Chapter 16: Is it Love?

8 3 0
                                    

Hindi ko na naisip na nasa harap ko si Calyx kaya ko tinignan si kuya ng masama. Nang makaalis siya, tinuon ko ang pansin ko kay Lyx.

"Hoy, Lyx, bakit puro paborito ko ang inorder mo? Crush mo ako 'no?" tanong ko sa kanya.

Natawa ang loko.

"Loko ka. Bakit naman sana kita magugustuhan? Tsaka ikaw lang ba may favorite ng mga yun?"

Psh! Talaga Calyx?

"Sabihin mo nga sa akin, kelan mo naging paborito kumain ng steak? Kelan mo naging paborito kumain ng tsokolate?" sagot ko sa kanya.

"Ngayon lang." mahina niyang sagot.

"Sus, Calyx, 'wag mo ako maloko loko, baka mas kilala kita kesa sa mas kilala mo sarili mo."

Hindi na siya umimik. Ilang minuto pa, dumating si kuya na may dalang shanghai.

"Appetizer from the house, ma'am, sir. Para sa prinsesa at prinsipeng palaging parehas ng paboritog pagkain." Pang-aasar ni kuya. Tumingin naman si Calyx kay kuya ng masama kaya bahagya akong natawa.

Sa isang taong malapit ako kay Calyx, never kaming naging pareho ng mga hilig. Kaya pati si kuya at si ate Stace, nagtataka kung bakit kami naging best friends. Isa lang talaga ang nagkakasundo kami pagdating sa pagkain. Frapucinno lang talaga.

Kaya duda ako na paborito din niya ang mga inorder niya. Panigurado para lang mapasaya ako, itatry niya lahat ng gusto ko. Kapag kakain kasi kami noon, lagi ko siyang pinipilit na subukan kumain ng mga gusto kong pagkain pero hindi ko siya napipilit. Kapag siya nag-aaya, oo lang kasi ako ng oo, pwera sa mga ayoko talagang kainin.

"Kain na kayo." Bulong sa amin ni kuya. "Nagkakahiyaan pa eh. Sus."

Tumatawang umalis si kuya papunta sa baba. Nakuuuu, kung hindi lang talaga dito sa resto ni kuya kami nakaupo, kanina ko pa sinuntok 'tong kapatid ko. Kanina pa namumuro eh! Haaaays.

Sinimulan ko nang kumain kesa sa mainis na naman ako kay kuya. Wala na rin namang magawa si Lyx kaya kumain na rin siya.

"Lyx, maalala mo last, year? Nung naging best friends tayo?" tanong ko sa kanya. "Doon ko lang nakita na yung mapride na taong katulad mo, magiging mapagkumbabang tulad mo."

Natawa nalang si Calyx. "Loko. Oo na, aminado naman na ako dun no. Pero hindi ko rin inakala na ang matapang na babaeng tulad mo, iiyak dahil sa nagawa ko no."

"Sino naman sanang hindi Lyx. Haynako."

"Naku, Ali, 'wag ako 'no. ikaw masasaktan sa ganon? Baka may gusto ka sa akin noon pa?"

Nginisian ko siya.

"Tama na nga yan! Baka nga ikaw jan may gusto sa akin eh. Kaya mo ako inayang maging best friend."

"Hahaha. Loko. Never no."

Maya maya pa, dumating na rin ang main course namin. Dinagdagan pala ni kuya yung pagkain naming since nagpareserve na daw si Calyx ng ibang putahe. Nagorder din pala siya ng lechon kawali at sisig. Kumuha rin siya ng lamb chops. Sabi kasi eh, hindi yan oorder ng hindi niya gusto.

'Pag dating sa kainan, sobrang magtutugma ang kalooban naming dalawa ni Clayx. Kung gaano siya kalakas kumain, ganon din ako. Nagtataka siguro kayo na andami naming pagkain. Si kuya din mismo ang nagluto kaya good for 1 or 2 persons ang ginawa niya para hindi masyadong mabigat sa tiyan.

Pagkatapos ni kuyang magdala ng pagkain, nagplay siya ng romatic song kaya napalingon ako sa kanya. Pagtingin ko, para pa akong sinusuportahan ni kuya. Haynako, sabi ko na kasi eh. Bakit ba kasi dito ka nagpareserve Calyx?!

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon