11

111 29 10
                                    

"Multo"

(This part is unedited so sorry for typos.)

Alas dies ng gabi na nang buksan ko ang messenger ko. Halos himatayin ako ng makitang nagwave saakin ang long time crush kong si Eris. Hindi ako magkanda ugaga sa kakatype kaya kinalma ko muna ang sarili ko.

Ako: Hi Eris :)

Nireplyan ko siya kahit wave lang naman ang sinend niya saakin.

Nakita kong typing na siya kaya kinabahan pa lalo ako.

Eris: Not yet sleeping?

Ako: Matutulog na sana.

Eris: Oh sorry, naistorbo ata kita.

Dali dali akong nagtype dahil baka tumigil na ito kapag nalaman na naistorbo niya ako.

Ako: Ah hindi. Matagal akong matulog.

Hindi ko alam kung tama ba ang pinagrereply ko.

Eris: Really? Kung ganon pwede pa pala tayo mag-usap?

Of course, Eris!

Ako: Pwede.

Eris: You know what Kath, gandang ganda talaga ako sayo.

Weeeee, di ngaaaaaa. Relax, Kath.

Ako: Nambobola ka naman.

Wow, lakas makaharot ah.

Eris: No, totoo. I've always wanted to talk to you everytime na nakikita kita sa school.

Boog. Boog. Boog.

Naging chatmates nga kami at minsan nagkikita din kami sa cafeteria at sumasabay siya saakin. Tatlong araw nalang at mag iisang buwan na kaming MU ni Eris kaya napagdesisyonan kong ichat siya.

Ako: Babe.

Online naman siya kaya inantay ko nalang na magreply siya.

Nagising nalang ako dahil sa alarm clock na nasa tabi ko. Alas sais na ng umaga kaya nagmadali akong buksan ang cellphone ko dahil baka natulugan ko si Eris.

Pero bumagsak ang balikat ko ng wala siyang reply at hindi niya man lang ako sineen.

Tumagal pa ang walang paramdam niya hanggang sa nag isang buwan kami. Tinadtad ko siya ng messages pero ni tuldok ay wala siya reply.

Hanggang ngayong sampung taon na ang nakakalipas. Inaantay ko pa din ang lalaking nang ghost saakin noon.

S.

________________________________________

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now