Chapter 21: SYD

8 3 0
                                    

"We need Skye Yvan Diaz." Sabi ni kuya Gab.

Skye Yvan Diaz. Ang kapatid kong pinagpala ng katalinuhan. Well, sabi nila mama, lahat daw kami. Kung si kuya Lev, isang renowned chef, si kuya Skye naman, isang lowkey pero magaling at matalinong hacker at programmer pero mas kilala bilang isang music producer.

Unang nangtake si kuya Skye ng course na IT, saka siya nagpursue ng music career. Kumbaga, cover up niya ang pagiging music producer. Nang mapunta siya sa ibang bansa, doon niya mas lalong sineryoso ang hilig niya sa computers lalo na sa programming at hacking. Sinabay niya yun sa pag-aaral bilang isang music producer.

Sa Thailand siya nakabase sa ngayon, for 3 years already. And since dalawa ang trabaho niya, hindi siya nakakauwi palagi. Though nakakausap namin siya, hindi ganun kadalas. Lowkey work niya ang isang hacker kapag kinakailangan. Sa tamang paraan niya ginagamit yun, at kung hindi kailangan, hindi talaga niya yun papakialaman.

Matalino siya pagdating sa computers, pero hindi niya gustong makilala siya bilang isang magaling na hacker at programmer kasi alam niyang maraming pwedeng mangyari na hindi niya ikakabuti.

"I bet he's coming home next week right, Ali?" sabi ni kuya Gab. Tumango ako.

"Hindi ba't antagal nung isang linggong hihintayin, Gab?" tanong ni Kuya Vince.

"It's more than enough, dude. Enough para mahanap natin ang solusyon kung paanong hindi ito masend kapag nahanap natin kung sino siya." Confident na sabi ni kuya Gab.

Kung tutuusin, may point yung goal na gustong gawin ni kuya Gab. Nang sag anon, kapag andito na si kuya Sky, ang tutukuyin nalang is kung sino ba talaga ang may pakana nitong lahat. Kung iisang tao ba or kung may kasama pa siya.

Nakukutuban ko, si Mia to eh. Pero hindi naman siya ganyan kagaling sa programming mas lalo na sa hacking. At wala siyang interes jan, Kasi kung talagang gusto niya, matagal na sana siyang naglabas ng mga ikakasira ko.

"Magdinner na kayo dito." Suhesyon ni kuya Vince. Aangal na sana kami nang hindi kami pinayagan ni kuya Gab umalis.

"Napaalam na kita Ali." Sabi niya sa akin.

Wala na kaming choice kundi dito kakain. Since hindi rin naman kami pinapalabas nila kuya. One more thing, mapilit sila kuya Gab at kuya Vince. Natext ko na rin si kuya Lev at siya na raw bahalang magsabi kila mama.

Isa sa mga paborito ko sa pamilya namin, lahat kaming magpipinsan, kung hindi mahilig kumain, mahilig magluto. Kaya for sure, masasarap ang mga ulam since si kuya Gab daw ang nagluto. Pagkahain ni kuya Vince ng rice, umupo na siya. Sumunod naman si kuya Gb na may dalang chopsuey at sweet and sour chicken. Sakto pa sa timing naming na bumili si kuya Vince ng isang malaking tub ng double dutch ice cream.

Tambayan kasi nilang magbabarkada ang condo ni kuya Vince kwento sa akin ni kuya Gab noon, kaya as always, puno ng pagkain na maluluto tsaka snacks at desserts yung ref niya.

"So, Ali, kelan daw makakauwi si Skye?" tanong ni kuya Vince.

"Wala pang exact date kuya eh. Tsaka ang sabi lang nila mama, next week daw, nandito na si kuya SYD." Sagot ko sabay kain.

Tahimik ang lahat nang bigla akong tignan ni Lyx. "Kuya SYD?"

Tumango ako. Hilig ko kasing mag-isip ng pangalan or palayaw na ako lang ang nakakaalam at ako lang ang gumagamit. Gaya kay kuya Lev, Paul ang usual na tawag nila ang madalang na ginagamit ang second name niya kaya sa second name ko siya tinatawag. Pero imbes na Levi, kuya Lev para mas maiksi. Si Calyx naman, second name ang palayaw niya sa mga kaibigan namin, Kevin, kaya Kev. Pero para sa akin, Lyx, galing sa first name niyang Calyx. In the case of kuya SYD, full name niya kasi yun, first letter ng full name niya which is Skye Yvan Diaz.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon