4

219 34 9
                                    

"Accept"

(This part is unedited so sorry for typos.)

Nakaupo ako ngayon sa kiosk ng school namin. Inaantay ko ang boyfriend kong si Andrus. Alas sais na at hindi pa din niya ako nasusundo. Sinubukan kong tawagan siya pero nakapantay ang phone niya.

"Larra, sabay ka na sakin. " anyaya saakin ng kaklase kong si Mirra.

"Salamat, Mirra, pero inaantay ko pa si Andrus eh. Baka dito na din yun maya maya. " ngumiti ako sa kaniya.

"Sige. " nagpatuloy siya sa paglalakad at dumiretso na sa kotse nila.

Lumipas nga ang gabing yun ng hindi niya ako nasundo. Nagtampo ako sa kaniya ng gabing yun kaya hindi ko pinansin ang mga tawag at text niya.

45 unread messages
52 missed calls

Andrus:

Baby, sorry. Nasira yung kotse ko.

Baby...

Please, sorry..

Larra, sorry talaga.

Baby, puntahan kita diyan ngayon.

Ako: Subukan mo. Maghihiwalay tayo.

Nagsorry siya saakin non pero hindi ko na siya nireplyan pa at tinulugan ko nalang.

Tiyaga mo huh?

Kinabukasan nga ay sinuyo niya ako pero inabot ng isang linggo ng pansinin ko siya.

"Grabe ka naman Larra, pag ikaw iniwan niyan dahil sa pride mo, naku! " intriga ng isa kong kaklase pero wala akong pakialam sa sinasabi nila.

Mahal ako ni Andrus at hindi niya ako iiwan.

"Baby, birthday ko na bukas, excited na ako." hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ako din. " niyakap niya ako ng mahigpit.

Dalawang taon na. Dalawang taon na kami. Graduating na kami sa college ngayon. Sanay na din siya sa pagtatampo kong umaabot ng isang linggo o higit pa. Alam kong hindi niyo ako maiintindihan pero ganyan talaga ako kung magtampo. Mataas ang pride ko, inaamin ko yon.

"Darating pa ba yung nobyo mo, hija?" tanong ni Mama. Alas otso na ng gabi at tapos na din ang program. Nakapagbihis na ako ng damit at inaantay siya sa gate kahit wala siya text.

"Opo naman, Mama. " ngumiti ako kay Mama kahit nababasag na ako.

Apat na oras akong naghintay, pero kahit anino niya, wala akong nakita.

"Hija, si Andrus nasa labas, inaatay ka. " nagising ako dahil sa paggising saakin ni Mama.

Nag ayos ako bago siya hinarap.

"Oh, buti dumating ka pa? " sarkastiko ang tono ko.

"Larra, sorry, si Mom-"

"Anong dahilan na naman? Ha? " singhal ko at hindi pinakinggan ang eksplinasyon niya.

"Larra, pakinggan mo ako, si Mom-"

"Paulit ulit na! Paulit-ulit! Mag aantay ako, magtatampo, susuyuin mo! " tumulo ang luha ko. "Andrus, ilang beses mo pa ba akong oag aantayin?"

"Larra, pakinggan mo ako-"

"Ano pa bang papakinggan ko, Andrus? Cool off muna tayo. " sabi ko at tatalikuran sana siya pero nagsalita siya.

"Cool off? Maghiwalay na tayo. " pumihit ako paharap sa kaniya at nakita ko ang pamumula ng mata niya.

Hindi ko inaasahan na lalabas ang mga salitang yan sa bibig niya.

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now