Chapter 12: A Bestfriend's Effort

11 4 10
                                    

CALYX'S POINT OF VIEW

Nang makapunta ako sa mall, pinuntahan ko agad yung pinareserve ko na jacket. Paborito kasi ni Ali ang mga hoodies, shoes at books. Last year, sapatos ang niregalo ko sa kanya noong Christmas.

"Ate, pwede na po bang kunin 'yung pinareserve ko na jacket?" tanong ko sa may sales lady.

"Saglit lang po sir, kukunin ko lang po."

Pagdating niya, pinakita niya sa akin. Isang black ang green hoodie na plain. Ipapatatak ko sana kasi ng name niya sa harap. Personalized ba.

"That will be 900 pesos sir." sabi ng nasa cashier at inabot ko na yung bayad ko. Naniniwala kasi ako sa 'quality over quantity' kaya kahit may pagkamahal, kukunin ko. Lalo na kapag regalo ko sa mga close friends ko.

Ilang buwan ko rin pinaghirapang ipunin ang pambili ko nung libro at etong jacket ni Ali. Pumunta na ako sa kabilang store para ipaprint yung name ni Ali sa jacket. Napagpasyahan kong iwan since sabi ni kuyang nag-aasikaso ng mga walk in clients nila, medyo matatagalan daw. First come first serve kasi.

Dumiretso na ako sa NBS para kumuha ng box. Sakto may isang naiwan na malaki. Kinuha ko na 'to at binayaran. Hindi ko na rin pinabag kasi gagamitin ko rin naman. Pagbalik ko sa printing shop, saktong ginagawa na nila yung sa akin, kaya naghintay nalang ako.

"Oh, Calyx, nakabili ka na agad?" bungad ni ate nang makauwi na ako. "Bilis mo naman nakapili."

"Ate, alam mo naman 'yang si kuya eh. 'Pag dating kay ate Ali, matic na last week pa." Sabat ni Matt habang naglalaro sa phone niya.

Bumuntong hininga nalang ako. Last week pa kasi talaga ako stressed na baka hindi kasya yung ipon ko. Pasalamat nalang ako at naka sale 'yung libro na gusto ni Ali, ganun din 'tong jacket.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa kwarto. Sumunod naman si ate sa akin.

"Oh, bakit na naman?" sabat ko.

"Baka kailangan mo ng tulong magbalot." Ngiting sabi ni ate kaya pinapasok ko na siya sa kwarto ko.

"Aba! Grabe ka naman palang manregalo Cal! Bakit hindi mo ako nireregaluhan ng ganyan kadami at kamahal?" sabi ni ate at umupo sa bed ko.

Nakalagay kasi yung libro sa may table at nilabas ko na rin yung box at jacket na binili ko.

"Oo nga pala, di ako girlfriend." Bulong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Este Bestfriend." Pagtutuloy niya.

"Ikaw na nga magbalot ate!" sabi ko sa kanya at kinuha ang twalya ko para magshower. Buti nga at bukas pa 'yung mall ng ganitong oras eh.

Kailangan ko talaga ng isang shower at nakakapagod ang araw na'to. Pagkatapos kong magshower, nagpalit na ako at binalikan si ate sa kwarto.

"Ang hilig talaga ni Ali sa libro 'no?" sabi niya habang tinatanggal ang price tags.

"Ewan ko ba ate, tapos naman na daw niyang basahin niya kaso hindi daw kasi siya nakakatyempong bumili niyang kulang niya para sa collection niya." Sagot ko kay ate kaya lalo siyang namangha.

"Ikaw din kaya Cal, magbasa ka din kaya para naman magkalaman din ng malalim na ingles 'yang utak mo." Pang-aasar ni ate sa akin kaya ko siya tinignan ng masama.

Kahit gustong gusto ko ng batukan 'tong ate ko sa mga pang-aasar niya sa akin, hindi ko kaya. Turo kasi nila lolo, kahit sobra ka nang naiinis, kung nakakatanda sa'yo, dapat hindi mo pa rin sila batukan.

