako ni Jester.

"Bro tama na, nakakahiya, andaming tao dito." Bulong niya sa akin kaya ako natahimik.

Lalaban pa sana ako nang bigla akong hilain ni Jester kaya napilitan siyang lumayo. Dahil sa sobrang galit sinabihan na ako ni Allison na lumabas muna kami ng campus. Tumawag siya ng taxi at dumiretso kami sa resto ni kuya Paul.

Kinausap ako ni kya Paul at hinayaan ko nalang na tama na ang nangyari kanina. Nagsorry rin ako kay Ali, pero sa hindi inaasahan, siya pa ang nagsorry kaya binalaan ko na talaga siya.

"Ali, sinasabi ko sa'yo, pagka maulit ulit na may gawin sila sa'yo sa kahit anong paraan, hinding hindi ako magkakamaling upakan ang dalawang 'yun." Sabi ko sa kanya.

Matapos ng pangyayaring yun, diretso na kami ni Jester umuwi at may babalikan pa daw si Kait sa school. Habang nasa kwarto, hindi ko pa rin mapigilan na hindi mainis kay Emil. Pero imbis na mas ma-stress ako, tinamaan ako ng antok kaya tinulog ko nalang.

Hindi ko namanlayan na gabi na pala. Nagising nalang ako nang tanggalin ni Matt ang kumot ko, nakabukas pa naman yung aircon dito sa kwarto since mainit kanina.

"Ano ba Matt, ang ginaw!" sigaw ko.

"Kuya, gumising ka na. Kanina pa nagtatawag sila mama ng dinner." Sabi niya at nagising na rin ako.

"Ayoko! Hindi na ako nagdidinner. Sabihin mo nalang kila mama." Sabi ko at nagkumot ulit.

Lumabas si Matt sa kwarto ko at bumangon ako para patayin ang aircon. Panigurado, magtatanong sila mama sa akin bukas.

"Calyx?" katok ni dad.

"Ayos ka lang ba 'nak?" sabi niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Alam kong nakarating na sa kanya ang nangyari kanina.

"I heard muntik na daw mapaaway?"

"Sorry po dad." Sabi ko sa kanya.

Nilapitan ako ni dad at tinapik ako sa balikat. "Alam mo 'nak, bilib ako sa'yo." Nagulat ako nang sabihin ni daddy 'yun sa akin. Akala ko nga papagaitan ako eh.

"I guess you, hindi lang naman dahil sa gusto mong makipag-away right?" sabi niya sa akin.

"I know you're not the type na makipag-basag ulo, but the type na dedepensahan ang sarili mo at mga kaibigan mo. What exactly happened?" tanong niya.

Wala na akong choice kung hindi sabihin ang totoo. Hindi ko naman kayang magsinungaling kila Dad eh.

"I see. Hindi pa rin talaga sila tumitigil kay Allison." Sabi ni dad at napabuntong hiningd nalang siya.

"Sorry dad, baka mapasama ka sa board dahil sa nagawa ko kay Mia." Sabi ko sa kanya.

Umiling si dad. "No, son. I know she is their grand daughter of the founders, but one thing na hindi niya alam, hindi niyo alam, the school is donated to one of the greatest school in the UK. Last year, it was donated as an affiliate school na pagmamay-ari ng isang kilalang organization."

"So wala na 'pong kapangyarihan ang pamilya nila Mia sa school?"

Tumango si daddy.

Pero kapag nasa sa school akala mo kung sino si Mia. Well, hindi pa siguro alam ni Mia OR, ayaw niyang mawala ang kapangyarihan niya sa school na'to. Knowing Mia, hindi talaga magbabago ang ugali niyan.

Nagulat ako nang sabihin ni dad 'yon. "Now, don't say anything about that to anyone. The school want to keep it a secret until all documents are finalized."

Tinap ako ni daddy sa shoulders. "Matulog ka na jan, anak. Good night." Sabi niya sa akin at nginitian ako bago umalis sa kwarto. Pagkasabi ni dad no'n, humiga na ako sa bed at natulog.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon