Chapter 14: Family

10 3 9
                                    

"Ali, what would happen if I'll court your ate Stacey?"

Napalingon ako kay kuya.

"HAHAHAHAHA! Sabi na kasi kuya, may lihim kang pagtingin kay ate Stacey 'no?"

"Hindi 'no!"

"Eh ano yang patanong mong ganyan? What if I will court your ate Stacey?" sabi ko at inimitate ang pagkasabi niya.

Lumapit ako kay kuya at tinukso siya kaya siya napasimangot.

"Kuya, 'di ba ikaw ang nagsabi sa akin ng katagang 'do what your heart tells you to do'?"

"Loko ka Ali, ngayon ako sinasabihan mo niyan?"

"Eh bakit kuya, sakto naman yun sa sitwasyon mo 'no?" sabi ko sabay higa sa kama niya.

"Ayoko." Sabi ni kuya kaya napaupo ako. Ano ba talaga kuya Lev?

"May gusto na akong iba." Sabi ni kuya sabay ngumingiti-ngiti.

"Sino?" tanong ko.

"Secret." Asar niya sa akin.

"Kuya naman eh. May pasecret secret ka pa jang nalalaman."

"You'll find out soon." Maikli niyang sagot at humarap ulit sa laptop niya.

Lumapit ako sa kanya at ginulo ko ang buhok niya sabay takbo palabas ng kwarto niya. Nagdoorbell ang main door namin nang pababa na ako kaya tinawag ko si kuya at baka sila mama na 'yun.

"Ma!" sigaw ko nang mabuksan ko ang door. Agad naman akong niyaka ni mama. Sumunod si dad na pumasok dahil kinailangan pa niyang ipark ang sasakyan nila. Iniwan daw pala niya kila tito yung sasakyan bago siya magbiyahe kaya doon na rin dumiretso ni mama after ng seminar nila.

"Allison, kamusta na kayo?" tanong ni dad.

"Ayos naman dad."

"Kuya mo?" tanong naman ni mama.

"Dito na ma." Sabi ni kuya habang pababa. Niyakap naman ni mama at dad si kuya.

"Paul, kunin mo yung ibang gamit sa sasakyan." Sabi ni dad nang nakasettle na sila sa may couch. Tinimplahan ko naman sila mama habang naghihintay kay kuya.

Pagbalik ni kuya, isang box ang hawak hawak niya. "Dad, anong laman neto?" tanong ko kay dad.

"Buksan niyo."

Pagkabukas namin, puro pasalubong ang binili ni dad. Yung iba, padala galing sa ibang bansa nung nasa Italy siya. Halos mga damit at gamit ang binili niya para sa amin. Sapatos both rubber shoes at school shoes, kinuhanan din kami ni dad ng jacket, at bumili rin siya ng bagong food processor at stand mixer na noon pa hinihingi ni kuya.

Pagkakuha ko nung shirt and jacket, laking gulat ko nang makita ko ang design.

"No way, dad!" sabi ko at niyakap ko siya. Natuwa naman si dad at niyakap din niya ako.

Lahat ng gamit na binili niya, Abbey Dawn apparel, isang cap, isang beanie, isang long sleeve shirt, pati na rin yung water bottle. Mas nagulat ako nang makita ko yung huling laman ng nasa box, pati rin si kuya sobrang natuwa.

"Waaaah! Thank you so much dad!" bati naming kay daddy at hindi ko napigilan na yakapin siya ng mahigpit.

Binilhan niya kami ni kuya ng PS4 since hilig din namin ni kuya ang maglaro. Isang extra pa para sa akin na nakakuha siya ng isang copy ng album ni Avril na Head Above Water pati na rin yung stickers ng every album niya.

Lagi kasing may uwing pasalubong si dad lalo na kapag isang linggo siyang nasa business meeting. Kapag andito sila lagi ni mama sa bahay, hindi sila bumibili ng kahit anong pasalubong, pero sinusulit nila kapag galing sila sa ibang bansa.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon