Pagpasok ni kuya sa kwarto ko, nagulat siya at gising na ako.
"Oh, Ali. Himala at gising ka na sa oras na'to." Sabi sa akin ni kuya at tumawa.
Nagawa pa talagang mang-asar. Paano ba naman, alas singko palang ng umaga gising na ako. Usually, ganitong oras ako ginigising ni kuya at 4:30 – 5:00 ng umaga nagigising si kuya.
Kanina pa ako kinakabahan kaya 'di ko nakatulog ng maayos. Nasabi kasi ni tita na medyo madedelay daw si tito sa pagdating dito kasi nagkaproblema sa sasakyan na gagamitin. Minake sure naman ni tita na makakarating si tito ngayong araw. Sana lang makaabot ngayong gabi.
Pinilit ko nang matulog since 9am pa naman ang klase ko ngayong araw. Naramdaman kong tinatawag ako ni kuya para kumain pero hindi na ako gumising. Napuyat din ako sobra eh. Mga 7:30, nagising na ako at lumabas sa kwarto para kumain.
"Oh, gising ka nap ala. Kumain ka na." aya sa akin ni kuya.
"Wala kang pasok kuya?"
"Mmm." Sabi niya sabay iling. "Day off ko."
Nagulat ako sa sinabi ni kuya at napatigil ako sa paglalakad.
"Ano ka ba talaga kuya, owner or employee?"
"Both." Nakangiting sagot ni kuya. Tinotopak na naman 'tong kuya ko.
"Nga pala kuya, nagpareserve ba si Calyx sa'yo?"
Tumango si kuya. "Oo nga pala, papasok ako mamaya bilang special cook niyo." Asar niya sa akin.
"Odi dapat libre na 'yun kuya?"
"Hindi ah, dapat nga double pay eh." Reklamo niya.
"Hindi naman holiday eh." Sabi ko ng mahina at dumiretso sa kusina.
Sinundan naman ako ni kuya at inakbayan.
"Naka day off ako diba?"
Tinignan ko si kuya at sumimangot. "Di'ba ikaw nag alok kuya?" sabi ko at inalis ang kamay niya. Wala naman ng magawa si kuya kaya napakudkod nalang siya ng ulo at bumalik sa sala.
Matapos kong kumain, dumiretso na ako sa room at naligo. Nag-ayos na rin ako at nagready para pumasok sa school. Binitbit ko na rin ang regalo ko kay Calyx since diretso ang klase ko hanggang gabi.
"Kuya 'di mo ako ihahatid?" tanong ko kay kuya na nakagihang nanonood ng tv.
"Tinatamad ako." Sagot niya. Oh, diba? Tinotopak ngayong araw tong kapatid ko.
Kinuha ko na yung susi ng kotse ko na nakahang malapit sa pinto at nagpaalam kayo kuya. Dumaan ako sa second gate since doon ang may daan na diretso sa parking area for students. Pagkaparada ko ng sasakyan ko, saktong kakarating din ni Alex gamit ang motor niya.
"Allison!"
"Oh, Alex, ikaw pala."
"Ano, niyaya ka na ni Calyx magdate ano?" asar niya sa akin.
"Loko, dinner lang."
"Pero kayong dalawa lang diba?" tanong niya.
"Oo."
"Yieeeee, magdedate na naman 'tong dalawang 'to."
"Baliw! Hindi 'no. Andun din naman si kuya Lev eh." Pagtatanggol ko.
"Sus, 'di mo pa naman aminin Kaye." Sabi niya sabay tawa.
Hindi nalang ako umimik at dumiretso na kami sa room. Panigurado kasing talo na naman ako kung papatulan ko ang pang-aasar nila eh. Pagpasok namin sa room, nakaabang na yung dalawang mang-aasar sa akin. Bungad palang, ngumingiti-ngiti na sila eh.
BINABASA MO ANG
Boy meets Girl
Romance"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be one of your bad memories? Have you ever thought of living a good college when there are people that will do everything to bring you down? All...