Calyx Kevin Cruz.
Isa sa mga tumulong sa akin para kalimutan lahat ng mga hindi magandang karanasan ko last year. Isa sa mga malapit kong kaibigan na naniwala sa akin, sa kabila ng lahat ng mga hindi naniniwala sa akin. Isa sa mga hindi sumuko sa akin at isa sa mga nagpasaya sa akin noong kainailangan ko. Nakilala ko sa NSTP class since magkasama kami sa ROTC dati. Isang taong pinagsandalan ko noong hindi ko na kayang harapin lahat ng mga nangyari sa akin noon.
Ang best friend ko.
"Ali!" Tawag ni kuya sakin. "Ano, nag-usap na kayo?"
Hindi ko agad nasagot si kuya sa pangalawang tanong niya. "Haynako, Ali." Iling ni kuya sabay inom ng kape niya.
"Teka lang kuya, paano mo naman nalaman na hindi ko pa siya nakakausap?"
"Tinawagan ako ni kuya." Sagot ni Calyx. Muntik ko na mahulog ang hawak kong tinidor nang marinig ko si Calyx. Tinignan ko ng masama si kuya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Calyx.
Nagkibit-balikan si Calyx saka ako tinignan ng masama. Umupo siya sa tabi ko at umorder ng iced coffee mocha. "Ikaw ba Ali, bakit hindi mo ako naisipang i-update o ikontak man lang? Hindi ba't sabi mo no'n after ng klase mo sa first day of classes tatawagan mo ako?"
Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Calyx. Bigla akong naguilty dahil bago ang pasukan, kinukulit ko si Calyx na mag-usap kami after first day of classes.
"Kausapin mo yang best friend mo Calyx ha. Alam mo na kung anong bumabagabag na naman jan." Sabi ni kuya kay Calyx.
"Lilipat na naman ba bumabagabag sayo Allison?" Tinitigan ko lang si Calyx. Umiling siya sa akin. "Iwan mo na ako?" pagtatampo niya, akala mo naman jowa ko.
Narining ko namang natawa si kuya pero pinigilan niya.
"Ano ba 'yan Lyx! Tumigil ka nga jan!" pagtataboy ko sa kanya. "Hindi na ako lilipat, masaya na kayo?" sabi ko sabay tingin sa kanilang dalawa at kinuha ang frappe ko.
Napangiti si kuya bigla. Binaba niya yung kapeng hawak niya at tumingin sa aming dalawa ni Calyx na nag-uusap.
"Nakalimutan niyo yatang may kasama kayo dito ah?" Pang-aasar ni kuya.
"Kuya!" Sabay naming tawag sa kanya. Natatawang tinignan kami ni kuya. "Seryoso ba kayong dalawang never kayong nagkagusto sa isa't isa?" Tanong ni kuya.
"Never" Sagot ko. "Hindi" Sagot naman ni Calyx.
Lagi nalang kasing tanong ni kuya yan sa amin kahit paulit ulit na naming nasagot. Kapag magkasama kasi kami ni Lyx, para kaming magjowa. Lately kasi, bumalik ang pagka-caring ni Lyx sa akin dahil sa mga kakulitan ko. Si Calyx din yung tipo ng lalaking kailanman hindi ko magustuhan, given na kasama ko siya noon sa ROTC.
"Kuya, pang-ilang sagot ko na jan sa tanong mo na yan. Hindi ka pa rin ba naniniwala?"
"Naku, Ali. Kung titignan kayo ng mga tao, iisipin nilang magjowa kayo no. Tsaka, ayoko naman na kayo ang pag-usapan ng mga tao sa school niyo no." Oo nga pala. Isa sa mga school investors ang tatay ni Calyx.
Nang tumagal, nagkwentuhan na rin kami since nandito na rin naman kami sa café. Kinuwento rin ni kuya ang nangyari sa trip niyang US at tinawag si Calyx na bumisita minsan sa bahay at may ibibigay daw siya sa kanya. Nong medyo nagdilim na, pumunta sa kuya sa may cashier at binayaran yung mga inorder namin.
"Calyx, mauna na muna kami ni Allison ha? Gusto mo ihatid ka na rin naming pauwi?" Tanong ni Kuya. Kailangan kasi naming umuwi ng mas maaga kasi kakarating ni kuya. Tradition kasi naming na kapag kumpleto kami, magdidiner kami sa labas. And since ngayon lang ulit umuwi si kuya after 4 months, sinabihan niya sila mama na kumain daw kami sa resto niya.
"Hindi na kuya. May dadaanan pa ako." Sabi ni Calyx.
"Ingat kayo sa daan." Sabi ni Calyx sakin saka ako niyakap. "Wala din ba akong yakap?" Tanong ni kuya.
"Ano ba kuya kadiri ka talaga! Hintayin kita sa labas." sabi ko kay kuya. Lyx, ingat ka rin sa pag-uwi." Sabi ko kay Calyx.
"Bakit?" Tanong niya sakin. Hindi ako umimik at nauna nang lumabas. "Ingat kuya." Sabi ni Calyx at lumabas na rin si kuya.
Sumakay na ako sa sasakyan at dumating na rin si kuya. Dumiretso na kami sa restaurant ni kuya. Hindi ko naman maiwansang hindi mapaisip kung ano na namang mangyayari sa school year na 'to.
Tinigil ni kuya yung kotse. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napagtanto na andito na pala kami sa resto ni kuya. "Kuya ba't tayo andito?" tanong ko sa kanya.
"Nakalimutan mo na ba? Diba sabi nila dad, dito tayo kumain pagkabalik ko?" Sabi ni kuya sa akin. Oo nga pala. Sa sobrang lutang ng utak ko, andami kong nakakalimutan ngayon. Lumabas na ako ng kotse at naglakad papasok.
Inakbayan ako ni kuya sabay tapik ng ulo ko. "Allison, tama na nga yang pagka-paranoid mo jan. Resbakan natin kung sakali."
"Bakit kuya? Di ka na ba babalik sa States?" tanong ko. Tumango si kuya. Napangiti naman ako bigla sa sinabi niya.
"Sabi mo 'yan ah." Sabi ko sabay tanggal ng kamay niya at masayang pumasok sa resto. Isa kasi si kuya sa mga best friends ko. Alam niya lahat ng mga nangyayari sa akin lalo na yung mga hindi ko mashare at masabi kila mama. Silang dalawa lang ni Calyx and napagsasabihan ko.
"Ali, Paul." Bati ni dad sa amin pagkapasok ng resto. Niyakap ni mama si kuya, sunod naman si daddy.
"Dad, kanina pa ba kayo dito?" Tanong ni kuya. umiling si dad at umupo na kami. "No, kararating lang naming kanina. Napag-isipan lang kasi namin ng dad niya na maglibot-libot." Sagot ni mama.
Umorder si kuya ng isang chicken and fish fillet duo at isang chicken curry special para sa ulam namin. Si dad naman ang pumili ng appertizers namin na fresh spring rolls at pizza. Nagtanong si mama kung anong gusto naming inumin at sabi naman nila dad, soft drinks nalang daw kaya nagpakuha si mama ng sprite. Since ako daw ang magdedecide ng dessert, pinili ko ang tiramisu at banana split.
Never ko pang na-try kumain dito kapag wala si kuya. Ayaw niya kasing kumain kami dito kapag wala siya. Madalang lang din akong kumain dito since medyo malayo siya sa school at syempre, ayaw ko rin ng special treatment. Kapag pumupunta ako dito, lagi kong tambayan ang kusina since paborito ko rin ang pagluluto, gaya ni kuya.
"So, kamusta ang unang araw mo sa school 'nak?" tanong ni mama.
"Maayos naman po." Matipid kong sagot sa kanila. Dumating na ang appetizers namin.
"Maiba naman ako. Paul, kasmusta yung business mo sa US?" tanong ni dad sa kanya. "Maayos naman na dad, buti pagdating ko doon, may mga ideas na sila para solusyonan yung mga problema ng resto. Yung iba naman is minor problems lang kasi dumadami na ang mga competitors sa ibang locations." Pagpapaliwanag ni kuya.
"Nga pala, ma, dad, may sasabihin pala sana ako sa inyo." Sabi ni kuya. tumingin sila kay kuya at naghihintay ng sasabihin niya.
"Dito na po muna ako sa Pilipinas for good. Kapag may emergency lang saka na ako pupuntang US. Nag-aayos na rin kasi kami ng papeles for opening ng isang resto sa Laguna." Sabi ni kuya. natuwang nagkatinginan naman si mama at si daddy.
"That great news Paul. When is the ground breaking? I trust you found an area already?" tanong agad ni mama.
Tumango si kuya. "Medyo matatagalan pa ma. I'm still coordinating kay tito about the design ng restaurant eh. And I'm still thinking kung café ba or bistro."
Tumango sila dad at tumingin si kuya sa akin. "What do you think, Ali? Which is better?"
"Hmmm... since may resto at café ka naman na dito sa Manila kuya, why not try establishing a bistro. Pasok din naman yun sa mga pinag-aralan mo noon eh." Sabi ko kay kuya.
"May point si Ali nak." Pagsasang-ayon ni dad.
"I'll think about it." Sabi ni kuya.
Tuloy ang kwentuhan namin nila mama nang biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Calyx kanina. Sabi niya may dadaanan pa siya. Saan naman kaya siya pupunta? Hindi naman niya nagtatago ng sikreto sa akin.
May nakalimutan na naman ba ako?
- - - - - - - - - - - - - -
A/N: Hi Readers! Calyx is on the photo. Hope you're liking the story. Stay tuned! All the Love.
BINABASA MO ANG
Boy meets Girl
Romance"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be one of your bad memories? Have you ever thought of living a good college when there are people that will do everything to bring you down? All...