CALYX'S POINT OF VIEW
Huminga ako ng malalim at minabuting kumalma bago angatin ang tawag ni Emil. Hindi ko alam kung anong mangyayari after ko siyang sugurin.
"Hello?" sagot ko kay Emil at pumasok sa bahay.
"Bro! Kamusta?" casual na tanong Emil.
Nakakapagtaka na para bang walang nangyari sa pagbati niya sa akin.
"Anong kailangan mo?" seryoso kong tanong.
"You really want to find the truth right?" Sabi ni Emil na ikinagulat ko.
Napatigil ako ng lakad nang sabihin ni Emil 'yon.
"Kaya ba kayo nag-iimbestiga dito sa apartment ko, ha?" natawa siya.
"Yes, I was the one who used your number. Hindi ba halata?"
Sa sinabi ni Emil na 'yon, gustong gusto kong sumuntok ng tao. Ilang minuto akong hindi nagsalita dahil pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw.
"Ano bang kasalanan namin sa'yo ha?"
"Kayo wala, si Allison, madami. Alangan titigil kami sa kanya lang? Edi parang natalo na kami diba?" sabi niya. Magsasalita na sana ako nang magsalita ulti siya.
"Keep your friends close and your enemies closer, Calyx."
Pagkasabi niya yun, dineretso ko na siya. "'Wag ako ang sinusubukan mo Emil. Habang kaibigan pa ang turing ko sa'yo." Sabi ko at pinatay ko na ang telepono.
Pagkapasok ko sa may sala, nagulat ako nang may sumalubong sa akin ng isang sapak.
"Aray ko naman! Sigaw ko. "Ate?!" gulat kong tanong nang makita ko si Ate Daisy.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ni ate sa akin. "Ako 'to Calyx!" yugyog ni ate sa akin.
"Calyx, ayos ka lang?" tanong din ni dad sa akin.
"Huy, kuya, ba't ka parang namumutla jan?" tanong ni Matthew sa akin.
Napatingin ako kay ate. "Ate Daisy!" sabi ko sabay yakap kay ate. Sobrang miss ko si ate. Kagagaling niya sa London. Isang fashion designer si ate, at katatapos lang ng fashion week nila sa London.
Mula noong pagkabata naming ni Matt, laging anjan si ate para tulungan kami at pasayahan kami. Siya ang laging sumusuyo sa amin lalo na sa akin kapag hindi ko napipigilan ang galit ko.
Magkasing-taon sila ni Kuya Paul, at matalik din silang magkaibigan kasi mula high school, lagi na silang magka-school. Pagdating ng college, sa MIU din sila nagkolehiyo since doon lang may fashion designer na course.
"Sino ba kasi yung Cal?" tanong ni ate sa akin sabay balik sa sala kung saan nanonood silang lahat.
"Kuya, kilala ko na." sagot naman ni Matt. "Si kuya Emil 'yun 'no?"
Napatingin ako bigla kay Matt.
"Paanong...?"
Napabuntong hininga si Matt. "Kuya, halata naman eh. Mula 'nung lagi nilang binubully si ate Ali, alam ko na na lumayo loob mo sa kanya. Sayang nga lang, muntik mo pa naman maging best friend 'yun."
Tinignan ako ni ate ng seryoso. "Sabihin mo nga sa akin Cal, hanggang ngayon ba, hindi matigil ang mga yan kakabully kay Ali?"
Sasagot n asana ako nang makita kong nakikinig din sila mama sa amin. "Saka ko na iwento sa'yo ate." Sagot ko at dumiretso na ako sa kwarto.
Nagshower na ako at nagpalit ng damit. Umupo ako sa swivel chair ko for gaming. Naalala ko ang mga sinabi ni Emil. Kulang nalang, mapapatay ko na siya.
BINABASA MO ANG
Boy meets Girl
Romance"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be one of your bad memories? Have you ever thought of living a good college when there are people that will do everything to bring you down? All...