"Sana ako nalang ulit."
Limang taon na ang nakakaraan ng huling tapak ko sa Pilipinas. I spent my five years in London dahil sa pagiging architect ko doon. And now, I am standing in airport waiting for my best friend to fetch me. Si Ninia.
Maya maya ay natanaw ko na nga siya. She's holding a cardboard saying 'Welcome home, Xilian! " .
Niyakap niya agad ako ng makalapit siya saakin.
"Gumanda ka lalo! " salubong niya.
"Nambola pa! " nagtawanan kami hanggang sa makarating kami sa condo.
Nang nasa hapag na kami ay saka ko naisip na magtanong sa kaniya.
"Kamusta na si Zell? " tanong ko.
Naubo siya dahil sa tanong ko. Umiling siya saakin na ipinagtaka ko. "Hindi ko gustong pinag uusapan to. " sabi niya kaya hindi ko na din siya pinilit pa.
Kinabukasan ay namasyal kami ng namasyal hanggang sa makarating kami sa huling destinasyon namin. Ang paborito NAMING park.
"Bili muna ako ng tubig at foods. " paalam ni Ninia. Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.
Nagmasid ako sa paligid at natigil ang mga mata ko ng mapadpad ito sa isang pamilyar na mukha. Nakatayo si Zell sa bahagi ng park na may puno. Nang magtagpo ang aming mga mata ay nakita ko ang saya sa mga mata niya.
Mahal niya pa kaya ako? Babalikan niya ba ako?
Naglakad siya sa direksyon ko at doon ako kinabahan ng husto.
"Xilian, when did you arrived? " nakangiti niyang tanong.
"Uhh.. Yesterday. " I answered. "Kamusta na?" tanong ko sa kaniya.
"Hmm. Fine. Actually, more than fine. This is the best part of my life. " kumikislap pa ang mga mata niya habang sinasabi yon.
Nagkaroon ng pag-asa saakin na baka mahal niya pa nga ako. Na baka ako parin. Na sana ako pa rin.
Walang nagsalita saamin kaya naisip kong putulin ang katahimikan pero bago pa ako magsalita ay nagsalita na siya.
"Thank you for breaking up with me. " the moment I heard those words made me broke into pieces. "Because of what you're done, I found her. " lalo pang nanggilid ang luha ko ng dinagdagan niya ang kaniyang mga salita.
"T.. talaga? " I looked at his eyes with my eyes full of tears.
"Yes Xi. Sobrang sakit noong pinagpalit mo ako sa trabaho mo sa ibang bansa." umupo siya sa upuang kawayan at pinaupo din niya ako doon. "Araw araw kong tinatanong kung anong kulang saakin. " he smiled but I can see the liquid formed in his eyes. "Hanggang sa makilala ko siya. I'm a doctor and she's a nurse."
Akala ko, nagsundalo siya?
"Tinapos ko ang pagsusundalo at siya ang gumamot sa buhay kong sugatan. She encouraged me to fight for all the pain. Sabi niya lahat ng sakit sa huli magiging worth it. And I trust her at hindi niya ako binigo. " parang sinaksak ako sa huling katagang binitawan niya.
"She's my light that keeps on telling me to fight."
Napapikit ako sa sobrang sakit na naramdaman. I used to be your light too.
"We both benefited to your decision years ago. Nakilala ko siya and you became one of the most successful architect now all over the world." mali ka. Ikaw lang ang naging masaya. "Salamat sa pagpapalaya saakin. "
Tears rolled down to my cheeks. Bawat memoryang dumadaan sa harap ko ay nagdudulot ng sakit sa dibdib ko.
"Myra...." he called a familiar name.
Napatingin ako sa babaeng tinawag niya. Myra, my step sister. I can clearly remember what my mother told me.
"Kapag hindi ka tumuloy ng London at hindi mo hiniwalayan si Zell para kay Myra, kalimutan mo ng naging ina mo ako."
Napakasakit na marinig ang mga salitang yun lalo pa kung sa sarili mong ina. That day, I decided to break up with Zell. Lumuhod siya sa harapan ko at nagmakaawa, but I chose to leave him down on his knees, begging for me to stay. Araw araw kong binabalikan ang mga araw na iyon. Paano kung hindi ko siya iniwan? Kami pa din kaya?
"We married each other two years ago. " nakangiting wika ni Zell habang hawak sa baywang si Myra.
Myra didn't know me. My mother chose to hide me, even now. Palagi niya akong itinatago sa cabinet kapag darating ang mga kaibigan niya. Minsan nakakalimutan niya pa akong pakainin.
I looked at them. "I need to go. Belated congratulations!" I tried to smile before walking out of them. Sa pagtalikod ko ay bumuhos ang luha ko.
Ako sana yon. Ako sana ang pinakasalan niya. Ako sana ang kasama niya sa pagtanda. Sana ako nalang. Sana ako nalang ulit.
-S.
________________________________________

YOU ARE READING
Unraveled Ties and Love's Demise
RomanceBrace yourself for a journey through the labyrinth of emotions, where heartbreak is not just a word, but a melancholy tune that echoes in the silence of the night.