Chapter 10: Groundbreaking

27 5 15
                                    

"Ali, bilisan mo na jan. Malalate na tayo." Sigaw ni kuya sa akin galing sa baba. Nag-aayos kasi kami ni kuya para magsimba. Every Sunday kasi, sabay kami ni kuya since napakaaga ng oras ng simba nila mama minsan.

"Eto na." sabi ko sabay labas sa kwarto. Kotse na ni kuya ang gamit namin at dumiretso sa cathedral.

Pagdating namin, papasimula palang ang misa. Buti nalang kasi kung late kami, paniguradong papagalitan ako ni kuya. After ng mass, nag-aya si kuya na mag starbucks for breakfast. Sanay na rin kasi ako na kapag si kuya Lev ang kasama ko, minsan, hindi kami kumakain ng rice for breakfast.

"Tara sa Laguna later, groundbreaking na ng new resto." Sabi ni kuya kaya nasiyahan ako.

Dumiretso na kami sa area ng new restaurant ni kuya since siya nalang hinihintay for groundbreaking.

"Good Morning, sir. Are you ready for the ground breaking?" tanong ng secretary ny kuya. Tumango naman si kuya at umakyat sa may mini stage na inayos nila.

Nginitian ko si kuya sabay double thumbs up sa kanya. Isang matamis na ngiti naman ang sagot ni kuya sa akin. Matapos ang kalahating oras na programa, natapos na rin ang ground breaking. Nag-offer sila ng lahat snacks galing sa resto ni kuya.

"Ayos ba?" tanong ni kuya sa akin.

"Mmmmm." Sabi ko kay kuya sabay thumbs up.

"Puntahan ko lang mga bisita natin na?" tumango ako kay kuya. Biglang tumunog ang phone ko at tumatawag si mama.

"Hello ma? Kamusta na po kayo?"

"Hello 'nak! Ayos naman ako. Kayo ni kuya mo kamusta?"

"Hindi ba nasabi sa inyo ni kuya na groundbreaking ng café niya ngayon?" tanong ko kay mama.

"Naku, pasensya na 'nak. Hindi pa kasi tapos seminar namin eh."

Ngumiti naman ako. "Ayos lang 'yon ma. Maintindihan naman ni kuya 'yon eh."

"Baka anjan na pala kami ni daddy niyo ng gabi. On flight na siya kaya di na siya nakatawag." Sabi ni mama.

"Talaga ma? Sige po, sabihan ko po si kuya."

"Sa bahay nalang tayo kumain. Luto kayo ni kuya." suhesyon ni mama. "Baka kasi gabihin kami sobra ng daddy niyo eh."

"Sige ma." Sagot ko.

"Oh, siya, sige na muna at may isa pa kaming session. Bye, 'nak. Mag-ingat kayo ha."

"Sige ma. Ingat din po."

"I love you, 'nak." Ngumiti naman ako sa sinabi ni mama. "I love you too, ma."

Mula pagkabata naming ni kuya, super close na kami nila mama. Pati rin si kuya, laging nag-oopen din sa kanila. Pero mula 'nung nag-open ako kay kuya, mas lalo din siyang nagsasabi sa akin kesa kila mama.

"Kuya, uuwi daw sila mama mamayang gabi. Sabi niya sa bahay nalang daw tayo kumain."

Natuwa si kuya. "Hindi ba sila nagpasundo?"

"Baka magpapasundo naman sila kila tito kuya. Kalapit lang naman bahay nila sa airport."

"Kung sabagay." Sabi ni kuya. Maya maya pa, may natanggap akong text messeage galing kay Calyx.

"Kuya, pupunta sana ako kila Calyx. Nagtatawag kasi siya na pumunta sa bahay nila eh." Sabi ko kay Kuya. "Bakit, anong meron?"

"Birthday daw ni ate Stace."

"Andito siya?" tanong ni kuya. "Hindi man lang ako kinontak." Mahina niyang tugon.

Close friends din kasi sila kung maituturing since same sila ng school noong college. Kagaya naming ni Calyx, sa MIU din sila nagkakilala at naging magkaibigan. Hindi ko lang alam kung bakit hindi man lang kami nagkakilala ni Calyx noon eh lagi si kuya sa bahay nila.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon