16

193 5 0
                                    

FILE NAME: HELLO MYOUI MINA :)

Pinindot niya ang file na na iyon at may isang video clip doon. Napangiti siya nang makita niya doon si Tzu Yu.

"Myoui Mina! My little pumpkin. Merry Christmas! Ngayong pinapanood mo ito on Christmas, sana hindi ka naexcite. First, I want you to know how I met you. And how my heart beats just for you.."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, may transitions at ang mga larawan na niya ang nagplay.

Ang picture niya sa library habang kagat ang ballpen at may captions na " This is the day I met you. August 27 this year" at voice record na nang patuloy na nagplay ang litrato niyang iyon.

Tzu Yu: Napatigil ako sa pagflip ng libro nang makita kitang kagat ang ballpen na yun. I was captivated on how charming you were while biting that pen. Hindi ko namalayan na napangiti mo na ako.

Next picture niya ay same day pero iba na ang anggulo, nakangiti siya habang kinakausap ang isang estudyante na nakipagkaibigan sa kanya.

Tzu Yu: Thank you for giving me this smile as a first impression. Hanggang ngayon, naaalala ko pa ang ngiting yan.

Another picture came. Yung nakatulog sya sa desk ng library. Ang litrato niyang iyon ay napakagandang candid picture. Tumatama ang araw sa kanyang mukha pero hindi siya nagigising.

Tzu Yu: Dahil sa maganda mong mukha, hindi ko nakakalimutang mag aral sa library para lang makita ka. Alam ko na rin ang schedule mo.

Marami pang larawan ang naroon pero ang litrato ni Tzu Yu na kasama siya ang nagkaroon ng malaking impact sa kanya.

Tzu Yu: Sobra ang kaba ko nitong araw na yan. Akala ko ay nahuli mo akong kinukuhanan ka ng litrato, you smiled. Isa itong candid photo pero nakangiti ka sa camera. Yun pala, ang nginitian mo ay sina Jihyo at Momo na palapit sayo.

Napangiti siya sa narinig niya. Naroon rin sa video ang litrato niya sa Taiwan. Ilang sandali pa ay siya na naman ang nasa video. May hawak itong rose na may note.

Tzu Yu: Alam mo ba kung bakit rose ang binibigay ko sayo? At kung bakit yung mga note laging parehas ang content? Kasi rose ang paborito kong bulaklak, at ikaw naman, my favorite person. At ang sinasabi kong this is a secret, I mean it. I want you to keep everything as a secret. Nasabi ko na sa inyo na may pinagkalat na sikreto ang dati kong nobya noong nasa Taiwan kami. That information is very confidential for us family. Matagal ulit bago ko naresolba iyon. That cause misunderstandings kaya naman gusto ko lahat isekreto. I'm a secretive person at sana tanggap mo yun. Ayokong may nakakaalam ng mga ginagawa ko at mga interes ko sa buhay. Like you, gusto kong isikreto sa lahat na may mahal akong babae na nagngangalang Myoui Mina. Your name is pretty, kaya naman laging iyon ang laging nasa mensahe't note ko. Pero wala ng mas gaganda pa sa mga ngiti mo. The day I laid on your bewitching gummy smile, sinabi ko sa sarili ko na ayokong mabura sa mukha mo ang ngiting yun. If you are obsess on making yourself an assurance, I am obsess on making you smile and happy. Sana nga ay sagutin mo na ako para magawa ko na ang mga bagay na yun.

Napaluha si Mina sa sinabi ni Tzu Yu. Nagsisisi siya na ngayon niya lang ito napanood, edi sana nakapagpasalamat siya sa lalaki ng personal.

Tzu Yu: Merry Christmas Mina.. I know it's too early, pero gusto kong sabihin na...mahal na mahal kita..

Nag uunahan magkarera ang tibok ng puso niya sa huling salitang sinabi ni Tzu Yu bago mamatay ang video.

Hindi niya mapaliwanag ang saya niya. Gusto niyang tumalon, sumigaw! Ito ang unang beses na naramdaman niya ito. Hindi kasi expressive ang mga naging boyfriend niya, kaya naman ganun na lang ang kasiyahan niya dahil sa binata.

Ang boyfriend niya..

Agad niyang tinawagan si Tzu Yu.

Mina: Tzu Yu...napanood ko na...
Tzu Yu: Ganun ba, nahihiya tuloy ako.
Mina: Salamat...hindi ko alam kung gaano ako napasaya ng regalo mo.
Tzu Yu: You're always welcome Mina.. ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. You saying yes is more than enough for me.
Mina: Salamat talaga...
Tzu yu: Don't mention it. Tandaan mo, hindi kita sasaktan...pangingitiin kita hanggang nabubuhay ako.

She didn't utter a word. She's too overwhelmed.

Mina: I-I love you too..

Pagkasabi niya nun ay pinatay niya ang tawag. Ang pagiging in love ang pinakamasayang pakiramdam sa buong mundo. Kasi kapag in love ka, lagi kang masaya, nakangiti, inspired, and productive ang araw mo.

Pero sabi nga sa kanta, too much love will kill you...

SECRET: My GirlfriendWhere stories live. Discover now