Afraid
"Alyanna, halika na dito. Nandito na si Mr. and Mrs. Cassa." tawag saakin ni Sister Tessa nang makitang nagtatago ako sa likod ng mga bulaklak sa loob ng orphanage na tinitirhan ko.
Umiling ako kay sister.
"Wag kang matakot, Alyanna. Aalagaan ka nila." ngumiti saakin si sister.
Dahan-dahan naman akong umalis sa pinagtataguan ko at lumapit kay sister. Nagtago ako sa likod niya at sumilip sa dalawang taong kukuha saakin. Na magtatayong magulang ko.
"Mom. Alis na po ako." paalam ko kay Mommy.
Nasa kusina siya ngayon at nagluluto habang si Daddy naman ay nasa office niya. Mamaya pa ang duty ni Mommy sa ospital kaya nandito pa siya.
Kasalukuyan na akong nasa ika-apat kong taon sa kolehiyo. Graduation nalang ang inaantay ko kaya ngayon pa lang may mga plano na ako.
"Will Jericho visit here again, honey?" tanong ni Mommy habang isinasalin sa bowl ang fried rice habang ako naman ay inaayos ang aking mga ipapasang designs.
"Yes, Mommy. Baka next week. Busy yon sa firm nila pero ngayon, I'll visit him." humalik ako sa pisngi niya at sumakay na sa kotse ko.
Jericho is my boyfriend now. He's a lawyer. Four years na din kami. We're dating happily.
Matapos kong mapasa ang mga designs ko ay napagdesisyonan kong puntahan siya sa firm nila. Dumaan muna ako sa isang coffee shop para magtake out ng makakain namin sa office niya.
"Thank you." I politely said after receiving my order.
Habang nagdadrive ako ay nangingiti ako habang naiisip ang itsura niya kapag nakita niya ako doon. Minsan lang kasi ako bumisita sa kaniya. Kapag may libreng oras lang dahil busy din ako.
"Hihiwalayan ko na siya." nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Jericho sa loob ng opisina niya. "Ayoko na."
Nabitawan ko ang dala kong pagkain na nag-iwan ng ingay sa pasilyo. Bago pa makalabas si Jericho ay dali dali na akong tumakbo papuntang elevator at pinidot ang button para sumara ito. Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ulit ito.
Nang makapasok ako sa kotse ay agad ko itong pinaandar. Mabilis ang takbo dahil sa pagmamadali ko. Tumigil muna ako saglit ng makalayo sa building nila. Tiningnan ko kung nasa loob ba ng bag ko ang mga IDs at cards ko. Nang makitang kompleto iyon ay binuksan ko naman ang cellphone kong naka off kanina. Agad na tumunog iyon ng bumukas dahil sa tawag ni Jericho pero kinancel ko iyon.
Nagtipa ako ng message kay Mommy na kina tita muna ako sa probinsiya. Nagtipa naman ako ng message kay Jericho.
"Let's split."
Bago mo ako iwanan ako muna.
The sun shines very bright today. Napakasarap langhapin ng sariwang hangin. It's been five years at bukas babalik na ako. Babalik na ako sa lugar na paulit-ulit akong sinasaktan.
I worked here in the province of my adoptive parents. Dito ako nagtrabaho bilang isang designer. Not bad. Di man tulad sa Maynila na maraming opportunities, at least tahimik ang buhay ko dito. Kung hindi lang ikakasal ang bestfriend ko saa Maynila ay hindi na talaga ako babalik doon. Nandito na din sina Mommy at Daddy. May bahay na kami dito at nabubuhay ng tahimik kaya wala na akong mahihiling pa.
My eyes adjusted as they saw the large buildings in front. Ibang iba sa probinsiya na pawang mga puno ang makikita.
I only have one week here. Iyon lang din ang gusto ko. I decided to go to a mall to shop some clothes and other stuffs.
I can feel that my whole body was paralyzed when I saw the familiar face that I used to love. He has a little girl in his arms and a lady in his side, holding his hand.I smiled bitterly as our eyes met. I need to hold back my tears.
Lumapit siya saakin kasama ang asawa at anak niya. May ibinulong siya sa asawa niya at tumango naman ito bago kinuha ko ang anak sa bisig ni Jericho.
"Can we talk?" he asked. Nilipat ko ang tingin sa asawa niya na nakangiti saakin.
Sa isang restaurant kami nagtungo. Ang kaniyang asawa at anak naman ay naglibot libot daw muna dito sa mall. Pinilit niya ang asawa niya kanina na sumama pero tumanggi ito.
"I'm sorry for what you heard that day." he started. " That day was supposed to be my proposal to you."
I can't find a word. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. This can't be.
"Alam kong darating ka sa araw na yon. Sinabi saakin ni Tita pero hindi ko akalain na aalis ka. Akala ko susugurin mo ako at pagpasok mo nakahanda na ang lahat pero hindi nangyari."
"I...uhh.." I can't even utter a single word.
"Why did you leave me, Alyanna?" kahit nakangiti siya ay bakas ang lungkot sa mga mata niya.
"You know how afraid I am to be left behind." finally. "Halos buong buhay ko palagi akong iniiwan. From my own flesh, my friends, and even you." nahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I will always left first before people leave me."
-S.
YOU ARE READING
Unraveled Ties and Love's Demise
RomanceBrace yourself for a journey through the labyrinth of emotions, where heartbreak is not just a word, but a melancholy tune that echoes in the silence of the night.