Nang matanggal ni ate ang price tags, inuna niyang nilagay sa loob yung mga libro saka pinatong yung jacket. Si ate talaga ang magaling sa mga pag-aayos ng regalo. In line din naman kasi sa passion niya bilang isang fashion designer.

Nagtapos kasi siyang flight attendant, pero after ng isang taon, namalagi siya sa London para mag-aral ng fashion design. Ngayon, kababalik lang niya since nakagraduate na siya at tapos na rin ang palugit na bigay ng company niya.

"Ayan." Sabi niya at tinakpan ang box. May disenyo na kasi ang box na nakuha ko kaya hindi na kailangang designan pa. "Wait, parang may kulang." Sabi ni ate at tinitigan ang box.

"Tignan ko lang kung may ribbons akong naiuwi sa kwarto." Sabi niya at lumabas ng kwarto ko.

Tahimik naman akong tumitingin at naghihintay. Wala kasi akong alam sa mga design na ganyan. Although kaya ko naman magdrawing, pero sa aesthetics as sa design, itlog ako jan. pagbalik ni ate, may dala siyang blue na ribbon. Alam niya kasing paboritong shade ni Ali ang blue.

"Perfect." Sabi niya sabay bigay sa akin nung box. "Thank you ate!" sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Oh, may bayad 'yan! Kala mo ha." Sabi ni ate. Haaaaays. Sabi na eh. Minsan parang hindi ko kapatid 'to eh. 'Pag sinipag, gagawin niya, pero 'pag tinopak, kailangan may kapalit.

"Ano?"

"Libre mo ako." Sabi niya.

"Chicken lang naman pala eh. Ng ano?"

"Off white." Sabi ni ate kaya napatingin ako. Anak ng!

"Wala na nga akong pera ate eh." Sabi ko sabay gulo ng buhok ko.

"Charot lang! HAHAHA. Alam kong wala kang pera. Sa mga pinamili mo ba naman na 'yan."

Natatawang sabi ni ate.

"Sabihan nalang kita."

"Uyyy, ate, may bayaw na ba kami ni Matt?" pang-aasar ko sa kanya.

Sinapak naman ako ni ate ng mahina. "Loko ka! Wala!"

"Eh ano?"

"Basta, sabihan nalang kita."

Hindi na ako umimik at lumabas na si ate sa kwarto. Makalipas ang ilang minute nagbukas na naman ang pintuan ko.

"Cal, baba ka na. Dinner." Sabi ni ate.

Bumaba na ako at kumain ng dinner. Kakauwi lang din nila mama at saktong natapos magluto si Matt. Siya kasi ang may pinakamasarap na luto sa aming tatlo. Namana niya ang pagluluto ni lola kaya laging siya ang sinasabihan nila mama magluto. Lalo na kung gabi na sila nakakauwi.

Ayaw kasi nila mama magtawag ng taga luto namin, though every weekend, may mga tinatawag siyang naglilinis dito sa bahay at Sunday lang talaga ang rest day niya. Kapag rest day ni mama, kalahating araw siyang tulog dahil either graveyard shift niya last night or straight shift niya kinabukasan.

Hindi naman sa lagi siyang may pasyenteng inooperahan pero aside from head of General Surgery, nagvolunteer din kasi niya bilang isa sa mga ER trauma surgeons. Kaya sobra din respeto ko sa kanya.

Nang matapos ang dinner, humilata na ako sa bed ko. Hindi ko na rin naisipang gumawa ng kahit ano. Naglaro nalang ako ng ML sa phone ko ng ilang oras at napagpasyahang matulog ng maaga.

Ano kayang mangyayari bukas?

- - - - - - - - - - - - - 

A/N: Naimagine niyo ba kung paano ma-excite si Calyx? See featured photo above! Dedicated to an Alyx fan and a great author! 

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon