24

93 23 1
                                    

Dream

"Happy Anniversary!" lumapit si Aerolle saakin at hinalikan ang noo ko.

Dalawang taon na kami. Pareho kaming fourth year na sa isang law school.

Napangiti ako ng maalala na malapit na pala kaming matapos. Sobrang excited na ako para saaming dalawa.

"Happy Anniversary, love." ngumiti ako sa kaniya.

Sa isang sikat na paaralan kami parehong nag aaral. Nakaplano na ang lahat saamin. Nakaplano na kung saan kami sabay na magrereview. Kung saan magpapakasal. Kung saan magtatrabaho. Kung saan magpapatayo ng bahay. Kung saan magsasama.

Pero hindi ko inaasahan na darating ang araw na wawasak sa lahat ng plano namin.

"Ba't ka bumagsak?! Malapit na tayo! Malapit na Aerolle!" humagulgol ako ng ibalita niya ang balitang sisira sa lahat.

"Quinna..." niyakap niya ako. "Walang wala na kami."

Hindi kami mayaman. Hindi din sila. Sapat lang ang pera namin pareho ngayon para sa isang sem. Parehong umamaasa na ang pamilya namin saamin. May mga kapatid pa kami pareho na nag aaral din sa kolehiyo kaya mahirap saamin to.

"Nakiusap ka na ba kay Sir Francisco?" desperada kong tanong. Umupo ako sa isang silya at pinilit kalmahin ang sarili ko.

"Oo pero ayaw niya na akong pagbigyan." naupo din siya.

"Paano ka pa kasi niya pagbibigyan, e pangatlong bagsak mo na pala to sa subject niya!" hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Malapit na kami. "Ba't di mo kasi sinabi agad saakin na bumagsak ka na pala noon sa subject niya?"

Napatingin siya saakin. " Kaya ko naman yon ayusin. Hindi niya lang talaga ako pinagbigyan ngayon."

"Alam mong hindi ka gagraduate ngayon dahil bagsak ka." nanghihinayang kong turan.

"Hindi ko na alam, Quinna." halos mapugto siya. Alam kong nahihirapan na siya at ganon din ako. Nasasaktan akong nakikita siyang ganito.

Lumipas ang isang linggo at nagdesisyon akong kausapin si Sir Francisco. Kahit ano handa kong gawin. Kahit ano.

"Pwede ko naman tong gawan ng paraan." ang paraan ng pagtingin niya saakin ay hindi ko nagugustuhan. Masyadong malagkit. "Kung papayag kang..."

Halos buhusan ko ang sarili ko ng chlorine pagkarating ko sa bahay. Walang tigil ang luha kong bumabagsak. Ang dumi dumi ko.

Pagkatapos ng graduation namin ay malungkot kong tinanaw si Aerolle na nakangiti habang palapit saakin.

"Salamat." sabi niya at niyakap ako.

Gustong gusto ko na siyang itulak pero kahit ngayon na lang, pinagbigyan ko ang sarili ko.

"Bye, love." sumakay ako ng taxi galing sa bahay nila.

Pagkarating ko sa bahay ay gabing gabi na. Tulog na sina Mama ng puntahan ko ang kwarto nila at sulyapan kahit sa huling pagkakataon.

Kinuha ko ang telepono ko at nagtype ng mensahe para kay Aerolle.

Isinalaysay ko ang lahat ng kababuyan na ginawa saakin ni Sir Francisco.

'Aalis na ako. Tuparin mo ang mga pangarap natin, kahit wala na ako.'

-S.

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now