22

87 28 1
                                    

Cool Off

"Ano ba naman yan, Rella! Hirap na hirap na nga tayo dumagdag ka pa!"

Nagising ako dahil sa sigaw ni Mama galing sa labas. Agad akong bumangon at lumabas sa kwarto ko upang silipin ang nagyayari sa labas.

"Ma, ano na naman yan?", tanong ko nang lumabas galing sa kwarto.

Nagulat ako ng biglang humagulgol si Mama at naupo sa upuan. Si Rella naman ay tuloy pa din sa pag iyak.

"A-anak... itong kapatid mo kasi...buntis."

Parang binagsakan ako ng bato ng marinig ang sinabi ni Mama.

Napatingin ako kay Rella.

"Alam mo namang hirap na hirap tayo hindi ba?" , tumulo ang luha ko.

"Sorry ate.", sinubukan niyang lumapit saakin pero tinalikuran ko na siya at pumasok sa kwarto ko.

Napaupo ako sa kama habang iniisip ang mga gastusin sa bahay. HRM ang kurso na natapos ko ngunit dahil nagkasakit ang ama ko ay kinailangan kong maghanap agad ng trabaho at namasukan bilang saleslady sa isang mall. Saakin nakaatas ang lahat ng gastusin sa bahay. Si Mama ay housewife lamang inaalagaan si Papa. Ang dalawa ko namang kapatid ay parehong nasa sekondarya. Ako ang nagbabayad sa bahay, tubig, kuryente at iba pang gastusin sa bahay.

Naputol ang iniisip ko ng tumunog ang telepono ko na nakapatong sa mesa.

"Xiamie....", ani Carlo sa kabilang linya, ang aking nobyo.

Apat na taon na kaming magkarelasyon ni Carlo. May-ari siya ng isang Italian Restaurant. Maayos naman kami sa mga nagdaang taon pero sa mga lumipas na araw ay masyado na kaming nagkakalabuan dahil ayoko na siyang idagdag pa sa mga problema ko.

"Carlo?"

"Love, pwede mo ba akong puntahan sa restaurant ngayon?", dinig na dinig ko ang frustration sa boses niya.

"Carlo, hindi ako pwede ngayon. Si Rella kasi...may problema pa dito sa bahay e."

"Please, Love. Kailangan kita ngayon. Ang restaurant-"

"ATE! SI PAPA!"

Hindi na natapos ni Carlo ang sinasabi niya ng sumigaw si Rezo mula sa labas.

Pinatay ko ang tawag at dali daling lumabas. Lumapit ako sa kwarto ni Papa at unti unting napaupo ng makita ang ama kong wala ng buhay.

"PA!"

Dalawang buwan na ang lumipas mula ng nawala si Papa. Dalawang buwan na ang lumipas ng huli kaming mag-usap ni Carlo. Pumupunta siya palagi sa bahay pero hindi ko siya masyadong mapagtuonan ng pansin dahil abala ako sa gastusin at mga problema sa bahay.

"Carlo, cool off muna tayo.", tumulo ang luha ko ng sinabi ko yon sa kaniya. Nasa restaurant niya kami ngayon. Sobrang saya niya dahil binisita ko siya pero agad nawala ang ngiti niya ng marinig ang sinabi ko.

"No. No. No. Xiamie, please no. Wag ganito please." hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayoko ng idagdag ka pa sa problema ko. Kailangan ko ng space." umiling ako at pilit na binawi ang kamay ko sa kaniya. "Cool off lang naman. Babalik ako pag maayos na." ngumiti ako sa pag aakalang mapapawi ang lungkot sa mga mata niya.

" Papayag ako pero isang buwan lang please."

At gaya ng sinabi niya nagkaintidihan kami pero di ko sukat akalain na pati si Mama ay iiwan din kami.

Hindi ko maisip kung paano ko nalampasan ang tatlong na buwan na lumipas mula ng iwan kami ni Mama.

Araw araw akong binibisita ni Carlo pero hindi ko na siya magawang pagtuonan pa ng pansin. Sobra na kung idadagdag ko pa siya.

"Labas tayo ngayon, Xiam.", nag antay siya saakin sa parking lot ng mall na pinagtatrabahuhan ko.

"Sorry, Carlo.", nilampasan ko siya at sumakay sa taxi.

"Xiam, kain tayo.", binisita niya ako sa bahay pero sobrang abala ako at hindi ko alam kung paano pa siya sasamahan.

"Next time nalang."

Halos araw araw niya akong pinupuntahan saan man ako mapadpad ngunit sadyang mapait ang tadhana at hindi ko na siya mabigyan ng oras at atensyon na gusto niya. Hanggang sa manganak si Rella at naging medyo maayos na ang lagay namin.

Ngayong araw ay naisipan kong bisitahin si Carlo dahil halos pitong buwan na din mula ng huli kaming magkita.

"Kamusta po, Mam?", salubong saakin ni Sherli, isa sa mga nagtatrabaho kay Carlo.

"Ayos naman.", ngumiti ako kay Sherli. "Nasaan si Carlo?", tanong ko.

"A eh. Ahm... Kasama po si Mam Issa." hindi makatingin si Sherli saakin at agad nagtungo sa kitchen ng restaurant ni Carlo.

Masyado akong naguluhan kaya nag antay ako kay Carlo.

Limang oras na ang nakalipas pero hindi pa din dumarating si Carlo kaya napagdesisyonan kong umuwi muna at tawagan nalang siya mamaya.

Sa pag tayo ko galing sa pagkakaupo ay siya ring pagpasok ni Carlo kasama ang isang babae. Bakas ang gulat sa mukha ni Carlo ngunit agad ding nakabawi. Tiningnan niya ang babae at hinawakan ang siko nito. Tumango naman ang babae at dumiretso sa opisina ni Carlo. Inilipat ni Carlo ang mga mata niya saakin ng makapasok ang babae sa kaniyang opisina.

"Carlo.", sinubukan ko siyang yakapin pero hinawakan niya ang balikat ko at pinaupo sa upuan ko kanina.

"Sino yon?", tanong ko agad ng naupo siya.

"Siya si Issa.", hindi siya makatingin saakin.

"Kapatid mo?", ngumiti ako sa kaniya.

"Girlfriend ko siya, Xiamie."

Agad akong naguluhan sa sinasabi niya.

"Carlo. Ako! Ako ang girlfriend mo!", tumaas ang boses ko. "Cool off lang tayo hindi ba?"

"Cool off tayo! Oo! Pero Xiam, napapagod din ako." yumuko siya. "Nandon ako sa mga oras na kailangan mo ako at hindi. Pero Xiam, kailangan din kita."

Hindi ako nakasagot.

"Nong araw na tinawagan kita, nabaon ako sa utang non dahil sa pagtulong ko kay Tito pero hindi ko yon sinusumbat sayo dahil taos sa puso ang pagtulong ko. Pinatay mo ang tawag dahil may nangyari diba? At nawala si Tito. Isang buwan lang yung cool off na napag usapan diba? Pero bakit umabot ng ilang buwan?"

Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ko.

"Si Issa, siya yung nandyan. Siya yung tumulong saakin na makabangon."

"Hindi mo na yan kailangan sabihin!" ani ko.

"Pasensya ka na talaga, Xiam....." bumuntong hininga siya.

"....pero sana hindi mo ako binitawan kung hindi mo naman ako kayang pakawalan."

-S.

_____________________________________________

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now