Lumipas na ang isang buwan..palapit na ng palapit ang pasko. Araw ng mga patay ngayon at napagpasyahan ni Mina na dalawin ang kaibigan niyang namatay sa Leukemia. Umupo siya sa damuhan at tinirikan ng kandila ang puntod niya at nilagyan ng bulaklak sa tabi ng lapida nito.
Gusto niyang idisstract nag sarili. Sa buwan na lumipas, hindi nagpakita si Tzu YU, pero patuloy pa rin ang paglalagay nito ng pulang rosas at notes. Hinaplos niya ang lapida ng kaibigan..
Mina: Jane…. kumusta ka na? Masaya ka na ba dyan? Ang daya daya mo..iniwan mo ako..hindi ka man lang nagpaalam sa akin….
Malamig na dahil nagtatago na ang araw. Hindi na siya natatakot sa sementeryo dahil wala ng siyang ibang kinakatakutan kundi ang masaktan. Wala ng mas nakakatakot pa sa mawalan ng mga minamahal.
Mina: May lalaking nagconfess sa akin Jane..pero tinanggihan ko yun…parang hindi ko na kaya pang mawalan na naman ng mamahalin. Ayoko ng makasakit. Ayoko na ulit masaktan. Ayoko ng maramdaman ang saya ng pagiging in love, kung papatayin naman ako nito sa lungkot kapag nawala na yun. Alam mo kung gaano ako nagdusa noon kaya Jinyoung. Pero mas masakit noong sabay kayong nawala ni Russel.
Hinayaan niya lamang na tumulo ang luha niya. Parang pinipiga ang puso niya sa sakit. Kahit pa parang hangin lang ang kausap niya alam niya sa puso niya na niyayakap na sya ngayon ni Jane. Baka nga palihim siyang pinapagalitan dahil umiiyak na naman siya.
Mina: Jane…ang sakit sakit ng puso ko… bakit hanggang ngayon umiiyak pa rin ako? Bakit hanggang ngayon nagdudusa pa rin ako? Bakit sa lahat ng taong pwedeng magkaroon ng OLD, bakit ako pa? Gusto ko lang naman magmahal, gusto kong sumaya pero bakit hinahadlangan ako ng takot na makasakit?
Umihip ang malakas at malamig na hangin. Pinahid naman niya ang kanyang luha. Ilang sandali pa ang itinagal niya sa puntod ni Jane bago siya umuwi. Madilim na ang kapaligiran. Nagpaalam na siya sa kanyang kaibigan at pinuntahan ang bisikletang sakay niya.
Pagkauwi niya sa bahay nila, nakahanda na ang hapunan nila. Ang mama niya ay abala sa pagtitimpla ng juice. Ang kuya naman niya ay nanonood sa TV.
Nayeon: Andyan ka na pala, anak.
Mina: Opo Ma ( nagmano)Tahimik siya sa buong hapunan. Hindi siya umiimik sa kwentuhan ng papa’t kuya niya. After dinner, pumunta siya sa kwarto para ayusin ang gamit niya. Babalik na kasi siya sa dorm bukas. May proyekto pa silang kailangang gawin, umuwi lang talaga niya para dalawin ang kaibigan niya.
Nayeon: Anak, kunin mo nga pala yung mga sinampay ko. Nakalimutan kong kunin e.
Mina: sige po Ma.Agad siyang sumunod. Kinuha nga niya ang mga labahin ng mama niya. Panay kumot at pillow case ang mga iyon. Mahangin pa rin sa labas. Nagulat siya nang may makita siyang anino sa puting kumot.
Tzu Yu: Hindi ako multo…
Mas nagulat siya sa may ari ng boses na iyon. Ang lalaking hindi nagpakita sa kanya ng isang buwan! Tinabing niya ang kumot at naroon nga si Tzu Yu.
Mina: T-tzu Yu…anong ginagawa mo rito?
Tzu Yu: Gusto lang kitang makita…
Mina: Ha?Kinuha ni Tzu Yu ang mga kumot kay Mina at nilapag sa katabing upuan.
Tzu Yu: Mina.. pasensya ka na dahil hindi ako nagpakita sayo… nasa Taiwan kasi ako..hindi ako makauwi dahil kay mommy. Sorry…
Ang akala ni Mina ay talagang sinadya niyang hindi magpakita dahil sa nalaman nito.
Mina: ayos lang..
Tzu Yu: May sasabihin sana ako..
Mina: Ano yun?may ipinakita itong bracelet. The same bracelet he used that night! Bumilis ang pintig ng puso niya, parang alam na niya ang mangyayari.
Tzu Yu: Nang nasa Taiwan ako.. I think about your OLD…it bothers me at first..but I know we can do this. If you could just let me..
Mina: Tzu Yu….
Tzu Yu: please..hayaan mo akong manligaw sayo.. pangako, hindi kita bibiguin.Natahimik siya. The promise he just said, it’s plausible. Maaaring tutuparin niya yun at pwede ring hindi. Pero ang sinisigaw ng puso ni Mina ay iba sa isip niya. Gusto niya itong pagbigyan pero siya ang natatakot. Nag unahan ang kanyang luha. Paano kung masaktan lang ito sa kanya?
Tzu Yu: I’ll take care of my own heart…
Huminga siya ng malalim at inilapit ang braso niya kay Tzu Yu bilang pagtanggap sa offer nitong ligawan siya. Inalis niya ang takot sa puso niya. Gusto niyang subukan. Agad namang napangiti si Tzu Yu at dali daling isinuot ang bracelet na iyon.
Tzu Yu: Salamat!
Sa sobrang kasiyahan ng puso ng lalaki ay nayakap niya si Mina. Ramdam ni mIna ang kasiyahan ng lalaki dahil sa higpit ng yakap niya. Hindi niya ito niyakap pabalik, sa oras na tanggapin niya ang yakap, alam niya sa sarili niya magsisimula na siyang humingi ng assurance rito at ayaw niya itong mangyari….dahil gusto niya na ito.