Chapter 20: Finding the answer

9 3 0
                                    

Hindi sila umimik na dalawa kundi nagkatinginan lang. naku, halatang halata naman kasi 'tong dalawang 'to kaht kelan eh. Pakiramdam ko, sinabihan ni Calyx 'tong mga 'to. May kinalaman kaya 'to sa pag-alis ni Jacob noong isang araw papunta sa parking area at kinausap siya nila Calyx?

"Ano?" sabi ko ulit sa kanila. "Halatang halata naman kasi kayo." Mahina kong sabi.

"A-ano kasi, A-Ali..." sabi ni Jester.

Bago pa man sila makapagsalita, bumungad sa akin ang isang telepono na may text message. Unknown number siya at parang sinasabi na may mangyayaring masama dahil sa wish ni Lyx sa akin. Tumingin ako kung sino yung nakahawak ng phone at nakita ko si Calyx.

"Oh, Lyx, ano 'to?"

Nagkibitbalikat siya.

"Hindi ko kasi dapat muna sasabihin yan sayo, pero alam kong magkakaroon ng problema ang planong 'to since hindi naman makapagtago ng pag-aalala 'tong dalawang 'to." Ani niya.

Nagpe-peace sign at nagsosorry naman yung dalawa sa likod. Binaba ni Lyx ang phone niya saka kami naglakad papasok ng school. Hindi kasi ako humakbang agad pagkatapos naming nakapasok sa may tapping area ng ID kaya nasa waiting area palang kami.

"Teka, matagal na ba 'tong nangyari?"

Umiling siya. "Two days ago. Sasabihin ko sana kung may lead na talaga kami eh. Pero hanggang ngayon, wala pa rin." Sabi nii Calyx.

"Nagpatulong kami kay Jacob at kay Matt. Pero ang nakuha lang ni Matt, address ng condo niya." Pagpapaliwanag ni Lex.

Tumango ako. "Pero hindi ba siya nagdodorm dito if ever?"

"Yun nga ang nakakapagtaka Ali. Kasi noong una, nandito siya sa school, sa may female dorm nung isang gabi. Pero nung hanapin ulit namin kinaumagahan, nasa condo na siya."

"Saan baa ng condo niya?"

"Kinausap namin si Jacob patungkol jan kasi hindi kaya ni Matt itrack ang multi-server na gamit niya sa condo niya. Guess what, sa condo ng pinsan ni Jacob siya nag-iistay." Sabi ni Calyx kaya ako napalingon.

"Plumeria Heights?!"

"Mmhmm. Bakit?"

"Maalala ko, andun ang pinsan ko ngayon. Best friend nung pinsan ni Jacob."

"Hindi ba't ok yun? Para mas mabilis natin silang matrack?" tanong ni Jester.

Umiling ako. "Hindi, hindi yung ok. Ayos lang sana kung si kuya Vince, pinsan si Jake ang andoon. Kapag kasi kasama niya si kuya Gab, baka mang-away lang 'yon lalo na kung may kinalaman sa akin. Alam mo naman si kuya Lev, kinwento yung mga napagdaanan ko noon kay kuya Gab since lagi siyang bumubisita noon." Pagpapaliwanag ko.

"Hindi naman siguro Ali. Since hindi pa natin kilala kung sino ba talaga yung nagsesend ng message." Sabi ni Lex. Kung sabagay, may point naman.

Mula pagkabata ko kasi, lagi na sa bahay si kuya Gab since sila talaga ang pinakaclose na magpinsan ni kuya Lev. Same age sila at panganay na anak siya nila tita Jack. Nakabase siya dito sa Manila since gaya ni kuya Vince, isa din siyang computer engineer at same din sila ng company na pinatatrabahuan.

May sariling condo si kuya Gab, pero malapit ito sa company nila. Since magbest friend sila ni kuya Vince, na pinsan nga ni Jacob, lagi siya sa condo niya. Magaling din silang tandem sa paghahack so no doubt, kapag sila nagsama, walang imposible. And to think na doon sa condo ni kuya Vince ang address na natrack nila eh.

One more thing, doon din ang naaalala kong condo ni Mia. Though hindi ko naman alam kung lumipat na siya or what. This can become something serious, kung hindi lang yan ang message na aabutin ni Lyx.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon