17

101 28 1
                                    

Numb

(This part is unedited so sorry for typos.)

I have a long time girlfriend, si Hanna, aaminin ko palaging sinasabi ng family ko kung anong nagustuhan ko sa kaniya. Hindi naman daw kagandahan at hindi mayaman, but for me, the moment I saw her, siya ang pinakamaganda. Six years na kami at hindi kami nagsawa sa isa't isa. Yes, there are trials, pero nalalampasan din namin. She's so understanding, hindi din selosa at hinahayaan ako sa lahat ng gusto ko.

Doon ko hinanap yung posisyon niya sa buhay ko. She's my girlfriend, but why is she like this? Hindi ba dapat pinagbabawalan niya akong makisama sa barkada kapag may mga kasamang babae? Dapat hindi siya pumapayag na mag bar ako. Na kapag naglalaro ako at nawawalan ako ng oras sa kaniya ay nagagalit dapat siya, but no, never niya akong sinigawan or inaway. Puro lang siya 'okay lang ako'.

And that feeling of mine, leads to a mistake. Nakasalubong ko siya sa mall mag isa, habang may kasama akong iba. I am with Monika, pinakilala ng barkada ko. Nakaakbay ako kay Monika. This is the first time I did this thing, kase kay Hanna lang umiikot ang mundo ko.

The moment I found her eyes broke me. Yumuko siya, but she never shout at me. Ni hindi niya sinugod si Monika o ako. Tahimik niya kaming nilampasan. I badly want to apologize pero hindi na ako nakagalaw ng makita siya nagpunas ng luha. She's hurt but she's still quiet.

Nagkita kami at napatawad niya din ako agad. Akala ko matutuwa ako dahil pinatawad niya ako, but no, she smiles but her eyes expresses what she really feels. I don't know why I badly want her to be hurt. Gusto kong magalit siya saakin at gusto kong sigawan niya ako. Baby, why can't you be angry to me? Akala ko masaya na ganto. Na napakaluwag ng girlfriend mo, pero hindi. Kaya iniwasan ko siya. I never texted her, kahit araw araw niya akong nitetext. Araw araw niya akong pinupuntahan sa school namin na malayo sa school niya, iniiwan ko siya doon, kase nawalan ako ng gana sa kaniya. Sa madaling salita, nagsawa ako.

Hanggang sa dumating ang kaarawan ko. I didn't invite her kaya nagulat ako ng pumunta siya. Ilang beses ko siyang pinilit noon na sumama saakin para ipakilala sa mga magulang ko but she always refuse me. She was walking towards me when suddenly, Erica, my ex, blocked my sight.

"Happy Birthday, Zach. " she smiled and kissed me on my lips.

Tinulak ko siya, and there I saw Hanna, smiling at me with tears in her eyes. Lumapit siya saakin, salungat sa akala kong tatalikuran niya ako.

"H.. happy birthday, baby." the last word was almost a whisper because she's crying in front of me. Ang sakit pala.

After her greeting, she run away. I looked for her after that, pero hindi ko siya nahagilap. Ni hindi ako bumalik ka sa bahay para ituloy ang party. And when I saw her sipping a coffee in our favorite coffee shop, hindi ako nag dalawang isip na puntahan siya.

She was still in her dress and I'm still in my suit. Nag angat siya ng tingin saakin at ngumiti.

"Upo ka. " at tinuro niya ang kaharap na upuan kaya umupo ako doon. "Tapos na ba ang party? " she asked but I just stare at her.

"Maghiwalay na tayo. " kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ko. Nabitawan niya pa ang tinidor na ginamit niya sa pagsubo ng cake kanina.

Nag iwas siya ng tingin at ngumiti. Please cry baby. Umiyak ka at magmakaawa. Magalit ka saakin, saktan mo ako!

"B.. bakit? " she smiled at me. She's trembling.

"Yan. Hindi ka ba nasasaktan, Hanna? Bakit hindi ka magalit saakin? Bakit hindi mo nalang ako hiwalayan? Bakit? Ha? Bakit! " I tried to control myself but I can't. Kami nalang ang tao dito dahil nagsialisan na ang iba.

"Akala mo ba hindi?" doon bumuhos ang luha niya. Doon ko nakita lahat ng sakit na binibitbit niya. Doon ko napagtanto lahat ng kamalian ko. "Do you think I'm numb to not feel it? " patuloy ang pagtulo ng luha niya.

"Yes! Hindi ba ilang beses na kitang sinaktan? Ni hindi ka nagselos, ni hindi ka nagalit saakin!"

"I WAS VERY VERY HURT! " sumigaw na siya. "Akala mo ba kapag hinahayaan kitang makisama sa mga kaibigan mo, nakakatulog ako? May mga babae pa? Hindi ako natutulog. Palagi kong iniisip kung anong ginagawa mo don. Kinukumbinsi ang sarili na mahal mo ako at hindi mo ako lolokohin, pero nong nakita kita sa mall, don ko tinanong ang sarili ko, 'Hanna, anong kulang sayo? ' I asked myself many times. Baka nga ako ang mali. Kaya nga pinatawad kita diba? I was just quiet. Kahit ang sakit sakit na, kase Zach, ang hirap kalabanin ang sarili. "

Nanahimik lang ako dahil gusto kong pakinggan ang lahat ng sasabihin niya.

"Ayokong magsawa ka, kahit nagawa mo na. " she cried.

"Ayokong iwan mo ako dahil mahigpit ako."

"At ayokong magpatuloy pa tayo, kung iba na ang mahal mo. "

I thought she's numb, but no, sinalo niya pala lahat ng sakit.

S.

________________________________________

A: All the next stories are still unedited so sorry for typos.

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now