Lessons
I am a freshmen in college when I met him. I am contented on what I have. Hindi kami mayaman but our parents raised us well. Sobrang kontento na ako sa buhay ko at mas lalo pa akong nagpasalamat ng makilala ko siya.
"Leeze....", baritonong boses ang narining ko sa likod ko.
Nagulat ako ng makitang si Driue yon. Driue Fasque, anak ng isang abogado na kilala sa bayan namin.
"Hmm...", ngumiti ako sa kaniya.
Nagkamot siya ng batok. "Uhh....can you help me in this thing?", ipinakita niya saakin ang notebook niya.
It was our first meeting. Hanggang sa nagkamabutihan kami. Parehong pag aabogado ang inaaral namin. We face our years in college together. Sobrang saya ng relasyon namin. We face problems together. Hanggang sa biglaan niyang pagbabago.
10 pm I was still in front of our university waiting for him to fetch me. I looked at my phone looking for his last message.
Driue: Wait for me. I will never leave you remember that.
It was sent 6 hours ago. And still, I am waiting here for him. When the clock strikes 11, nagpasya na akong magtext kay Kuya para magpasundo. Alam kong pagagalitan ako ni Mama dahil ayaw niyang umuuwi kami ng gabing gabi na.
1 am. I am still waiting for my brother hanggang sa umabot ng alas dos, hanggang alas tres. I decided to call Kuya kase naiiyak na ako sa sobrang frustrate. Kuya can't do this to me. Make me wait for more than 4 hours?
"Leezana?", lalaki iyon pero alam kong hindi iyon boses ni Kuya.
"Kuya? Who's this? Nasaan ang may-ari ng cellphone na to?", sunod sunod kong tanong.
"Kapatid ka po ba ni Mr. Leezander Vanderama?"
"Yes. Where is he?"
"Puntahan niyo nalang po siya dito sa ospital para asikasuhin ang katawan niya."
That moment my whole world spun like a top. Namatay si Kuya due to loss of too much blood during the car accident. Sinisi ako ng pamilya ko dahil sa nangyari. I know it is my fault. Lahat ng bagay ay hindi na naibalik sa dati. My parents hate me so much. Kahit ang mga tao sa paligid ko, iba ang tingin saakin.
'Isa kang kahihiyan sa pamilyang ito. Dahil sa kalandian mo, namatay ang kapatid mo.'
That was the statement that is thrown to me by my own father. Hindi ko alam kung ano ang naging basehan nila at bakit nila ako natawag na malandi.
"Kamusta? Masarap bang matawag na malandi?", Steff appeared in my sight.
Steff is my childhood friend. Nagalit lang siya saakin ng ligawan ako ng ex boyfriend niya na hindi ko naman sinagot.
Siya ang nagsabi sa pamilya ko ng dahilan kung bakit ako sinundo ni Kuya. I don't know her reason but I chose to understand her, them. May kasalanan ko. Alam ko. Kaya tatanggapin ko ang parusa na ibibigay nila.
Nilapitan ko si Driue, but I coudn't reach him.Isang buwan na ang nakakalipas simula ng huli kaming mag usap. I faced my problems alone. I eat alone. I suffered alone. I mourned alone. I take bar exam alone.
Lahat at hinarap kong mag isa sa loob ng isang buwan. Hanggang sa makatanggap ako ng text galing sa isang kaibigan tungkol kay Drieu.
Lin: Driue passed the exam. I feel sorry for you. Better luck next time.
That was my climax. Pakiramdam ko, nabagsakan ako ng lahat. Tumulo ang luha ko at nagtungo sa bahay nina Driue kahit mukha akong basahan.
"CONGRATS BABE!", I heard a soft voice.
Lalo pa akong nadurog ng nakita ang isang babae na humalik at yumakap kay Driue.
Araw araw kong iniisip kung bakit ako. Bakit saakin nangyari to. All my life I chose to be a good person. But I didn't know how this happened. Kung bakit namatay si Kuya. Kung bakit nawalan ako ng pamilya. Kung bakit ako tinraydor ng sarili kong kaibigan. Kung bakit hindi ko naipasa ang bar exam. At kung bakit niya ako ipinagpalit at iniwan ng walang paalam. Ang daming bakit. Ang dami kong tanong.
"Sabi mo hindi mo ako iniwan. Anong nangyari?", inimbita ko siyang kumain at para na din matanong ko siya ng libo libo kong bakit.
"I just said that.....", puno ng awa ang mga mata niya." but I didn't promise."
Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Hindi ako makakilos. Hanggang sa nagising nalang ako na nasa harap ng pintuan ko ang diploma ko. I became worthless. Walang kwenta. Lahat ng pinaghirapan ko nasira. Lahat ng pinagpuyatan ko, nawala. At kasama na ako sa mga nasira.
"Ma'am nandito na po ang kameeting niyo.", my secretary said.
Lumabas na ako para makipagmeeting sa huli kong kliyente.
Driue Fasque is standing in front of me with a bouquet of white roses in his hands.
"Kamusta ka na? Gusto ko sanang-", natigil siya ng tumakbo palapit saakin ang isang bata.
"MOMMA!", lumuluhang lumapit saakin si Louiselee. My son.
Nakapasa ako sa bar exam ng magtake ako sa pangalawang pagkakataon. I married a pilot. After four years of our relationship, nagpakasal kami. Sa mga panahon na nagdaan sa buhay ko, napakaraming aral ang binaon ko at natutunan. Dahil sa buhay, hindi parating masaya. Kailangan mo ding dumaan sa hirap para matuto ka. May balak ang Panginoon sa ating lahat kaya kung hindi natin makuha ang gusto natin, huwag tayong susuko at maghintay lang.
Driue is just part of my past at mananatili lang siyang parte. He's just like a tutor that will help me to learn pero hindi siya pang habang buhay. Siya ang isa sa nagturo para matuto ako. Isa siya sa mga aral na babaunin ko.
________________________________________
YOU ARE READING
Unraveled Ties and Love's Demise
Storie d'amoreBrace yourself for a journey through the labyrinth of emotions, where heartbreak is not just a word, but a melancholy tune that echoes in the silence of the night.