CALYX'S POINT OF VIEW
Be careful what you wish for, Calyx. Baka ikasira ng best friend mo.
Sino naman kaya ito? Emil? Mia? Pinakita ko kila Jes and text at tulad, ko nagtataka din sila kung sinong posibleng magsend niyan sa akin. Anong wish ba ang tinutukoy nila? At bakit naman sana ako magwiwish ng masama para kay Ali.
"Kev, mabuti pa itanong mo nalang kay Matt yan." Sabi ni Lex. Oo nga no. Kahiligan kasi ni Matt ang programming noong bata palang siya. Kaya siya inenroll nila mama sa programming noon sa isang private school.
Kaya kapag may mga ganitong problema or mga hacking problems, si Matt ang pinakapinagkakatiwalaan kong tao. Lumabas na kaming kwarto at pumunta kay Matt. Habang palakad kami, nagscan na rin si Jes at Lex ng same numbers sa phone nila pero unknown number talaga siya.
"Matt, busy ka?" tanong ko. Nang pumasok kami, naglalaro kasi siya ng Warzone. Oh, diba, gamer din yan.
"Hindi naman kuya." sabi niya sabay lingon ulit sa desktop niya.
"May ipapatrace lang sana kami sayo na text." Diretsong sabi ni Lex. Haaays. Kainis naman 'tong mga 'to eh. Inuunahan talaga ako lagi.
Kinuha ni Jes yung phone ko at pinakita kay Matt. "Message lang ba kuya? Wala ba kayong kilalang gumagamit ng number na yan?" tanong ni Matt.
"Wala eh. Naghanap na kami kanina pa, wala pa rin talaga."
Tinignan ni Matt yung phone ko na parang may hinahanap. "Teka, kuya Kev. Di'ba privae number mo 'to? Bakit dito sila nagsend ng message? Ibig sabihin, alam nila na may is aka pang number?"
Nagulat ako nang sabihin ni Matt ang tungkol sa pirvate number. Dual sim kasi yung telepono ko at nakaligtaan ko ring pansinin yon. Lumpit ako sa kanya at nakitang private number ko nga sinend yung message.
Dalawa kasi ang sim na ginagamit ko dahil ayaw kong maraming tao ang nakakaalam ng number ko. Dahil kailangan din sa school ang phone number lalo na kapag kasali sa mga clubs, kumuha na ako ng isang sim card ko.
Ang nakakapagtaka, paano nila nalaman, kung sino man sila, yung private namuber ko. Family at tropa ko lang nakakaalam. Pati na rin si kuya Paul at magulang ni Ali. Never kong pinagkalat ang number ko at isa pa, hindi mahahanap agad yung number ko na yun kasi nakahide sa phone ko.
"Teka kuya, subukan natin itrace." Sabi ni Matt at nilabas ang laptop niya. Sabi niya kasi, separate na laptop ginagamit niya mag trace para hindi madamay ang files niya kaya dalawa ang laptop niya. Regalo nila mama yung gagamitin niya ngayon tapos yung para sa school naman, regalo ni ate. Bali ipon niya na dinagdagan ni ate para makabili siya ng laptop.
Nang mabuksan niya yung laptop, nagtype siya ng codes na hindi naming naiintindihan kaya nanood nalang kami ng tahimik nila Jes at Lex. Matapos ang ilang minuto, may nakita kaming prompt na parang resulta nung tracing.
"Kuya, pakiramdam ko, isang skilled hacker or di naman kaya eh magaling na computer student 'to kuya. ang hirap niya itrace eh, isa pa, hindi basta bastang codes ang gamit niya." Sabi ni Matt.
"Sa ngayon kuya, address palang niya ang nakukuha ko."
"Saan?" sabay sabay naming tanong sa kanya. Pinindot naman niya yung parang link na nasa screen at nagpakita ang isang mapa. May bliking red light sa may bandang gitna at zinoom ni Matt 'yon.
Nagulat kaming lahat nang makita ang location. Manila International University.
"Most probably, kilala natin, nakakasalamuha natin, at pinakaimportante baka close at kilala niya tayo." Sabi ni Lex at tumango naman sila Matt at Jes.
BINABASA MO ANG
Boy meets Girl
Romance"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be one of your bad memories? Have you ever thought of living a good college when there are people that will do everything to bring you down? All...