Chapter 5: Gut Feeling

44 12 32
                                    

Friday, isa sa mga kinakatakutan kong araw last year. Hanggang ngayon, andun pa rin yung takot na baka isang post lang nila, sira na naman kredibilidad ko. Laging sinasabi nila kuya na i-let go ko na yung mga karanasan ko noon. Lagi din akong minomotivate ng mga kaibigan ko para makalimot.

"Kev, 'wag naman sana 'no. Pero sa totoo lang, may point 'yung sabi mo." Sabi ni Jacob. Lahat kami kinakabahan.

Tumahimik kaming lahat nang biglang nag-ring yung school bell.

"Shocks! Late na tayo! Jacob, Lex!" Tawag ko sa kanila sabay tayo at tumakbo. "Una na kami guys!" Sagot nila Lex at tumakbo na kami sa classroom namin. Sa kakaisip namin sa mga nangyayari, nakalimutan naming may klase pa pala kaming pupuntahan.

Pagdating namin, swerteng wala pa si sir. Umupo na ako si tabi ni Alex na halatang nag-aalala. Tumingin siya ng masama sa akin pagka-upo ko.

"Saan ba kayo galing? Ba't antagal niyo pumasok?" Bulong niya sa akin.

"Sorry." Sagot ko sa kanya. Uminom ako ng tubig dahil napagod kaming tumakbo. Sakto naman dumating na si sir.

"Ikaw babaita, kanina pa kitang tinatawagan!"

Pagkatapos ng klase namin, hinila ako agad ni Alex papuntang library bago pa ako mahanap nila Jacob. Iniwan na naming yung bag namin sa counter at dumiretso sa third floor kung saan kami laging tumatambay.

"Bakit?" tanong ko kay Alex.

Tumingin siya ng seryoso sa akin.

"San ka nanggaling kanina?" Tanong niya sa akin.

"Sa Canteen! Kumain lang kami nila Calyx." Sinapak niya ako sa balikat.

"Aray ko naman!" napalakas kong sabi kaya napatingin yung mga tao malapit sa amin. Sorry naman, masakit talaga manapak 'tong Alex na'to eh.

"Anong kumain lang? Kaye 'way moko maloko-loko ah." Ayan na, galit na yan. Sa tuwing tinatawag ako sa second name ko, iba na 'to. Hindi ako umimik.

"Allison mag-ingat ka palagi. 'Wag kang padalos-dalos sa mga kilos mo lalo na kapag andito kayo sa school." Bigla akong kinabahan sa banta ni Alex.

"Bakit?" Tanong ko kay Alex.

"May natanggap akong text galing kay Mia kagabi. Sa pagkakaalam ko, ininvite nila lahat ng mga kasama natin sa reunion. Hindi ko lang alam Ali, pero hindi maganda pakiramdam ko sa message na 'to. Feeling ko hindi lang 'to reunion." Bulong ni Alex sa akin.

Tama nga ang hinala ni Calyx. Kapag si Alex kasi ang magtatanong, hindi magiging problem kasi close naman sila ni Emil. Alam ko gumagawa na nama sila ng patibong upang makapaghigante. Imbes na kaba ang naramdaman ko, mas lalo akong naging curious sa kung anong mangyayari next week. This might be a show I never expect, or, they never expect.

Natapos na yung klase namin at nakita kong hinihintay ako nila Calyx at Sir Brent sa main gate. Kahit high officer naming 'tong si Sir Brent, lagi naman naming siyang nakakasama. Minsan 'di maiwasan na sir tawag namin kaya nagtataka yung ibang student pero sa lahat ng mga pinupuntahan naming gimik, game na game naman siya.

"Lyx, Sir, matagal ba kayong naghintay?" tanong ko pagdating ko sa gate.

"Hindi naman." Sagot ni Sir Brent.

"Tara na." sabi ko sa kanila. Papaalis na sana kami nang biglang hindi gumagalaw si Calyx at nakatingin lang sa phone niya.

"Lyx? Ok ka lang? Tara na." sabi ko sa kanya sabay inakbayan. Hindi pa rin siya kumikibo.

"Ah, sir, Ali sorry ah, hindi muna yata ako makakasama. May aasikasuhin kasi kaming report eh. Sinabihan ko na susunod na ako kaso ayaw ng kasama ko eh." Pagpapaliwanag niya. Sus, buhay kolehiyo nga naman, unang araw palang ng klase, may pa report agad. "O sige. Chat mo'ko ha. Mag-ingat ka." Sabi ko kay Calyx. Tumango naman si sir.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon