19

90 28 1
                                    

She Left

Hindi ko matanggap ang nangyari saamin, ang nagyari sa kaniya. Bakit? Paano? Bakit hindi ko napansin?

Second year highschool ng magkakilala kami ni Sheanne. Magaling siya sa klase kahit tahimik at palagi siyang mag isa minsan. Inaamin kong playboy ako noong nakilala ko siya. Chiks all the way. I don't want a commitment. I just want to get what I want and leave. Umiyak ka,lumuhod,bahala ka. That's me.

Member ako ng varsity noon kaya ganon nalang ako kalakas mambabae. I jump in one girl to another. Hanggang sa nakilala ko si Jessy, badminton player. Maganda siya, maputi, makinis, matalino, at mahinhin. Lahat na sa kaniya na. Kumbaga, perpekto siya. Pero may kulang pa din. Hindi ko makita sa kaniya ang hinahanap ko na hanggang ngayon hindi ko alam kung ano. Naghiwalay kami.

It was our championship game when I saw Sheanne. Nakaupo siya. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa court. Mukha siya nabobored sa panunuod habang nagsisigawan na ang mga tao sa hall.

Binalik ko ang mga mata sa orasan. Dalawa ang lamang ng kalaban at may limang segundo pa kami. Nang ipinasa saakin ang bola ay tinira ko ang bola. Inilibot ko ang paningin at nakita si Sheanne na nag aantay din. Pumikit ako at dumilat dahil sa sigawan ng mga tao. Nashoot ko!

Nagsilapitan ang mga teammates at mga babae saakin pero bago pa nila ako madumog ay tumakbo ako papunta sa pwesto nina Sheanne at kaibigan niya.

"Hi! " natigil ang lahat ng tao na nagsisialisan. Nag aabang saamin ni Sheanne. Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Nilibot niya naman ang paningin niya sa paligid.

"Tara. " sobra akong napahiya ng lampasan niya lang ako. This is my first rejection.

"Okay lang yan, Jheo. Brad, madami pang magaganda diyan at wag mo sabihin na seseryosohin mo yun? Sungit non brad! " nagtawanan sila kaya binangga ko na lamang sila ng dumaan ako sa gitna nila.

Ginawa ko ang lahat para mapansin ni Sheanne. Inaabangan ko siya sa pag uwi. Nang mabalitaan kong nag away sila ng kaibigan niya dahil saakin ay nilapitan ko siya pero iniwasan niya ako. Masakit, na nilalayuan niya ako. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siya. Hindi ako tumigil sa pagsuyo sa kaniya. Hanggang sa mapansin niya ako.

"Jheo, kung lumalapit ka saakin para gawin akong isa sa mga koleksyon mo na mga babae, wag ako. I don't have a time for your trips. " nasa cafeteria kami ngayon. Umupo ako sa harap niya.

"Look, Sheanne. Seryoso ako. " sabi ko at tiningnan ko siya sa mata pero umiwas siya. I knew it!

"Stop this nonsense. " tumayo siya pero sumunod ako. No baby, wag mo akong takasan.

"Manliligaw ako! " sigaw ko at sinigurado kong rinig yun ng lahat na nasa canteen. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila palabas.

"Papayag ako, pero walang makakaalam. " ramdam ko ang takot niya dahil sa panginginig ng kamay niya.

That day was a special day. Sobrang saya ko lalo na ng lumipas ang isang taon kong panliligaw ay sinagot niya ako. It was my birthday. Sobrang saya ko.

"Love, I love you. " hinawakan ko ang kamay niya. Nasa isang coffee shop kami ngayon. May hawak siyang libro. Binaba ko yun para makita ang mukha niya at nagulat ako ng makita siyang nangingiti. Ngiti niya ang pinakagusto kong makita sa lahat. Minsan lang siya ngumiti. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato.

"Jheo! " sigaw niya at tumabi sa upuan ko para kunin ang cellphone ko. Inakbayan ko siya at pinicturan ko kaming dalawa. "Picturan mo ako, Love, make it your lockscreen. " utos ko sa kaniya.

Kinuha niya naman ang cellphone niya at pinicturan ako. "Ang gwapo mo talaga, Love. " tinitigan niya ako at hinaplos niya ang mukha ko.

She's an angel for me. Lahat ng masasamang gawain ko dati nabago. Hindi siya ang karaniwang girlfriend na alam ko. She's different. Ibang iba. Hindi ko mapaliwanag kung anong klaseng girlfriend siya.

Unraveled Ties and Love's DemiseWhere stories live. Discover now