10

121 29 4
                                    

"Not Me"

(This part is unedited so sorry for typos. )

Five years, ganon katagal na kaming magkarelasyon ni Lorenz. Highschool sweethearts kami at ngayong second year college ay kami pa din. Magkaiba ang university na pinapasukan namin ngayon pero never naman kaming nawalan ng time sa isa't isa.

"Babe, tagal na pala natin?" nakangiti kong tanong sa kaniya pero nakatingin lang siya sa malayo.

"Babe. " hinarangan ko ng palad ang tinitingnan niya kaya napatingin siya saakin.

"Ano yun? " nakangiti niyang ani saakin.

Ilang linggo ko na ding napapansin ang pagkakaganito niya. Parang may mali.

Hindi ko pinansin yon kahit alam kong may nagbago. Sa halos limang taon naming pagsasama, ngayon ko lang to naramdaman sa kaniya. But I can't just stand here watching him smiling at his phone. Paano siya nakakangiti sa phone niya habang nagtatype kung hindi naman siya nagrereply saakin.

Gusto ko magpatulong sa mga kaibigan ko pero hindi ko alam kong paano. Baka sabihin lang nilang napapraning lang ako.

Hanggang sa dumating ang sixth anniversary namin. Walang pa ring pagbabago saamin. Nandon pa din ang panlalamig niya pero pinalampas ko yun dahil mahal na mahal ko siya. Kaya kong magtimpi at magtago ng nararamdaman.

Napagdesisyonan kong magpatulong sa ate ko kaya pinuntahan ko siya sa apartment niya.

"HAPPY ANNIVERSARY! "

Sumabog ang confetti sa harap ko at nasilayan ko ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Bakas ang gulat sa mukha niya ngunit ako ay nakangiti na.

Pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng mabasa ang pangalan na gawa sa lobo.

"Ariessa"

Tumulo ang luha ko because that name is not mine. I am not Ariessa. And Ariessa is my sister.

S.

_________________________________________

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now