9

129 29 20
                                    

We Fell In Our Bestfriends

(This part is unedited so sorry for typos. )

Zedrex is my bestfriend. We're already bestfriends for more than three years. Masaya ang samahan namin. Walang malisya. He even introduced me to his family. Close kami ng mga kapatid niya. I also introduced him to my family. Nasa bahay siya minsan para tulungan akong gumawa ng thesis ko and other school works.

Habang tumatagal hindi ko namamalayan na masiyado na akong na aattach kay Zed. Hanggang balikat niya lang ako. Kapag namamasyal kami sa mall, palagi kaming napapagkamalan ng mga saleslady na magjowa.

'Mam, Sir, bagay na bagay po kayo.' Yan ang palagi kong naririnig sa kaniya. Zed's just smiling in them. Kaya minsan kapag nahihiya ako ay ako nalang anv tumatanggi.

Lagi kaming magkasama either inside or outside of school. He's always pinching my nose and cheeks. Binibiro niya din ako lagi sa mga kaklase namin na nanliligaw saakin. Iniirapan ko lang siya at kunyaring galit ako. Yayakapin naman niya ako mula sa likod at hihilahin papuntang canteen.

Ibibili niya ako ng lahat ng gusto ko. I won't deny it. Zedrex is filthy rich. Lagi niya akong niyaya mag mall at ililibre ng mga damit.

'Boo, bagay sayo oh. ' he said while pointing the yellow cropped top shirt. 'kaya lang maiksi, makikita pusod mo. ' sabi niya saka hinila ako sa row ng mga T-shirts.

Boo is our endearment. Siya ang nagsuggest nun.

Nagpunta kami ng Enchanted Kingdom. Sumakay kami ng mga rides at todo kapit ko sa kaniyang braso dahil kinakabahan ako at natatakot.

Pagkababa namin galing sa isang rides ay niyakap niya agad ako at tinahan.

'Shh. Don't be scared, I'm always here.' sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Tumango na lamang ako at niyakap siya ng mahigpit habang inaamoy siya. Grabe ang bango niya talaga.

Hindi ko namalayan ang sarili ko. Unti unti na pala akong nahuhulog sa kaibigan ko. 'Ang ganda mo, Boo. ' Even that single joke of him made me blush. 'Namumula ka, Boo?' natatawa niyang tanong. 'A-ah blush on to. ' palusot ko.
Kinurot niya ang tagiliran ko. 'Diyan kase si Ellie eh. ' biro niya saakin.

Napasimangot ako dahil sa narinig ko. I am just his friend. Yun LANG ang nakikita niya para saakin. Tumayo ako. 'Una na ako sa room. Antok. ' sabi ko sa kaniya at tumayo na.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa reaksyon ko. Wala namang nagbago saamin. Pareho pa din ng dati. Ang pagtingin ko lang sa kaniya ang nagbago. We're facing each other while eating ice cream, when a tall girl faced us. Nasa Dairy Queen kase kami.

'Zedrex? ' , the girl exclaimed. 'Nathalie? ' sagot naman ni Zedrex at niyakap ang babae. Nagulat pa ako sa ginawa niya. 'This is Sevie. ' pakilala niya saakin. Nagtaas ng kilay si Nathalie 'Girlfriend?' she asked. 'No, bestfriend. ' diretsong sagot ni Zedrex.

Halos gabi gabi kong iniisip na sana wala nalang akong naramdaman sa kaniya. Sana kaibigan lang ang turing ko sa kaniya para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Natatakot akong dumating ang araw na mawala siya. At hindi nagtagal dumating nga ang araw na yan.

'Mall?' kumapit ako sa braso niya at tiningala siya. Nagulat ako dahil tinanggal niya ang braso ko. 'Busy. ' sabi niya saka lumayo.

Laging ganyan ang eksena. I don't know why. Alam kong may nagbago. Lahat. 'Okay pa ba tayo, Boo? ' I asked him through text message.
'Yeah. ' he replied. Nagbago nga. Kung dati ay mahaba siya magreply, ngayon halos hindi pa umaabot ng limang letra ang reply niya.

Nawalan siya ng oras saakin, kaya iwinala ko din ang oras ko sa kaniya. Pinilit ko iyong tumbasan pero mahirap.

Sumapit ang Friendship Anniversary namin. Dumating siya at agad niya akong niyakap.
'I missed you. ' sabi niya saka hinalikan ang noo ko. Ngumiti ako sa kaniya at nilagay sa harap ang cake namin. Naging maayos uli ang turing niya saakin.

Mas sweet siya ngayon kesa noon. 'He's even sending me 'I love you'. Kaya nga assume din ako. Lagi niya akong sinasama sa lakad niya. Weddings, birthdays, and other occasions.

One time nagtext siya saakin. Pinapunta niya ako sa isang sikat na resort dito saamin. Aniya'y may sasabihin daw siya saakin. And that was my go signal para umamin sa kaniya. May clue ako na may nararamdaman din siya saakin.
Sabi ko din sa kaniya na may sasabihin ako sa kaniya.

I dressed up. Nang makarating ako sa venue ay nagulat ako dahil puno ito ng balloons at may table sa gitna na may dalawang upuan. May nagtutugtog din ng violin sa gilid.

Nanlaki ang mga mata ko ng makit si Zed na papalapit saakin. He held my hand at hinila ako sa gitna. Nasa baywang ko ang kamay niya at nasa balikat naman niya ang akin.

'I've been waiting for these chance. ' sabi niya saka ako nginitian. 'Ano yung sasabihin mo? ' tanong niya. Pero kinakaban ako. 'Ikaw muna. ' sabi ko.

'I don't know when did I felt this but, I love.... ' kinakabahan ako sa isusunod niya kaya napapikit ako. 'Nathalie, my childhood bestfriend. '

Para akong nilunod sa lupa dahil sa mga narinig ko. I was very ready to confess but that confession turned into tears. Pinahid niya ang mga luha ko. 'Why? ' he asked. Umiling ako. 'Masaya ako.' sabi ko at nilingon ang likuran ko na nginingitian niya.

And there, I saw Nathalie. In her red long dress. She's also smiling at me. 'Thank you for everything, Boo. ' Zed said then kissed my forehead. Bumitaw siya saakin at inalalayan si Nathalie.

Naglakad ako palayo sa kanila. Parang falls na walang tigil sa pagtulo ang luha ko.
Masakit pala mag assumed. Sobrang sakit. Na ang expectation ko pala ay hanggang expectation lang din.

And yeah, I fell in love with my bestfriend and he also fell in love with his bestfriend.

'We fell in our bestfriends.'

And now, I got an invitation from Zedrex and Nathalie's Wedding and I will going to be their maid of honor.

-S.

_________________________________________

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now