1

1.5K 12 6
                                    

~library~

Patakbong nagtungo si Mina sa library. Kaunting minuto nalang kasi ay siya na ang magtetake over. Isa itong scholar and student-librarian ng TWICE University. Mabuti na lamang ay wala ang masungit na librarian nang makarating siya.

Agad niyang ibinaba ang bag siya sa upuang tabi niya at saka pumwesto na sa front desk.

Mina: Nasan na kaya sila?

Hinanap niya ang mga kaibigan niya na madalas tumambay sa library,para matulog.

Nang makita niya sina Jihyo ay ngumiti siya. At least alam niyang di siya nag iisa.

May librong pabagsak na ibinaba ang isang babae sa harap niya. Isang educational book.
Napatingin siya sa nakataas na kilay ng babae.

Sana: Bilisan mo, kailangan ko na ang libro na iyan.
Mina: ah sige..sandali lang.
Sana: bilis!

Nag atubili siyang nilista ang title ng libro, date at ang number nito saka ibinagay na sa babae.

Sa likod ng mataray na iyon ay ang isang lalaki. Si Tzu Yu, siya ang sikat na anak ng may ari ng University. Magaling ito sa sports at matalino sa klase kaya naman kilala siya sa buong school.

Ngumiti si Tzu Yu sa kanya at napangiti rin siya. Umalis na silang dalawa, habang siya naman ay nagbasa ng libro dahil may recitation sila bukas.

Nagulat siya nang may tubig na bumulaga sa kanya. Halatang malamig ito dahil sa tumutulong tubig sa labas ng container. Si Tzu Yu!

Mina: Ah! Hello...
Tzu Yu: para nga pala sayo. Parang pagod ka e.

Napangiti si Mina, " napakabait naman nito" aniya sa isip niya.

Mina: ah salamat ha. (Kinuha ang tubig at ininom)
Tzu Yu: bayaran mo nalang sa canteen.

Pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Nagulantang naman si Mina sa sinabi nito at nabuga ang tubig.

Mina: nagkautang pa ako!

Inis na tinapon niya ang bottle sa katabing trash bin. Asar na asar siya kay Tzu Yu.

Jihyo: Oh napano ka?
Mina: Wala, may nambwisit lang sa akin.

Tumawa lang si Jihyo at umalis na kasama si Momo. Nauna na sila sa canteen para kumain, hindi pa naman gutom si Mina kaya nagpaiwan muna siya.

Tatlong oras ang shift niya sa library kaya naman nabasa na niya ang chapters 45-79 sa libro na coverage ng recitation nila.

Chae( isa ring librarian): Nako sorry Mina ha. Late ako ng 10 minutes, may meeting kasi kami.
Mina: nako okay lang yun. Wala naman akong klase. sige mauna na ako.

Pumunta siya sa canteen at para bayaran ang tubig na binigay sa kanya ni Tzuyu.

Tindera: Nako wala po kayong utang rito. Binayaran na po ni Tzu Yu.

Hindi alam ni Mina kung maiinis siya sa sinabi ng ale. Binayaran naman na pala pero bakit sinabi ni Tzuyu na bayaran niya? Hayst!

Inis na dumiretso sa printing shop si Mina para ipaprint ang project niya. Maraming tao sa loob nun pero naghintay niya.

Nang siya na ang magpapaprint ay may biglang sumingit.

Mina: Excuse me, ako ang nauna rito, pumila ka ng maayos.

Hindi lumingon ang matangkad at nakasumbrerong lalaki. Hinarap niya sa kanya ang babae at nagulat siya nang si Tzu Yu iyon.

Tzu Yu: may angal?
Mina: a-ah wala naman...

Hindi niya pwedeng galitin ito dahil ang university ang nagpapaaral sa kanya.

Pagkatapos magpaprint ni Tzu Yu ay dali dali itong lumabas ngunit may naiwan itong isang printed bond paper. Kinuha niya iyon at sinubukang habulin ang babae.

Mina: Tzu Yu! Nako naman...baka kailanganin niya 'to.

Napatingin siya sa hawak niyang bond paper. Napasinghap siya sa nabasa.

"MYOUI MINA! This is a secret. Meet me at TWICE U main library. This is a command, NOW!"

SECRET: My GirlfriendWhere stories live. Discover now