Left
(This part is unedited so sorry for typos. )
I am a playboy, and yes I admit it. I smoke and get drunk. I play girls. All I want to do is to play around. Love? I don't believe in that thing. Aksaya lang yan sa oras. My dad owns this land, this school.
Halos araw araw din ang balita tungkol sa pagpapalit palit niya ng babae, so saan ako magmamana?. And my mom? she left me. Sumama sa ibang lalaki. Kaya syempre ganon din ako. Ang pagmamahal na yan ang sisira sa lahat. Ang sumira saakin.
"Hi lady. " sumipol ako ng dumaan ang isang babaeng naka.... PANTALON? seriously? Bar? PANTALON? and what's with her. Nakahood? I wanna laugh so hard but her charm is different.
The shape of her lips, her nose and her deep eyes. Tumingin siya saakin at sa unang pagkakataon doon tumibok ang puso ko. No way. Never. Nakakunot ang noo niya.
"Pervert. " she said, then walk away.
Napahawak ako sa aking dibdib. No way. Hindi to totoo. Damang dama ko ang kalabog.
Kaya ng makita ko siya sa paaralan na naglalakad mag isa at nakahood ay nilapitan ko siya. Naka headset pa siya. Nag angat siya ng tingin saakin at nilampasan ako.
Sungit talaga.
Nagtanong ako sa barkada ko kung kilala nila ang babaeng yun.
"Si Celine Ferrer? Yung laging mag-isa? Ganda non brad, kaso hirap pormahan, ang sungit. "
Isa yan sa mga sinasagot saakin ng mga kabarkada ko pero hindi naging hadlang yun para lapitan ko siya.
Palagi siyang nasa library. Nakaheadset lang siya at wala namang hawak o binabasang libro kaya paglagi akong lumalapit sa kanya.
Palagi ko siyang kinakausap kahit hindi niya ako kinakausap. Kapag umaalis na siya, doon na din ako aalis. Sa cafeteria, palagi kaming pinagtitinginan. Wala naman siya pakialam doon, saakin nga walang pakialam, sa ibang tao pa kaya.
"Naniniwala ka ba sa love? " nagulat ako ng bigla siyang magsalita sa tabi ko habang kinukwentuhan ko siya sa library. Alam na niya lahat saakin maliban lamang ang tungkol sa mga magulang ko.
"Celine? Ikaw ba to? " hinawakan ko ang dalawang braso niya at niyugyog. "Asan si Celine? "
Nakita ko ang pagtawa niya na nagpalutang saakin, sa buong buhay ko ay ito lang ang nagpangiti ng totoo saakin.
"Celine?" hinawakan ko pa ang noo niya at baka may lagnat siya.
"Ano ba, wala. Sagutin mo yung tanong ko " ngumisi siya saakin.
"Love? Hindi totoo ang salitang yan. " umiling pa ako sa kaniya. "Sa libro lang yan nababasa. " humalakhak pa ako at ng tumitig sa kaniya ay nakita kong nakatingin din siya saakin.
Madalas na kaming mag usap simula ng araw na iyon. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa buhay niya. Ang daya nga na alam niya na lahat saakin pero siya, hindi ko kilala.
"Celine, ikaw? Naniniwala ka sa love? " tinanong ko siya. Ilang buwan na din mula ng una naming pagkikita at alam ko kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Siyempre. " ngumiti pa siya. At ang ngiting yan ang nagpapawala ng lahat saakin. "Love is everything. Kapag nagmahal ka, mararamdaman mo ang lahat. In love, there is no fear. Hindi mo na kailangang matakot pa dahil wala ng dahilan para doon. "
"Alam mo bang yan ang sumira saakin? " I ask her as I look at the sky. She remained silent. "Dahil sa pagmamahal na yan, nasira ang lahat. " ikwenento ko ang nangyari sa pamilya ko.
YOU ARE READING
Unraveled Ties and Love's Demise
RomansaBrace yourself for a journey through the labyrinth of emotions, where heartbreak is not just a word, but a melancholy tune that echoes in the silence of the night.