5

214 8 0
                                    

Araw ng Linggo, matapos nilang magsimba ay umuwi na sila. Lahat ay abala sa sala habang nag gugroup study. Isang araw nalang kasi ay Midterm Examination na.

*Ding dong*

Napatayo si Momo sa tunog ng door bell. Hindi naman ito pinansin ng dalawa dahil sa pagbabasa ng nakaraang lesson nila.

Momo: Surprise!

Napatingin ang dalawa kay Momo. Nanlaki ang mata nila nang makita nila si Tzu Yu.

Mina: Anong ginagawa mo rito?
Tzu Yu: Gusto ko kasing magreview. Alam niyo naman na hindi ako makafocus pag mag isa. Okay lang ba?
Mina: Hindi, hindi kami makakaconcentrate kapag may ibang tao rito
Jihyo: Mina ano ka ba. Tzu Yu okay lang, halika na.
Mina: Paano mo nga pala nalaman ang address namin?

Bigla namang kinabahan si Tzu Yu sa tanong niya. Sa totoo lang ay naghire siya ng tao para alamin ang address nila.

Momo: Hindi na yan importante. Tsaka kaibigan naman natin siya.

Iniligtas siya ni Momo. Nakahinga siya ng malalim. Umupo na rin ito sa lapag at ipinatong ang mga reviewer niya sa mesa.

Tahimik ang lahat... abala sa pagrereview. Pasekretong nilagay ni Tzu Yu ang isang pulang rosas sa bag ni Mina. Gaya ng dati, may isa itong note. Hindi naman napansin ng tatlo ang ginawa niya.

Tzu Yu: May pinadeliver nga pala akong pizza at softdrinks para sa meryenda natin.
Momo: Wow! The best ka talaga!
Mina: Di mo naman kailangang gawin yan
Tzu Yu: okay lang yun.

Nang dumating ang pinadeliver niya ay kumain na sila. Sakto ding natapos na ang lahat sa pagrereview.

Jihyo: Momo samahan mo nga ako.
Mina: San na naman kayo pupunta?
Jihyo: nakalimutan kong magpadala ng pera kila mama. Wala ng allowance mga kapatid ko.
Mina: ako nalang isama mo.
Jihyo: wala ka namang gagawin dun
Mina: pati naman si Momo
Momo: May bibilhin ako sa bookstore.

Walang nagawa si Mina nang makaalis ang dalawa. Kinakabahan siya. Tumayo siya.

Tzu Yu: San ka pupunta?
Mina: sa labas muna tayo.
Tzu Yu: bakit naman?
Mina: hindi ako komportable na nasa dorm ka namin at dalawa lang tayo.
Tzu Yu: Are you that affected in my presence?
Mina: wag mo nga akong maingles Ingles dyan. Kung ayaw mong lumabas ako nalang!
Tzu Yu: Teka sasama ako!

Nagtungo si Mina sa isang play ground malapit sa dorm at sinundan siya ni Tzu Yu. Umupo siya sa swing. Uupo na sana si Tzuyu sa tabi niya nang pigilan niya ito.

Mina: One swing apart
Tzu Yu: ano 'to exam?
Mina: ah basta, lumayo ka
Tzu Yu: bakit ba ganyan ka sa akin?
Mina: Naiinis ako sa presensya mo
Tzu Yu: at bakit?
Mina: because we're breathing the same air
Tzu Yu: where should I suppose to breathe then!?

Hindi na niya pinansin ang lalaki. Ilang taon na ang nakakalipas nang matapos ang relasyon niya sa lalaking minahal niya ng husto. Pero dahil sa kanya... iniwan siya nito. Kaya ayaw na niya sanang pumasok sa isang relasyon.

Hindi naman sa gusto niya si Tzu Yu, kundi ngayon nalang kasi ulit may nag approach sa kanyang lalaki. Na kinailangan na makipag kaibigan sa kaibigan niya para lang mapalapit sa kanya. Alam niyang may gusto si Tzu Yu sa kanya, hindi naman siya mangmang para di mapansin iyon.

Tzu Yu: Mina?

Hindi namalayan ni Mina na nakatulala na siya. Bringing back her bittersweet past made her daze.

Mina: Bakit?
TzuYu: Nakabalik na daw yung dalawa.
Mina: Ah ganun, sige tara na.

Tumayo na siya nagsimulang maglakad. Biglang hinawak ni Tzu Yu ang braso niya.

Tzu Yu: Mina sandali lang.
Mina: Bakit? Wag mo nga akong hawakan
Tzu Yu: may sasabihin sana ako
Mina: ano yun?
Tzu Yu: k-kasi....ano...gus--

: Mina.....

Isang boses ng lalaki ang tumawag kay Mina at nagpahinto kay Tzu Yu sa pagsasalita. Kumabog ang puso ni Mina nang makita niya ang lalaki.

SECRET: My GirlfriendWhere stories live. Discover now