Nanlambot ang mga tuhod ni Mina. Napaupo ito sa kalsada at saka umiyak. Nahihiya siya sa mga akusasyong binitawan niya.Huminga ng malalim si Tzu Yu at saka pinantayan ang dalaga.
Tzu Yu: Tahan na ha? Sorry nasigawan kita.
Hindi nagsalita si Mina. Hindi siya makapagsalita sa sobrang hiya. Nahihiya siya sa sarili niya. Dahil dito, sinubukan niyang tumakbo palayo pero nahabol agad ni Tzu Yu.
Tzu Yu: Halika na..ihahatid na kita.
Mina: Kaya ko mag isa..
Tzu Yu: For once lang Mina..let me decide. Iuuwi kitaMay awtoridad ang boses nito at iniuwi nga ang dalaga. Pagkarating nila sa dorm, naroon na din si Jihyo dahil sa pag aalala.
Jihyo: Mina..ayos ka lang?
Mina: J-jihyo..akala ko ba dika matutulog rito?
Jihyo: tinext ako ni Momo. Nagpapanic kasi
Momo: Saan ka ba nanggaling?
Mina: SorryPagkasabi niya nun ay dumiretso siya sa kwarto.
Tzu Yu: Hayaan niyo muna siya. Itext niyo ako kapag may ganito na namang nangyari ha?
Jihyo: Ano bang nangyayari sa kanya?
Tzu Yu: wag nalang nating pag usapan, ang mabuti ay nahanap na natin siya.
Momo: salamat Tzu Yu...wala kasi ako magawa kapag nagpapanic e.
Tzu Yu: ayos lang. Sige mauna na ako. Pakisabi nalang sa kanya na uuwi na ako.
Jihyo: Sige, mag iingat ka..Naririnig ni Mina ang kanilang usapan, at mas lalo siyang napalaluha. Sobrang kahihiyan.
Is this the start of her obsessions?
Kinabukasan, parang walang nangyari, nagpractice pa rin siya dala dala ang hiyang nagawa niya kagabi. Nang break time nila, pinigilan niya ang sariling puntahan si Tzu Yu. Biglang tumunog ang phone nito mula sa locker. Binuksan niya ito at nakitang may message si Tzu Yu.
Tzu Yu: Nasa gym ako ngayon. Walang audience. Just practice. I banned girls to watch here for you. Wag ka ng mag alala. I love you.
Kalakip ng mensahe ay ang litrato ng gym na wala ngang audience, ang mga player lang. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya. Nakokonsensya siya.
Mina: Sorry sa sinabi ko kagabi. I just...wanted to see you...to be with you.
Tzu Yu: I know and i want to be with you too, pero may practice tayo. Magfocus muna tayo dun at kapag natapos na lahat ng ito...magkakasama rin naman tayo.
Mina: Thank you for assurance..
Tzu Yu: For you..Napangiti nya at bigla namang sumulpot si Momo.
Momo: Oy ano yan? Ano yang for you ni Tzu Yu?
Mina: M-momo! Bat ka nagbabasa?
Momo: Nakangiti ka kasi mag isa dyan
Mina: Yung For You, kanta yun. Sinabi niya sakin na maganda daw yun.
Momo: For You? May ganun ba?
Mina: M-meron!
Momo: Ode meron. Bat ka galit?
Mina: a-ah wala....Pagkaalis ni Momo ay agad niyang sinearch kung mayroon ba talagang kantang For You. Nakahinga siya ng maluwang nang mayroon nga siyang nakita kaso lang iyon ang kantang ginamit sa Fifty Shades of Freed. E hindi naman siya nanonood nun. Hayssss
Mina: hindi naman na niya siguro tatanungin ulit di ba?
Nagresume na ang kanilang practice. Tapos na ang kanilang choreography. Pumipili nalang ng ihahagis hagis.
Instructor: Mina? Bat hindi mo subukang magpabuhat? Mukha namang flexible ka?
Momo: Ma'am flexible talaga yan!
Mina: Momo😭
Instructor: Sige na, ikaw rin Shane at Rosie subukan niyo.Kahit ayaw ni Mina ay sinubukan niyang magpabuhat at gawin ang stunt na kinakailangan sa cheerdance. Ngayon niya lang nadisgusto ang pagiging flexible niya.
Instructor: Okay! Kayong tatlo na ha. Ipractice niyo nalang ang mga stunt na yun okay?
Nang matapos na ang practice, nilapitan ni Momo si Mina. Bumulong ito.
Momo: Sinearch ko yung kantang sinasabi mo. Gosh! Galing sa isang rated na palabas! Ibig sabihin, napanood na niya yun no?
Mina: Hay nako Momo........Umiiling na naunang maglakad si Mina. Hindi talaga titigil kakatanong niyan si Momo. Napadaan sila sa gym, nakita niya ngang walang tao sa gym kundi ang players lang. Napangiti siya, Tzu Yu is giving her enough assurance to calm her.
Momo: puntahan natin si Jihyo.
Tumango si Mina at pinuntahan na nga si Jihyo. Busy na talaga ang lahat, ang mga booth ay nagsitayuan na. Ang mga food stall naroon na rin, ang mga sound mayroon na. Hinihintay nalang ang araw ng Intramurals ng TWICE University.
It is the most awaiting event sa buong university dahil lahat ng colleges ay maghaharap harapan, makikipagkompetensya at makikisocialize. It is a chance to know more about people. At sa kasong iyon, mas lalong nababahala si Mina. Kung magaling na manlalaro si Tzu Yu, hindi siya mapapalagay. Maraming pwedeng mangyari sa araw na yun..