CALYX'S POINT OF VIEW
"Pero Ali, kung sasabihin ko sayong may nagugustuhan akong babae, maniniwala ka ba?" seryoso kong tanong kay Ali.
"Aba, pumapag-ibig ka na pala ngayon ha." Sagot niya. "Sino?"
"Ikaw."
Napatahimik si Allison at nag-blush siya ng todo kaya hindi ko mapigilang matawa. "Joke lang. Hindi ikaw 'no."
Hindi siya umimik at kunwaring nagbabasa ng librong bigay ko sa kanya. Nakita ko naman na nasa likod pala si kuya Paul na parang sinasabihan akong lagot daw ako mamaya. Kanina pa kasi nakatambay sa likod is kuya na para bang pinapanood kaming dalawa. Kung gaano kasaya si Ali kaninang nakita niya ang regalo ko, ganun din si kuya, kaya nginitian niya ako at nag-thumbs up.
"Huy, Ali." Tawag ko sa kanya. "Affected? So umasa ka?"
"Hindi no!" sagot niya agad kaya ako natawa. At uminom ng frappucino ko.
"Paano kung sabihin kong crush din kita noon?" diretso niyang tanong kaya ibang direksyon pumunta yung iniinom ko, dahilan para maubo ako.
'Di nga Allison? Kung totoo yan, bakit ngayon mo lang sinabi?
"Lyx, a-ayos ka lang?" natatawa niya tanong kaya napa—oo lang ako. Buti nalang at hindi gaanong kalala at nakakahiya.
"Oh, ano, ayos ba ng prank na pinangunahan mo?" sagot niya sa akin kaya hindi na ako umimik.
Nang matapos na kami, nag cr lang muna si Ali kasunod ko kaya hinintay ko siya. Since alam kong mabagal mag-cr yun dahil sa mga kung ano anong 'girly thing' daw na ginagawa niya, inayos ko na yung boxes ng regalo naming sa isa't isa para ready ng umuwi. Hindi naman mahilig mag-ayus 'yon pero ewan ko kung bakit kapag ganitong okasyon, nag-aayos siya para magmukhang babae. Pagkalabas niya, dumeretso na kami sa baba kung saan hinihintay pala kami ni kuya Calyx.
"Thank you Lyx ha. Next year ulet!" sabi ni Ali. I'm glad she's happy and contented sa simple dinner. Lol, simple pa ba 'yon? Hahaha! Niyakap ko nalang siya at tinap ang likod niya.
"Ingat pauwi." Bulong ko kaya nag-nod siya.
"Ikaw din." Sagot niya sa akin.
"Ali, una ka na sa kotse." Sabi ni Kuya Paul. Tumango siya at kinuha ang regalo niya saka dumiretso sa kotse niya.
Inakbayan ako ni kuya Paul saka kinausap. "Ikaw Calyx ha. May gusto k aba sa kapatid ko?"
"Kuya Paul naman. Wala nga. Legit." Sagot ko agad kaya parang 'di naniwala si kuya Paul.
"Talaga lang. 'Wag kang matakot magsabi sa akin Calyx. Or else." Pagbabanta niya.
"Actually kuya, hindi ko alam eh. Basta kapag kasama ko si Ali, sobrang saya ko, kami lang dawala or kasama ang tropa, basta andun siya. Yung mapasaya ko lang siya ng gaya ng kanina, sobrang saya ko na rin." Sagot ko kay kuya.
"Kapag naman may nang-aaway sa kanya, gusto kong manugod. Kapag naman hindi ko siya nakikita, hinahanap hanap ko siya minsan. Ewan ko kuya..." sabi ko. Sa totoo lang, naguguluhan din kasi ako eh.
"Calyx, kung sakali mang magustuhan mo ang kapatid kong 'yon, 'wag na 'wag mong masaktan yun. Baka kung ano pang magawa ko sa'yo." Sabi ni kuya.
"Naku kuya, malabong mangyari yan. Hahaha, never magiging kami kuya. For sure, may gusto man kami sa isa't isa or wala."
"Talaga lang?"
Tumango ako kay kuya. Kung ako lang tatanungin, oo, gusto ko maging girlfriend si Ali, pero panigurado akong ayaw ni Allison 'yon. Kahit may gusto man 'yon sa akin, hindi papaya 'yon. Kasi ayaw niyang mawala ang friendship namin, and one more thing, hindi ko kayang mawala ang best friend kong tulad niya kung sakali.
BINABASA MO ANG
Boy meets Girl
Romance"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be one of your bad memories? Have you ever thought of living a good college when there are people that will do everything to bring you down? All...