"Salamat"
(This part is unedited so sorry for typos.)
"Ang gwapo talaga ni Dace. " I whispered while looking at our school's soccer field. Naglalaro kase don ang crush kong si Dace. Pareho kaming fourth year highschool ni Dace at same section din kami. First year highschool palang kami ay crush ko na siya.
Ilang oras ko siyang pinanuod doon hanggang sa nagtungo na ako sa classroom namin para sa unang subject namin. Pawis na pawis naman si Dace ng pumasok siya pero sobrang gwapo pa din niya.
"Uy, Pare, kayo na daw ni Sinia? " narinig ko sa mga kaibigan niya isang hapon habang nagbabasa ako ng libro. Sinia is his crush. Sabi nila.
I always put earphones kahit wala namang tugtog kase ayokong nakikipag usap sa kanila.
"Camilla..." tawag saakin ng isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha dahil nakasalampak ang mukha ko sa desk ko. Wala naman akong pakialam sa mukha ko kaya tiningnan ko ang tumawag saakin.
Halos himatayin ako ng makitang si Dace yun. Dali dali kong hinilamos ang kamay ko at lumayo ng bahagya sa kaniya.
"H.. huh? " I stuttered.
"Pahiram ako ng ballpen kung may extra ka pa. " nakangiti niyang sabi.
His smile always melts me at wala na akong nagawa ng mismong kamay ko na ang kumuha ng ballpen sa bag.
"Salamat! " sabi niya at tinalikuran ako.
Ngayon lang nag sink in saakin na isa nga lang pala ang ballpen ko. Nasampal ko ang sarili ko. Kaya nung araw na yun nanghiram lang ako ng ballpen sa katabi ko.
"I love you, Love. "
Hindi ko akalain na darating kami sa puntong ganito. Niligawan niya ako at naging kami nga. Ngayong nasa dalawang taon na kami ng koloheyo ay nanatiling naging matatag ang relasyon namin. Civil Engineering ang kinuha ko habang siya naman ay Medicine.
"I love you, too. " bulong ko sa kaniya habang nasa library kami.
Mahal na mahal niya ako. Kahit dis oras na ng gabi ay pupuntahan niya pa din ako sa bahay kapag sinabi ko sa kaniya na may gusto ako. Hinahatid niya din ako lagi at sinusundo at paulit ulit na ipinapaalala kung gaano niya ako kamahal.
Madalang na kami magkita dahil nagiging busy na din kami pareho.
Hindi ko akalain na magiging boyfriend ko siya dahil sino ba naman ako? Utak lang maipagmamalaki ko. Oo may itsura naman ako pero hindi ako maganda gaya ng mga inirereto sa kaniya.
"Bakit ako? " tanong ko sa kaniya noong niligawan niya ako.
"Ewan ko. Tinamaan lang ako bigla. " sagot niya naman saakin.
Isang araw habang naglalakad ako sa pathway ng University na pinapasukan namin ay nakasalubong ko ang mama niya.
"Good morning po. " binati ko siya at nginitian pero hindi siya ngumiti pabalik.
"Didiretsahin na kita. Layuan mo si Dace. Hindi bagay ang hampas lupang kagaya mo sa anak ko. " sabi niya saka ako tinalikuran.
Hindi ko pa mairehistro lahat ng yon sa utak ko noong una pero ng lumipas ang araw ay doon ako nakapag isip isip.
Tama ang Mama niya. Hihilahin ko lang siya pababa.
"Ayoko na. " sabi ko ng nasa isang coffee shop kami. Inaya ko siya at sinabi ko sa kaniyang gusto ko siyang makausap.
"What, Camilla? " seryoso niyang tanong saakin.
"Tapos na tayo. " sabi ko at tumayo.
"Anong tapos? Hindi lang ikaw ang magdedesisyon sa relasyong to! " sa sobrang lakas ng sigaw niya ay napatingin saamin lahat.
"Baka nga infatuation lang to. " pinigilan ko ang sarili kong sabihin sa kaniya ang dahilan dahil alam kong hinding hindi niya tatanggapin ang ganong dahilan.
"Infatuation ng ilang taon? " sarkastikong tanong niya saakin. "Sige nga, bigyan mo ako ng desenteng dahilan para pakawalan kita? " namumula na ang gilid ng mata niya.
"Ano pang magagawa ng dahilan na yan kung gusto ko ng maging malaya? " naestatwa siya sa kinauupuan niya.
Nagulat ako ng tumayo siya at nagsalita.
"Then, have it your way. " at saka lumabas ng coffee shop.
Tapos na kami. Diba dapat maging masaya na ako? Pero bakit ang sakit? Sobrang sakit? Makakapag aral na siya ng maayos dahil wala ng hahadlang sa kaniya. Makakahanap na siya ng mayaman na magiging girlfriend dahil hindi ako nararapat sa kaniya.
"Salamat talaga sa naging desisyon mo noon." ngumiti si Dace saakin ngayon. Inaya niya akong kumain sa isang Mexican Restaurant. Naging Engineer nga ako at siya naman ay balita kong Doktor na. "Sobrang saya ko na ngayon kasama ang asawa ko at dalawang anak. "
Ang marinig 'yon mula sa kaniya ay nagtarak ng tinik sa aking dibdib. Sobrang sakit pero kailangan kong tanggapin na baka ganito talaga ang buhay. Minsan kailangan mong magparaya para sa minamahal mo.
-S.
________________________________________
YOU ARE READING
Unraveled Ties and Love's Demise
RomanceBrace yourself for a journey through the labyrinth of emotions, where heartbreak is not just a word, but a melancholy tune that echoes in the silence of the night.